Weeks passed at naging sobrang busy naming lahat. Lalo na sila Luke dahil mas mahirap yung course nila for me. Malapit nadin kasi yung midterm exam namin kaya halos lahat ng estyudante ngayon ay puro nag aaral.
Minsan nagkikita kami ni Luke para mag aral pero madalas kasama namin sila Max dahil lagi kaming mag kasama ni Mica pag nag aaral kami.
Tulad ngayon nasa library kami ni Luke ng university para mag aral, wala sila Mica dahil may lalakarin daw sya at si Max naman ay may bibilhin daw na book. If I know, gumawa lang ng paraan para makasama nya si Mica. Duh!!
"Love, hindi ba ibig sabihin ng exclude is hindi sya kasama? Yung parang you're not belong ganon?" takang tanong ko.
Eto minsan hirap pag sobrang dami na ng information na pumapasok sa utak mo e, kahit simpleng word hindi mo na alam ibig sabihin. Nakakalito na minsan
"Yes, it's like denying or remove from something" inulit kong basahin yung nasa book ko at ng naka ilang ulit akong basahin hindi ko parin naiintindihan ay dumukdok nako sa desk ko
"Ugh!!! Wala ng pumapasok sa utak ko" sabi ko habang inuuntog ko ang noo ko sa desk.
Nilagay naman ni Luke yung kamay nya sa part ng desk kung saan ko inuuntog yung noo ko para yung kamay nya ang pag landing- an ng noo ko.
"Don't hurt yourself. Take a break." he said kaya bumuntong hininga ako. Hinawi ko na yung kamay nya at inayos na ulo ko sa desk para magsulat ng idea ko.
Mababaliw nako. Parang hindi ko na kaya, dalawa palang major subject ko pero uno na ng information yung utak ko. What more sa iba bang advance accounting or higher accounting diba?
"Love, di ko na keri" stress na sabi ko kay Luke para mapatingin sya sakin at tignan ko din sya. Tinayo ko na yung ulo ko at sumimangot ako sa harap nya
"Sumasakit na ulo ko, love. Hindi na pumapasok sa utak ko yung binabasa ko. Hindi ko nadin maintindihan" inayos nya yung mga takas na buhok ko sa mukha at pati yung kaunting bangs ko.
"I told you, take a break. Ipahinga mo din utak mo. Wala talagang information na papasok dyan kahit anong ipilit mo.." i sighed.
"Okay.." sabi ko at dumukdok na sa desk para umidlip ng konting oras.
Alam naman nya anong oras ng pasok ko kaya baka gisingin nya ako pag napailalim yung tulog ko. Naramdaman kong hinahaplos nya ang likod ng ulo ko. Para siguro marelax ako kahit paano.
Nakapikit lang ako at nagpapaantok ng biglang hindi ko na maramdaman yung hawak ni Luke sa ulo ko, kaya napaangat ako ng tingin para tignan sya.
"Hello, Bi.." rinig kong bulong nya.
Agad kumunot ang noo ko? Bi? Endearment din ba yun? Pina ikling baby?
Dahil sa narinig ko umiwas na ako ng tingin sa kanya at hinarap na uli yung libro para magbasa na. Bi? May girlfriend ba sya? O may iba pa syang kafling maliban sa akin? I scoffed, shet!
"Punatahan nalang kita dyan mamaya. oo sige sige bye.."
Inabala ko ang sarili ko na kunwari nagbabasa ako pero kahit paulit ulit kong basahin yung binabasa ko ay hindi ko maintindihan dahil hindi ko din alam. Hindi ko alam pero bigla akong nalungkot na ewan, Naiinis kasi may kahati ako? At hindi lang sakin sya may endearment.
"Una na ako." sabi o ng hindi nakatingin sa kanya at inaayos na yung gamit ko para umalis nadun. May lakad ata sya, so hindi kami magkikita after ng class?
Tatayo na sana ako ng pigilan nya ako kaya napatingin ako sa kanya na nagtataka dahil sa biglang pagliligpit ko ng gamit at babalik na sa room.
"May 1hour ka pa ah?" takang tanong nya at tinignan pa yung nakasuot na relo sa wrist nya para tignan kung oras na para sa next class ko.
BINABASA MO ANG
Shadow of Love
Teen FictionFrancheska Miallie is a BS Accountancy student at North University. She is just a typical college girl who likes to read, enjoy college life. She is very manageable in her schedule and on her goals in life. But in an unexpected encounter with this g...