Kabanata 2

6.5K 111 1
                                        

Natapos nadin ang last subject naming ngayong araw at alas kuwatro na ng hapon. Mas naunang kaming umalis ni Mica kanina sa Open Lib dahil 1pm ang sunod na class namin. Sila naman ay 2pm pa start ng class nila kaya nauna na kami at iniwan na namin sila.

Hindi na ako pinansin pa ni Nike shirt kaya hinayaan ko nalang. Med student pala sila kanina ko lang nalaman nung Nakita ko yung libro na binabasa nya. Ewan ko kung med student nga di ko naman naitanong dahil ang sungit kaya nya. Hindi man lang ako pinapansin hmp! Ganda ganda ko e

"Sa condo ko tayo Lie."

"Bakit doon pa? Sa may cafeteria nalang tayo sa Bridge. Gusto ko marami akong nakikita na nag aaral" sabi ko kay Mica dahil mag aaral uli kami. Hindi naman ako nainform na pag sinabing Bsic ay hindi sya Easy pag sa course ko ang usapan. Nakakaloko!

"Sabagay, hindi din ako sanay na mag isa lang ako nag aaral or nagbabasa. Nakakatamad" tumango nalang ako at sinukbit ang bag namin at lumabas na ng room para pumunta sa isang Café sa Bridge.

Marami kasing pwedeng tambayan sa Bridge. Pero hindi tambay na maingay o ano, para syang Café pero puro nag aaral at nagbabasa ang mga customers doon. Maganda ang lugar nayon sa mga gustong mag aral na may kasama sila. Dahil bawat table doon ay may socket kung saan pwede mo icharge ang laptop or tablet na dala mo. Free coffee din doon pero syempre may bayad ang oras mo doon. Hindi naman ganon kamahal pero okay na sakin dahil minsan inaabot ako tatlong oras don. Sulit na sulit yung bayad ko.

Napakunot ang noo ko ng makita ko ang kapatid ko papunta sa College of Business and Administration, sumingkit ang mata ko para tignan sya Mabuti dahilan para mahinto din sa lakad si Mica

"Bakit? May naiwan kaba?"

"Kapatid ko ba yun?" nguso ko sa direksyon ni kuya Kris na parang may inaantay.

Sino naman ang inaantay na doon? E wala naman syang girlfriend. Lahat kami na mag kakapatid wala kaming mga jowa.

"Lapitan nga natin" aya ko kay Mica at pumunta kung nasaan si kuya Kris. Nakakapag taka lang na ang layo ng Arki building ditto sa building nato.

"Kuya? Anong ginagawa mo dyan?" Nakita ko naman na nagulat sya at may pahawak hawak pa sa dibdib akala mo talaga.

"A-ah.. h-hehe w-wa-wala. Ikaw anong ginagawa mo dito? Tapos na ba klase mo? Isusumbong kita kay daddy nag cucutting kana ha" napairapa ako at binatukan sya dahil sa maling accusations nya sakin.

"Hoy! Kapal ng mukha mo. Tulad mo ko sayo. Tapos na klase namin no! Ikaw anong ginagawa mo dyan? Ang layo ng building nyo sa building na ito, wag mong sabihing naligaw ka? Dalawang taon kanang nag aaral dito.." pinang ningkitan ko sya ng mata dahil di na sya mapakali na akala mo kailangan na nya umalis

"Sa Bahay nalang tayo mag kwentuhan. Alis na ko hehe. Bye Mica, lil sis" takbo nya at may pa flying kiss pa

Humarap ako kay Mica at parehas kaming natawa at nag kibit balikat nalang. Hinayaan ko nalang dahil magkukwento naman yang si Kuya Kris. Saka okay lang sakin na may girl friend na sya if ever man. Hala! Bakit ba girl friend agad naiisip ko? Mamaya may pinuntahan lang na tropa e. Mygod!

"Hoy! Ikaw nakalimutan kong itanong. Sino ba yung kausap mo kanina sa Open Lib at talagang pinaupo mo pa sa table natin e' may table naman na sila" tanong ko kay Mica na nag cecellphone.

Natawa sya saglit, "Si Max? Kababata ko yun gaga. Hindi mo ba sila kilala?"

"Dapat ko ba silang kilalanin?" takang tanong ko sa kanya. Malay ko ba na kilala nya yun. Marami naman akong friends kaya lang di ko sila tinuturing na friends. Si Mica lang yung mapag kakatiwalaan ko.

Shadow of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon