Kabanata 38

3.3K 46 27
                                    

Nakarating din naman agad kami ni Kurt sa sinasabi nyang katuga at nakita ko na maraming mga street food ang bubungad sayo papasok. Nakita ko din na maraming pwedeng pag pilian na mga pagkain.

Nakahawak lang ako sa shirt ni Kurt sa likod nya dahil baka mahiwalay ako sa kanya hindi ko alam yung lugar na ito. Hindi din naman ako gala kaya hindi ko alam kung nasaan kami.

"Anong gusto mong kainin?" tanong ni Kurt ng hawakan ang balikat ko at itabi ako sa gilid nya dahil nasa likod nga nya ako.

"Parang masarap yung kwek kwek.." sabi ko habang nakatingin doon kay Manong na nagluluto ng kwek kwek at tinutusok na sa stick.

Napatingin naman si Kurt doon at hinawakan ang dalawang balikat ko para itulak sa stall na yun. Nang makalapit kami ay agad akong kumuha ng isang stick at sinawsaw na matamis na sawsawan. Dahil hindi ko naman alam na mainit ay agad akong napaso.

"What the!" natatarantang sabi ni Kurt habang ako ay napakapit sa braso nya at hinihipan sa loob ng bibig ko yung kwek kwek.

Kumuha ng tissue si Kurt at itinapat sa bibig ko, "Iluwa mo na.." umiling ako dahil sayang yung kwek kwek saka keri ko naman na. Medyo hindi na mainit yung nasa bibig ko.

"Wuu.. s-sha-yaaang huu.." sabi ko habang hinihipan parin sa loob ng bibig ko yung kwek kwek kaya napailing nalang sya at kumuha ng buko juice doon kay Manong at hinawakan yun.

Nang maramdaman kong okay na ay unti unti kong kinagat yung kwek kwek sa loob ng bibig ko para alamin kung okay naba yung itlog nun sa loob. Nanguya ko naman na dahil kaya ko naman na yung init nung itlog ng pugo. Nginuso ko naman yung buko juice na hawak ni Kurt kaya nilapit nya sabibig ko yun at ininuman ko agad.

Dalawang cup kasi hawak ko kaya sya na may hawak nung buko juice.

Nang matapos kaming kumain ng kwek kwek ay inaya ko naman sya doon sa may nag iihaw. Nang makita ko na mga isaw yung iniihaw ay hinatak ko yung kamay nya.

"Kurt, kain tayo nun! Dali.." aya ko sa kanya at nag pahila naman sya.

"Uubusin mo talaga budget ko?" naka ngiting sabi nya sa akin kaya tumango ako at nginitian sya ng ubos ng tamis. Hahahaha! Kala mo ha, namali kang ng ililibre. Gutom pa man din ako.

Lumapit ako doon sa nag titinda at tinignan kung ano yung mga tinda nya na inihaw. Nakita ko na medyo marami rami kaya yung favorite ko nalang yung pinili ko.

"Ate, sampung isaw nga po, anim na betamax, anim na adidas. At isang hotdog po.." nakangiting sabi ko sa ale.

"Sige iha.." nakangiting tugon naman nung ale sa akin.

Kinuha naman nya agad yung sinabi ko at inalagay sa isang plato na may dahon ng saging. Tumingin naman ako kay Kurt na nakatingin sa akin kaya tinignan ko din sya at pinagtaasan ng kilay.

"Sayo lang yun?" tanong nya habang naka krus yung mga braso nya sa dibdib. Tumango naman ako dahil sa akin lang yun, malay ko ba na gusto nya din yun.

"Ay wow! Salamat ha?" naiiling na sabi nya kaya natawa ako nung umorder na rin sya ng kanya.

Konti lang naman yung inorder nya, hindi siguro sya mahilig sa iha ihaw kaya ganun. Nag hanap lang kami ng vacant na upuan para maka upo kami dahil medyo nangangawit narin ako. At buti nalang ay pwede ang dine in dito. Para kasing karinderya style yung ihaw ihaw na ito. Marami din silang customer. Pwede ka ding umorder ng kanin kung gusto mo.

"Anong instagram mo?" tanong ni Kurt ng maupo kami at kuhanin nya yung phone nya.

"fralliecruz, why?" sagot ko naman habang hawak yung phone ko na nakatingin sa kanya.

Shadow of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon