Nasa byahe na kami at pabalik na kami. Nasa may likuran parin ako dahil ayokong maupo sa inuupuan ni Bianca. Isaksak nya sa baga nya yung passenger seat nayon. Nung una ayaw pumayag ni Luke pero nung sinabi ko na okay lang sa akin at sinabi ko sa kanya ang dahilan ay wala narin syang nagawa.
Nalungkot naman ang lolo at lola ni Luke dahil panigurado na matagal na ulit sila makakapunta doon dahil magiging busy na raw si Luke para sa clerkship nito. Nangako naman si Luke na kapag nagkaroon sya ng bakasyon or off na mahaba ay dadalaw daw ulit sya kasama ako.
Nag habilin lang din ang lolo at lola nya sa akin na mag aral alng din daw ako ng mabuti at habaan pa daw ang pasensya dahil may nobyo daw ako na gusting maging doctor. Sinabi nila sa akin ang mga posibilidad na maaring mawalan ng oras sakin ang apo nila kaya daw sana ay tiisin ko. Tanging tango lang ang sinagot ko dahil gagawa naman siguro kami ng paraan ni Luke para magka oras kami sa isa't isa.
Hindi naman pinansin ni Luke si Bianca kanina nung kinausap sya nito. At si Lorraine naman ay pinariringgan lang si Bianca na wala naman paki sa kanya dahil apura tingin nya kay Luke na hindi sya pinapansin.
"Love.." napalingon ako kay Luke na nakasilip sa likuran nya.
"What do you want to eat?" nakita ko na nakatingin sa amin si Bianca sa gilid ng mata ko kaya lumapit ako para ikiss si Luke at ngumiti.
"Burger nalang siguro love.." nakangiting sabi ko sa kanya hindi parin nilalayo yung mukha ko sa kanya.
"Okay.." ngiti naman nya hinalikan muna ako ng may tunog bago bumalik sa babae na humihingi ng order naming.
Napa smirked nalang ako dahil sa inis na mukha ni Bianca at nakitang nakangiti naman si Lorraine sa akin. Nag thumbs up lang sya sa akin bago ako tumingin ulit sa labas.
Lumipas pa ang ilang oras at nakarating nadin kami. Nauna munang inihatid ni Luke si Lorraine kasama nadin si Bianca. Pero nasa likod parin ako naka upo.
"Taas ng pride mo no?" nailing na sabi sa kin ni Luke dahil hindi parin ako lumagay doon sa unahan kahit wala naman na si Bianca doon.
Inismiran ko nalang sya at pumikit muna dahil inaantok na ako. Ginabi nadin kami sa daan dahil traffic pauwi dito sa amin.
"Love.."
Napadilat ako at nakitang nasa tapat na kami ng bahay naming. Nag kusot lang ako ng mata ko at lumabas nadin. Namiss ko sila daddy at kuya.
Pumasok na kami sa loob habang bitbit ni Luke yung maleta ko at hawak yung isang kamay ko. Kumatok na muna ako sa pinto at binuksan yun.
"Bakit ba kasi do-- hoy!" napaturo si kuya Kris sa akin dahil palabas ata silang lahat.
"Saan kayo pupunta?" takang tanong ko dahil pati sila mommy ata ay kasama nila.
"Nakauwi na pala kayo." sabi ni daddy kaya nag bless kami sa kanya ni Luke pati narin kay mommy
"Opo tito. Medyo ginabi nga po kami at naipit po kami sa traffic." sabi naman ni Luke at nakipag pist bomb lang sa mga kuya ko.
"Ganun ba? E kumain na ba kayo? Kakain kami doon sa sinasabi ni Matt na bagong bukas na kainan. Ano nga ulit tawag doon?" sabi naman ni mommy at tumingin pa kay kuya Matt para sabihin yung kakainan nila.
"Samgyup ma."
"Hindi nyo ko isasama?" nakangusong tanong ko naman.
"Luh, arte. Ganda ka?" napairap naman ako dahil sa sinabi ni kuya Kris.
Napaka epal.
"May gagawin ka paba iho? Sama kana din samin." aya ni daddy kay Luke
"Daddy pagod na si Luke sa pag mamaneho. Baka gusto na nyang umuwi.." sabi ko naman kaya tinignan ko si Luke.

BINABASA MO ANG
Shadow of Love
Ficção AdolescenteFrancheska Miallie is a BS Accountancy student at North University. She is just a typical college girl who likes to read, enjoy college life. She is very manageable in her schedule and on her goals in life. But in an unexpected encounter with this g...