After that day ay naging weird na si Luke at parang malalim na lagi yung iniisip nya. Pag tinatanong ko naman sya kung anong iniisip nya, sinasabi nya lang ay yung patient nila na ooperahan daw. Very crucial daw kasi nung patient na yun kaya ganun.
Nagkibit balikat nalang ako dahil doon. Wala naman akong alam sa mga medical terms or what so ever. Nasa library kami ngayon ni Mica dahil nag aaral kami sa subject namin na STRAMA. Medyo nahihirapan ako sa subject na ito pero keri lang pag pinag tuunan ko ng pansin.
Napatingin naman ako kay Mica na malungkot kaya kinalabit ko sya para tumingin sa akin.
"Matagal na kitang napapansin na malungkot ka. Anong nangyari sayo? May problema ka ba?" nag aalalang tanong ko sa kanya.
Sana sagutin at kwentuhan na nya ako this time. Tinignan ko naman sya at napabuntong hininga bago ako harapin.
"Max and i broke up." diretsong sabi nya kaya nanlaki ang mata ko.
"What!? Kailan pa?!" medyo napalakas ang tanong ko kaya hinaan ko din ng mapansin na napatingin yung ibang student sa gawi namin.
Nagkibit balikat si Mica, "It didn't work out, i guess?" malungkot na sabi nya pero mas na curious ako.
"Anong dahilan? Gaga ka! Bakit hindi mo kinukwento sa akin?"
"The reason? I don't know. Napagod na siguro ako sa set up namin dalawa na ako lang lagi ang may oras." natatawang sabi nya.
"Bata pa naman kami. If kami talaga, kami talaga. Gagawa ng way si tadhana para paglapitin kami." sabi nya bago humarap sa tablet nya at nagsulat doon.
"Pero bakit hindi mo kinuwento sa akin? I'm your friend Mica. I'm always here for you."
Napatingin naman sya sa akin at namumula na ang mata. Namumuo yung luha na gustong tumulo doon. Napakagat naman ako sa labi dahil naiiyak din ako.
"I'm scared, Lie. You know? Hindi ko pa kaya ikwento na.. na w-wala na kami ni Max. Hindi ko alam anong ga--" hindi ko na sya pinatapos at niyakap nalang sya.
"Its hard, i know. But I'm here." bulong ko sa kanya at hinahaplos ang likuran nya para pakalamahin.
Hindi ko alam na may pinagdadaanan na pala sya nitong mga nakaraang araw tapos tinulungan nya pa ako nung birthday ni Luke. Ako yung kaibigan nya pero hindi ko man lang magawang maitanong sa kanya kung anong problema nya. Alam ko naman na may problema sya pero hinayaan ko lang. Akala ko kasi mag kukwento sya. Ganun naman sya palagi.
Hindi ko inakala na ganito na pala kalala yung pinoproblema nya. Alam ko kung gaano nya kamahal si Max lalo na childhood friend nya ito. Sabay sila lumaki, tulad nga ng sabi nya. Sana kung mas kinulit ko pa sya kung ano talaga yung problema nya adi sana nalaman ko agad. Napaka walang kwenta kong kaibigan.
Bumitaw ako sa yakap at hinarap sya na namumula na ang mata at pinupunasan yung mga mata nya.
"I'm sorry, Mica. I'm not there when you need someone to talk to and to lean on. I'm sor--"
"Sssshhh! Its fine Lie. No worries.." nakangiting sabi nya sa akin.
Tumango nalang ako at niyakap sya ulit. Sana hindi din mangyari sa amin ni Luke yung nangyari sa kanila ni Mica. Hindi ko alam anong gagawin ko kapag nag break kami ni Luke. Kahit na nag aaway o may hindi kami pagkakaintindihan ni Luke ay nagkakaayos din naman agad kami.
Lumipas pa ang mga araw at naging busy na ulit si Luke. Minsan nalang sya mag text or tumawag. Minsan sya na ang pumupunta sa bahay namin. Kahit nag eexist ako na doon nalang ako sa condo nya. Sinasabi nya lang sa akin na madumi doon at sa bahay nalang ako. Hindi ko alam kung bakit naging ayaw na nya ako papuntahin sa condo nya. Nakibit balikat nalang ako dahil doon.
BINABASA MO ANG
Shadow of Love
Dla nastolatkówFrancheska Miallie is a BS Accountancy student at North University. She is just a typical college girl who likes to read, enjoy college life. She is very manageable in her schedule and on her goals in life. But in an unexpected encounter with this g...