Kabanata 18

2.8K 58 1
                                        

"Love..." napadilat ako at Nakita kong si Luke sa harapan ko na nakayuko. "Nandito na tayo.."

Tumingin ako sa labas at nakitang pinapalibutan ako ng mga kulay berde na nanggaling sa damo at dahon sa puno at halaman. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako habang bumabyahe kami. Tinignan ko lang si Luke tumango nalang sa kanya. Umusad naman sya para makalabas ako.

Nakita ko naman na sukbit na nya yung bag nya at hawak nya yung maleta ko. Aakbayan nya sana ako para maglakad pero agad akong naglakad palapit kay Lorraine na nakatingin sa akin. Nasa gilid parin ng sasakyan si Bianca.

"Talagang hindi mo papansinin si kuya, ate ha?" sabi nya sa akin at isinukbit yung kamay nya sa braso ko at naglakad na kami sa isang puting bahay na hindi masyadong modern pero maganda. Dalawang palapag iyon at maganda.

Pumasok kami at ganun nalang ako namangha dahil sobrang ganda sa loob. Simple lang yung mga gamit na tanging sa probinsya mo lang makikita. Gawa sa mga kahoy ang mga kagamitan. Marami rin akong mga nakikita na old photos na nakasabit at nakalagay sa isang table na sa tingin ko ay sa puno ng narra galling iyon.

"Buti naman nakarating na kayo, kanina pa kayo inaantay ng Papang nyo.." napatingin ako sa kaliwa ko at nakita ko ang isang napaka gandang matanda na Kaya nasabi ko na matanda na ay dahil sa balat nya. Pero ang ganda nya kung hindi ganoon ang balat nya.

Pumasok naman na sabay si Bianca at Luke kaya napairap ako at bumulong naman yung katabi ko.

"Nako ate! Isa nalang yang babae nayan, masasabunutan ko na. Feeling nya ata sya yung girlfriend.."

Napatingin sa akin si Luke at inirapan sya ganoon din ang ginawa ko kay Bianca dahil nakangiti parin sya ng nakakainis. Suntukin ko yung labi mo dyan e.

"Eto na ba ang kasintahan ng apo kong si Sebastian?" umangat ang tingin ko sa isang matandang lalaki na kahawig ng daddy ni Luke.

Ngumiti naman agad ako at nagmano sa kanila para magbigay galang

"Magandang hapon po.."

Agad naman ngumiti sa akin yung dalawang matanda at naramdaman kong may humawak sa bewang ko. Hindi ko na nilingon dahil alam kong si Luke yon. Hinayaan ko na dahil nasa harapan kami ng lolo at lola nya ganun nadin sa harap ng magulang nya.

"Maganda ba, Pang?" sabi naman nya pagkatapos mag mano sa dalawang matanda.

"Aba, syempre! Nagtataka nga ako pano mo napasagpt itong magandang bata na ito. May ginawa ka siguro ano?" natatawang sabi naman nung lolo ni Luke.

Hindi nga nanligaw yung apo ninyo. Sinungitan lang ho ako nyan. Hmp!

"Baka kamo sya ang may ginawa mapasagot lang ako.."

Napatayo tuloy ako ng tuwid sa sinabi nya at kinurot sya sa bewang nya at awkward na ngumit sa matanda.

"Hwag ho kayo maniwala dyan.." sabi ko habang sinamaan ng tingin si Luke na nakangiti lang naman sakin kaya inirapan ko nalang sya.

Natawa naman sila at sinabi na umakyat na kami sa taas para mag pahinga dahil alam nilang napagod kami sa bayhe Lalo na daw yung mga nag drive. Dahil aakyat na kami hindi ko alam na magkasama kami sa kwarto ni Luke, e hindi ba nga galit ako sa kanya? Potek bahala na nga.

"Goodluck ate.." natatawang bulong sa akin ni Lorraine ng iwan na nya ako sa magiging kwarto daw naming ni Luke at naglakad na sya sa kabilang kwarto kung nasaan ang kanya.

Pumasok na ako sa loob non at nakita ko agad ang isang kama na gawa din sa isang kahoy at may puting bedsheet. Dahil nakakita ako ng kama ay agad akong dumapa roon at naramdaman ko agad yung lambot ng kama kaya parang hinahatak na naman ako para matulog.

Shadow of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon