Kabanata 5

4.8K 101 1
                                    

"Okay, bihis lang ako tapos sunod na ako dyan"

[Bilisan mo.] sabi ni Mica sabay patay ng tawag nya.

Ngayon kasi kami pupunta doon sa condo ni Max. Mag aaral daw kami kuno, if I know dumada moves lang sya. Boto naman ako kung sakali no.

Kasalukuyan akong nag iisip ano ang susuotin ko ng mapag pasyahan ko na mag maluwag na yellow shirt nalang ako na may nakalagay na "YOU ARE BEAUTIFUL" na binili sa akin ni kuya Matt sa Penshoppe and nagsuot ako ng hisg waisted na white at naglagay ako ng brown na belt at nag nike shoes nalang ako. And then, nike na white cap. At yung pastel pink na back bag ko na may lamang libro nagagamitin ko mamaya sa group study kuno.

Bumaba na ako at nagpaalam na kila mommy. Mag cocommute ako kasi wala sila kuya Matt at Kris. Si kuya Matt, busy na kasi nag graduating na sya while kuya Kris I don't know kung nasaanag lumapalop man sya.

From: Doc.

Where are you? Bakit wala ka pa ditto?

Bakit sa text parang ang tino nyang kausap hindi halatang suplado, pero pag personal na ang sungit na. Dahil sa natawa ako sa kanya kagabi, pinang kunutan lang nya ako ng noo ko at pinitik ang ulo ko para manahimik. Tumahimik nadin ako kasi baka magalit nanaman sya dun e.

To: Doc.

Miss mo na agad ako?

From: Doc.

Kapal

Natawa ako dahil ayan na naman yung tipid nyang salita. Napailing ako at nag type na.

To: Doc.

Papunta na, nag aantay lang ako ng jeep.

Tumingin ako sa kalsada kung may paparating na bang jeep na dadaan sa condo ni Max. Nabalik lang ang tingin ko sa phone ko g mag ring ito,

"Yes love hihi" bungisngis na bungad ko sa kanya.

[Where are you? Antayin mo na ako. Sunduin na kita. Hwag kana mag commute..] rinig ko sa kabilang linya na parang nagmamadali sya pero hindi ko na pinansin

"Ha? E andyan kana kamo kila Max diba? Mag cocommute nalang ako baliw" kunot noong sabi ko sa kanya at pinapakinggan mabuti kung ano na ang ginagawa nya.

[Susunduin kita. Wait for me] yun ang huli nyang sinabi bago patayin ang tawag.

Aba!! Attitude?!! Binabaan ako ng tawag?

Inisip ko kung susundin ko ba ang sinabi nya o hindi pero dahil nasa harapan ko na yung jeep ay sumakay na ako. Tinext ko nalang sya na naka sakay na ako ng jeep, kaya wag na sya mag abala.

Ilang minute lang ay nakita ko na yung building ng condo ni Max nang matapat si kuya driver ay pumara na ako at bumaba. Pumasok ako sa loob at sinabi na bisita ako ni Max. Alam naman nila dahil nainform nadaw sila.

Pumasok ako sa elevator at pinindot yung number kung nasaang floor yung condo ni Max. Nang bumukas yung elevator ay agad kong hinanap yung number ng condo nya, at nasa dulo yung kanya. Kumatok ako at agad din akong pinag buksan ni Max.

Kumunot ang noo nya na tila nagtataka, "Nasaan si Luke?"

"Ha?" tanong ko din sa kanya habang tinatanggal na yung sapatos ko at pumasok na ng tuluyan

"Gaga! Susunduin kadaw kasi sabi mo wala sila kuya Matt na maghahatid sayo" napaface palm ako dahil sa sinabi ni Mica.

Agad kong tinawagan yung number nya, at sinagot din naman nya agad

"Hoy!! Hindi ba sabi ko wag mo na akong sunduin? Nasaan kana? Andito nako.." sabi ko pero wala akong narinig na boses at pinatayan nya lang ako ng tawag.

Shadow of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon