Kabanata 16

2.8K 52 0
                                        

"Love, are you.. okay?"

Kanina ko pa kinakausap si Luke pero tango at iling lang ang sagot nya. Ayoko naman sigawan sya dahil mukhang pagod sya kahit naiinis na ako.

Tinanong ko nadin sya ano yung sinabi nya kanina sa library pero umiling lang sya sa akin. Tuloy hindi ko alam bakit ganun bigla ang mood nya. May nangyari ba sa lab nila ng hindi nya kunukwento sa akin? Marami ba syang mali sa performance nya?

"Love.. you're too quiet" I pouted at pinaglalaruan yung mga kamay ko.

Hindi ko alam paano gagawin ko sa kanya para magsalita lang sya. As in kanina pa sya hindi masyado nag sasalita. Well? Ganoon naman sya dati pero hindi tango at iling ang sagot sa akin.

"I'm not used to your sil--"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil iginilid ni Luke yung sasakyan nya sa gilid ng kalsada na agad naman akong kinabahan. Papababain ba nya ako? Kasi masyado akong madaldala? Hindi ba maganda ang araw nya kanina?

"Uh..m" hindi ako makapag salita dahil tila pinapakalma nya ang sarili nya.

Humihinga sya ng malalim at tumingin sa gawi ko. Napaatras naman ako dahil sa nakakatakot na titig nya.

"I'm sor--"

"Aaah-chooo!"

Hindi nya naituloy yung sasabihin nya dahil nabahing ako. Agad naman sya tumawa kaya napanguso ako. Kung hindi pa ako bumahing hindi sya tatawa. Nakakatakot itsura nya pag masyado syang seryoso. Parang pag kinausap mo, sapakin kana lang nya bigla.

"You're so adorable.." nangingiti ngiti na sabi nya sa akin

"Bakit ba ang tahimik mo ha? May nangyari ba sayo nung pumasok kana?" nakatingin na sabi ko sa kanya.

Biglang sumeryoso naman sya at umiling, "Nothing love. I just need to keep an eye on you. Baka pag gising ko isang umaga, naagaw kana sa akin."

Agad kumunot ang noo ko sa sinabi nya. Ano daw?

"Ha? Baki- i mean? Sino ang aagaw?"

Iniintindi kong Mabuti kung ano yung sinabi nya. Bakit kailangan nya akong bantayan? At sino naman ang aagaw sa akin? Baka nga sya ang maagaw sa akin ng Bianca na yon. Ngumiti naman sya at kiniss yung lips ko.

"Nevermind. Mahal mo naman ako hindi ba?" napairap ako sa sinabi nya at tinignan din sya.

I touched his cheek and kissed him. I tried to open his mouth to deepen the kiss, he responded to that kiss. When I gasped I let go and looked into his eyes

"I love you, remember that.." ngumiti naman sya sakin

"Panghahawakan ko yang pagmamahal mo.." kiniss nya lang ulit ako sa labi at pinaandar na yung sasakyan nya para sa condo nya kami mag aral.

Nakarating din naman agad sila sa condo ni Luke at pinahiram sya ulit nito ng damit nya para daw komportable ako na maglalakad dito. Nag uumpisa na silang mag aral sa sala area ng condo ni Luke at naka salampak sila sa sahig.

"Love, malapit na yung bakasyon natin. Naeexcite na ako!"

Masayang sabi ko kay Luke habang kumakain nung fruits na inihanda nya. Nag take lang kami ng 5 minutes break at babalik nadin kami sa pag aaral.

"Yes. I will come to you after the exam to tell your parents that we will take you to Quezon.."

Umupo ako sa hita ni Luke ng paharap kaya nagulat sya dahil sa biglang pag upo ko.

"Marami bang magagandang lugar don?" tanong ko sa kanya habang yung dalawang kamay ko ay nakapatong sa balikat nya.

Hinawakan nya naman ng isa nyang kamay yung bewang ko at yung isa ay inaalis yung buhok sa mukha ko at ngumiti sa akin.

Shadow of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon