Nakatulala lang ako sa sala ng condo ni Luke ng tumunog yung phone ko at tinignan ko yun ng makita si Jared ang nagtext at sinabi nyang nasa labas na sya ay tumayo na ako. Sinabi ko kasi sa kanya na wag na syang kumatok baka magising din kasi si Luke.
Nakita ko naman ang namumulang mukha ni Jared at may hawak na paper bag.
"Nasaan si Mica?" takang tanong ko sa kanya hindi parin sya pinapasok dahil hindi ko naman condo yun.
"Naiwan na sa bahay nila." sabi nya kaya tumango ako. Tinignan nya ako ng seryoso magsasalita na sana sya ng magsalita ako.
"Wait mo ako dito Jared, mag bibihis lang ako. Hindi kita pwedeng papasukin sa loob baka magalit sa akin si Luke." sabi ko sa kanya at tumango naman sya.
Isinara ko na yung pinto at pumasok na bathroom para magbihis. Kinuha ko lang yung white shirt ni Mica at yung maong na short na kasya naman sa akin bago ako lumabas. Pumunta ako sa kwarto ni Luke at tinignan sya. Nakadapa parin sya at naghihilik parin dahil sa pagod.
Lumapit ako sa side table nya at kumuha ng sticky notes para sulatan at ilagay sa headboard nya na umalis na ako.
Love, I know you're mad at me. I'm sorry.
Kiniss ko lang sya sa noo nya at tumalikod na para puntahan si Jared habang bitbit yung paper bag na laman ay yung damit ko kanina. Tumayo agad si Jared ng makalabas ako at nilock ko yung pinto at inaya na sya sa sasakyan nya.
Kinuha lang naman ni Jared yung paper bag na hawak ko at hindi na nagsalita. Tahimik lang din ako hanggang sa nakarating na kami sa tapat ng sasakyan nya ng hindi padin nagsasalita.
Pumasok na ako sa loob ng sasakyan ni Jared at isinara yon at tumingin sa labas. Until now, hindi ko parin maisip na magagawa ni Luke yung ganung bagay. Alam kong hindi ko naipaalam sa kanya o hindi ko man lang naitext sa kanya na aalis kami ni Mica.
Hindi ko alam pero natatakot na ako sa susunod na pwede nyang gawin kapag mas malala pa yung nagawa ko.
"Hey.." napalingon naman ako kay Jared at nagulat dahil hawak na yung damit kong sira dahil sa pag warak ni Luke noon.
"W-what happened?" nakunot ang noo nya na tanong sa akin. Kukunin ko na sana kaso inilayo nya ulit at tinignan ako ng seryoso.
Nag iwas lang ako ng tingin sa kanya pinipigilang tumulo yung luha sa mga mata ko dahil for sure halata naman sa mata ko na umiyak ako.
"Mia... I will ask you again. What happened to you?"
Gusto kong ikwento kay Jared pero hindi ko alam kung saan magsisimula dahil hindi naman ako kinausap ni Luke kung anong dahilan bakit nya sa akin ginawa yung bagay nayun. Alam kong may nangyayari na sa amin pero hindi ko inaakala na yun.
Alam kong galit sya dahil hindi ako nakapag sabi sa kanya na aalis ako pero tama ba yung ginawa nya?
"D-did.. d-did he fucking... d-did he.." hindi matulpy ni Jared yung sasabihin nya kaya naiyak nalang ulit ako habang kagat kagat yung likod ng kamay ko.
Did he?
Hindi ko alam pero yun ang pakiramdam ko. Pero pumayag naman ako hindi ba? Pumayag ako sa ginagawa nya. Hindi ko alam.
BINABASA MO ANG
Shadow of Love
Teen FictionFrancheska Miallie is a BS Accountancy student at North University. She is just a typical college girl who likes to read, enjoy college life. She is very manageable in her schedule and on her goals in life. But in an unexpected encounter with this g...