"You missed me that much?" natatawang sabi ni Luke ng bumitaw na ako sa kanya pero ayoko pa syang bitawan pero inaya nya kasi ako sa cafeteria ng hospital nila.
Pumasok lang naman ulit kami doon at sabi nya if hindi pa daw ako uuwi antayin ko na daw sya kasi may 1hour pa daw sya bago umuwi. Kaya aantayin ko na sya dahil wala pa naman gagawin masyado na school works.
"Kamusta ka dito, love?" tanong ko ng makaupo kami.
Tumabi ako sa kanya dahil naadik ako sa amoy nya, hingin ko nalang kaya yung pabango nya? Pero iba e. May amoy doon na parang hindi yung pabango nya, parang amoy talaga ni Luke yun.
"Nakakapagod pero kinakaya ko naman." sagot naman nya habang binubuksan na yung mga tupper ware na pinadala sa akin ni mommy.
"Mag pahinga ka din minsan ha? Baka mamaya sinasagad mo na yung sarili mo sa pagbabasa at pag aaral, ikaw naman ang maging patient dito." seryosong sabi ko sa kanya.
Alam ko naman kung gaano kahirap at nakakaubos ng oras yung clerkship nya. Kaya minsan hanggang kaya kong ipaalala sa kanya na uminom sya lagi ng tubig, kumain ng mga masusustansyang pagkain ay talagang pinapaalala ko sa kanya.
"I don't have a choice love. But no worries, inaalagaan ko naman yung sarili ko. And of course andyan ka to support me." nakangiting sabi nya sa akin habang kinakain na yung pagkain na dala ni mommy.
Tumango nalang ako at inamoy amoy ko ulit yung sleeves na suot nya. Ang bango talaga! Gusto ko syang katabing matulog ngayon kaso hindi pwede dahil may pasok ako kinabukasan. Hindi ko lang alam kung pwede sya sa amin. Gusto ko talaga sya katabi habang inaamoy sya.
"Love, tabi tayo matulog ngayon." nakangusong sabi ko sa kanya. Napakunot naman ang noo nya sa sinabi ko.
"May pasok ka bukas hindi ba?" takang tanong nya kaya nag palumbaba ako sa mesa at ngumuso.
"Yes. Pero sa kwarto ko tayo love." humarap ako sa kanya. "Please? I miss you."
Nag puppy eyes pa ako habang tinitignan nya ako ng seryoso at napailing nalang bago sa akin sumagot.
"Sige, mag sasabi muna ako kila tito kung pwede. Pag pwede, okay lang sakin. Pero pag hindi, tiis muna.." natatawang sabi nya at ginulo nya yung buhok ko sa tuktok kaya napasimangot naman ako.
Papayag naman sila daddy basta wala kaming gagawin na hindi maganda. Hindi nya alam nakapag sex na kami ni Luke. And wala akong balak makipag make love sa kanya. Mas gusto ko lang syang amuyin ng amuyin hanggang makatulog ako.
Palabas na kami ng hospital dahil tapos na ang shift ni Luke at nakapag paalam naman na sya kay daddy at pumayag naman sya. Hindi ko alam kung ano pa ang sinabi ni daddy, sabi lang naman ni Luke pumayag daw si daddy. Pero uuwi muna kami sa condo nya para kumuha ng ilang damit nya para suotin nya mamaya at bukas narin. Diretso hospital na daw sya para hindi na ubos oras sa pag dadrive.
Malapit na kami sa sasakyan ni Luke ng may tumawag ng familiar na tawag sa kanya.
"Seb."
Sabay kaming humarap ni Luke at nag salubong ang dalawa kong kilay ng makita si Bianca na naka doctor's coat din.
Lumapit sya sa amin at tumingin sa akin bago ako bigyan ng ngiti na mapang asar, kaya nag taka ako kung para saan yun. Dahil ngayon ko lang naman sya nakita dito. I mean dito rin ba sya sa hospital na ito? Kung ganon bakit hindi man lang sinabi sa akin ni Luke?
Tinignan ko si Luke na biglang namutla at may binulong na hindi ko naman narinig.
"Bakit?" nakatingin na sabi nya kay Bianca.
BINABASA MO ANG
Shadow of Love
Teen FictionFrancheska Miallie is a BS Accountancy student at North University. She is just a typical college girl who likes to read, enjoy college life. She is very manageable in her schedule and on her goals in life. But in an unexpected encounter with this g...