Kabanata 40

335 8 4
                                        

Dalawang araw na ang nakakalipas ng tapusin ko kung ano man ang meron sa amin ni Luke, Two days narin ang apura tawag at texts nya sa akin. Sinabi ko nadin kila mommy yung problema ko at naiyak na naman ako dahil sa nasasaktan na naman ako. Tahimik lang sila daddy, kuya Matt at kuya Kris nung kinukwento ko yun. Si mommy lang ang yumakap at nag alo sa akin.

"Ssshhh. Just cry baby.." sabi ni mommy sa akin habang yakap yakap ako.

Kaya umiyak lang ako ng umiyak sa kanila. After din naman nun ay tinabihan ako nila kuya Matt sa kama ko para siguraduhin na tulog na ako pero hindi nila alam ay narinig ko pa ang usapan nila bago sila lumabas ng kwarto ko.

"Bro, anong gagawin natin? Tangina hindi sakin pwede yung ganito. Ginago yung kapatid natin.." rinig kong bulong ni kuya Kris

"Pag usapan natin sa kwarto ko baka magising pa si Miallie sa ingay mo.." rinig kong bulong ni kuya Matt.

Hindi ko naman na sila pinigilan dahil inaantok narin ako at pakiramdam ko lalagnatin ako.


Kinabukasan din ay pumasok na ako sa university. Tahimik lang sila kuya at mommy, lalong lalo na si daddy. Hinayaan ko nadin kasi wala parin ako sa mood magkausap pa ulit. Gusto kong tahimik lang ako. Mapag isa ganun ba?

Naabutan ko naman agad si Mica at nginitian nya ako na alam kong malungkot sya pero nag thumbs up lang ako at nag lagay nalang ng earphone sa tenga ko para makinig ng music.

Musika ang isa mga sandalan ko nitong mga nakaraang araw. Aaminin kong minsan gustp kong kausapin at makipag balikan kay Luke pero laging pumapasok sa utak ko yung gabi na nahuli ko sila. Bumabalik yung sakit at galit. Sakit kasi niloko nya ako. Galit kasi ginawa nya sa akin yun.

Pwede naman nya akong hiwalayan nalang kaysa isabay pa ako kay Bianca hindi ba? Siguro mahihirapan akong tanggapin pero atleast alam kong ayaw na nya hindi yung ganito na may relasyon pa kami, may Bianca na agad sya.

Pero minsan naiisip ko na kasalanan ko din naman. Kung hindi ko na sana kinausap si Luke noon adi sana hindi ako nasasaktan ng ganito. Baka nga para sa isa't isa sila ni Bianca. Ako lang itong naging epal at umeksena nalang. Pero wala na e, tapos na. Kailangan ko nalang tanggapin kung gaano kasakit yung binigay sa akin ni Luke.



"Parang pumapayat ka ha.." napatingin ako kay Jared na kumakain ng carbonara na inorder nya sa cafeteria.

Andito kami sa Open Lib dahil marami akong dapat habulin na lessons at humingi na ako ng tulong sa kanya kasi sya lang ang kilala kong mag titiyaga na magturo sa akin.

"Dami mong daldal Jared." sabi naman ni Mica para siguro ibahin yung usapan.

Hindi narin ako masyadong nakakain dahil lagi akong walang gana. Kung kumain man ako ay konti lang ang kakainin ko. Minsan nakaka apat na subong kanin lang ako minsan wala pa. Ulam lang yung kinakain ko.

"Luke and I broke up." diretspng sabi ko para mabitawan ni Jared yung tinidor na hawak nya.

Malalaman din naman nya yun, bakit papatagalin ko pa? Saka binlock ko naman na si Luke sa phone ko at sa laaht ng social media ko para hindi na nya ako macontact. Para saan pa hidi ba?

"Kailan pa?!" tanong nya sa akin ng makabawi sya sa pagkakasabi ko na wala na kami ni Luke.

"Isang linggo nadin.." sabi ko naman.

Hindi naman na nagtanong si Jared, siguro nirerespeto nya pa ako. Kasi mag kukwento naman ako sa kanya kapag okay na sa akin. Sa ngayon kasi, hindi ko pa kayang ikwento ng hindi naiiyak. At ayoko ng umiyak. Sawang sawa na akong umiyak.

Shadow of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon