Kabanata 4

4.6K 100 1
                                        

Nung gabi nayon ay laking pagtataka ni kuya Kris kung bakit nakatayo lang ako doon at hindi gumagalaw. Sino ba naman ang hindi magugulat, hinalikan ako ni Luke. Luke sa College of Medicine. Ilang araw ko narin nalaman na sya nga talaga yung Luke na sinasabi nung babae na napag tanungan ko noon isang araw sa chismisan.

Kilala pala si Luke sa buong university, parang ako lang ang walang alam. Madalas daw kasi nasasali dati yun sa mga program napanglalaban ng university namin. At ayon sa mga bali balita ay wala daw yon girlfriend. Pwede Nakong mag apply, baka naman sakaling tanggapin ako dahil hinalikan na nya ako. Omg!! He kissed me. Kahit hindi ako nagrespond naramdaman ko yung labi nya. Napaka lambot!! Parang cotton candy sa kanto ng university amp!!

Napahawak naman ako sa labi ko ng maalala uli yung nangyari hihi. Shocks! Sanay naman ako humalik dahil meron na akong naging karelasyon dati. Hindi lang talaga ako nakapag respond sa gulat ko sa ginawa nya sakin. Magkaka jowa na ba ako? Omg!!!

"Hoy! Anong mayroon sa labi mo at napapahawak ka dyan? At para kang baliw na ngingiti ngiti dyan?" kunot noo na tanong sakin ni Mica. Inirapan ko sya dahil panira ng moment.

"Wala gaga. Ano nangyari sa inyo kagabi?" tanong ko dahil nauna nga akong nauwi sa kanila.

Napabuntong hininga naman sya at tumingin sa harapan namin. Nandito kami ngayon sa open field ng university, nagpapahinga dahil kakatapos lang ng quia namin sa accounting. Hindi ko alam kung quiz ba yun or exam na dahil sa dami at hirap nadin.

"Syempre nagbasa lang ganun. Tapos nanlibre ng food si Bianca" dahil sa sinabi nya na yun ay napatingin ako sa kanya

"Sya ba yung babaeng katabi ni Luke kagabi?" tanong ko sa kanya kahit alam ko naman na dahil tatlo lang naman kaming babae doon kagabi.

"Oo. Bestfriend daw ni Luke yun. Sa South nag aaral, mag dodoktor din daw tulad nila Max." napatango ako at humarap nalang uli sa mga estyudante na dumadaan at nagchichikahan.

May betfriend pala sya na babae. Sabagay hindi ko pa naman sya ganon kakilala. Nang tamarin na kami ni Mica ay napag pasyahan namin na pumunta sa labas at bumili ng makakain. Matagal pa naman bago yung susunod na subject namin kaya okay lang samin na sa labas kami bumili.

Habang naglalakad kami ay narinig kong nag ring ang phone ni Mica kaya huminto kami at sinagot nya yun.

"Hello, ma?" sabi nya kaya tumalikod ako para bigyan sya ng privacy. Tumingin ako sa paligid hanggang sa kalabitin ako ni Mica

"Lie, andyan si Mama sa gate. Puntahan ko muna. Ayos lang ba na iwan kita?"

"Luh, oo naman gaga! Ano ako grade school?" hampas ko sa kanya at tinulak na sya paalis. Kumaway naman sya sa akin kaya kinawayan ko din sya.

Naglakad lakad na muna ako at Nakita ko yung secret garden sa may gilid ng College of Medicine. Malayo layo din pala yung nilakad ko haha. Pero okay lang maganda naman ditto sa garden nato. May mga upuan kung saan pwede ka mag aral or magpahinga.

Habang naglalakad ako pa secret garden ay natanaw ko si Luke na naglalakad kaya binilisan ko ang lakad ko para mahabol ko sya.

"Hi, love.." tumalon ako sa harap nya at nginitian sya.

"Anong ginagawa mo dito? Ang layo ng Accountancy building dito ha?" takang tanong nya at hinila ang braso ko para gumilid kami kasi nasa gitna kami ng hallway at may mga dumadaan na ibang estyudante.

Kinuha ko yung paper bag na may laman na tupper ware sa bag ko na may laman na cupcake at inabot sa kanya. Ginawa kp yun kagabi dahil nagbebake si mami kaya gumawa nadin ako. Hindi naman mahirap yung pag gawa nya, mahirap lang kasi marami kang huhugasan after.

Shadow of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon