Lumipas ang mga araw at umpisa na summer class namin at yung clerkship ni Luke sa isang kilalang hospital. Huling kita namin yung umuwi kami galling Qduezon. Pero kahit hindi naman kami nagkikitang dalawa at lagi naman sya sa akin tumatawag at nagtetext. Okay na ako doon.
Ngayon ay nasa may Open Lib ako para hindi mag aral, kundi para kumain. Kakatapos lang ng subject namin kanina at kasama namin ni Mica si Jared ngayon na umoorder ng makakain namin.
"Namimiss ko na si babe.." napatingin naman ako kay Mica na nasa harapan ko.
Nakapalumbaba sya at malalim ang iniisip.
"Okay lang yan, masasanay kadin." sabi ko at kinuha na muna yung tablet sa bag ko para tignan if nasend na ng uni yung mga online books namin.
"Hindi kaba nasa sad?" tanong uli ni Mica pero hindi ko na sya nilingon.
"Nalulungkot syempre! Pero iniisip ko nalang na para sa future namin yun at saka magkikita naman kami nun. Busy lang sya kasi kaka start pa lang nila diba?"
Nangangapa kasi sila siguro kaya busy sila. Saka ang sabi din ni Luke nag fofocus sya sa mga sinasabi ng senior nya kasi mahirap na kapag pumalpak sila.
"Oh anyare sa inyo?"
Napatingin na ako kay Jared dahil sa sinabi nya. At tinignan nya lang kami ni Mica na nakakunot ang noo. Ibinaba na nya yung mga pagkain at naupo sa tabi ko.
"Lungkot kayo? Bigti kyo.." sabi nya kaya binatukan ko sya.
"Aray! Sadista mo!" sabi nya habang hawak hawak yung binatukan ko sa kanya.
"Panget mo kainis ka." sabi ko at umirap nalang sa kanya.
Bwisit talaga tong si Jared, ewan ko ba bat naging kaibigan namin ni Mica to.
"Hwag nyo na isipin yung mga jowa nyo. Andito naman ako e," rinig kong sabi pa ni Jared.
"Mahahalikan kaba namin ha?" sabi naman ni Mica at nagulat si Jared at napakunot ang noo sa sinabi ni Mica, natawa lang naman ako.
"Pota! Hindi ko alam na ang wild mo din pala no? Halikan agad? Ampota ka!" nandidiring sabi ni Jared.
"Kung makapag sabi ka kasi na andito naman ako kala mo talaga, if I know--"
"Oh ano? Sige ituloy mo.." may pag babanta na boses ni Jared kaya napa irap nalang si Mica kay Jared.
Kumain nalang kami habang tinitignan ko yung tablet ko para tignan yung mga sinend sa akin ni Stephen sa email ko na mga picture namin doon sa Quezon. At yung ilang picture namin ni Luke na kinuhan ng kapatid nya na hindi namin alam.
Tulad nalang nung ni lock screen ko sa tablet at phone ko. Yung nakataliko kami ni Luke sa camera at magkayakap.
"Kanina ko pa kayo hinahanap guys!-- oy! Kayo yan?" tanong ni Gladys na kakarating lang at nakatingin sa tablet ko. Tumango naman ako at inabot nya iyon kaya binigay ko. Wala naman syang ibang makikita doon. Puro school works yun at ilang pictires ko lang.
"Wow, sana all.." sabi nya bago ibalik yung tablet sa akin
"Saan kana naman galing? Ikaw ha nakikita kita doon sa engineering department. Ginagawa mo don?" tanong naman sa kanya ni Mica na nakakunot ang noo.
Agad naman ngumiti ng pagkatamis tamis si Gladys at tila kinilig pa dahil sa pagkaka banggit ni Mica ng engineering department.
"May target ako doon ngayon. Makalaglag panty yung kagwapuhan girl. Kyaaah!"nairap nalang ako.
Ganyan yang si Gladys pag may bagong natipuhan talagang mag pupursigi sya maging jowa nya lang or makuha nya lang.
Napaiwas ang tingin ko sa kanila ng mag ring yung phone ko at Makita na si Luke yung tumatawag. SInagot ko naman agad dahil baka break time nila.

BINABASA MO ANG
Shadow of Love
Fiksi RemajaFrancheska Miallie is a BS Accountancy student at North University. She is just a typical college girl who likes to read, enjoy college life. She is very manageable in her schedule and on her goals in life. But in an unexpected encounter with this g...