Bawat araw na lumilipas mas palala ng palala yung pagiging busy ni Luke. Nagbabasa na lang ako ng libro ko para sa upcoming school year. Minsan namimiss ko si Luke pero nakakaano naman na pumunta sa kanya dahil lagi syang busy.
Papasok na ako sa university ngayon at napakunot ang mga noo ko dahil ang daming tao malapit sa office of the president. Agad naman akong lumapit at nakita na nandun din si Jared.
"Jared!" tawag ko kay Jared.
Agad naman sya lumingon kung saan nanggaling yung boses at tumama ang paningin nya sa akin. Ngumiti naman sya at lumapit sa akin.
"Anong meron? Bakit ang daming tao?" takang tanong ko habang tinitigna padin kung ano bang pinag kakaguluhan doon.
"Na-post na daw dun mga DL's ngayon." napaharap naman ako sa kanya dahil sa sinabi nya.
"Ay true? Kasali ka?" tanong ko sa kanya habang nakangiti.
Last year kasi kasali sya. Kaya nag eexpect na ngayon ay andun parin sya.
"Hindi ko pa nakikita e. Tara!" yaya nya sa akin at inakbayan ako.
Naglakad naman kami sa harapan noon at nakipag siksikan din para makita naming mabuti. Pumunta kami sa BS Accountancy at hinanap na nya ang pangalan nya. Pinopost kasi lahat dito. Lahat ng offered courses dito. As in lahat talaga!
"Omg! Kasali ka padin.." masayang sabi ko ng makita ang pangalan ni Jared.
"Look, Its your name. Kasali kadin oh.." agad naman kumunot ang noo ko at lumapit para tignan yung tinuturo nya.
BSA - Cruz, Francheska Miallie S.
Omg! Pangalan ko ba yan? Gago pangalan ko yan diba? Turo ko pa kay Jared. Dahil sa tuwa ko ay tumalon ako kay Jared at niyakap sya sa leeg nya.
"Hala gago!" rinig kong sabi nya at natawa nalang din. Muntikan na kasi sya mabuhal nung tinalunan ko sya.
Sorry Jared, masaya ako kasi hindi ko ineexpect na makakasali ako no?
Shit! Shit! Kasali ako sa DL's ngayong taon, matutuwa sila mommy nito.
"Shit! Pangalan ko ba yan?" tanong ko parin kay Jared habang tinitignan padin yung pangalan ko. Hindi parin ako makapaniwala.
"Congrats Mia.." nakangiting sabi sa akin ni Jared at ginulo yung ibabaw ng ulo.
Shit! Hindi ko inaakala na masasali ako sa DL ngayon, matutuwa sila mommy at daddy nito. Mamaya pupunta ako sa hospital para sabihin kay Luke na nakasama ako sa DL at para dalawin narin sya. Matututwa siguro sya dahil nakasama yung girlfriend nya. Omg! Na eexcite na ako sa magiging reaksyon nya.
Nasa room na ako at hinihintay na si Mica para ibalita sa kanya na kasali ako sa DL at tinext ko nadin si Luke na pupuntahan ko sya mamaya. Hindi ko pa tinext sa kanya kung bakit ako pupunta at anong dahilan. Hindi naman sya nag reply and hindi naman nya naseen yung chat ko sa instagram nya.
BINABASA MO ANG
Shadow of Love
Novela JuvenilFrancheska Miallie is a BS Accountancy student at North University. She is just a typical college girl who likes to read, enjoy college life. She is very manageable in her schedule and on her goals in life. But in an unexpected encounter with this g...