Kabanata 6

4.4K 79 4
                                    

"You know how to cook? Like Max?" tanong ko kay Max. Nasa may kusina kasi kami ngayon at nagluluto silang dalawa ni Max ng lunch namin.

"Hindi ba obvious?" hinampas ko sya dahil sa sagot nya. Hindi naman sya umilag or nasaktan man lang, natawa lang naman sya

Napaka tinong kausap kahit kailan. Kung hindi one word ang isasagot ko sayo mga ganyan namana ang sasabihin nya. Umalis ako at pumunta sa sala para manuod na muna. SUmunod naman sa akin si Mica.

"Anong nangyari kanina?" tanong nya sa akin pagkaupo nya sa tabi ko. Pinag kunutan ko sya noo dahil hindi ko alam yung kanina na tinutukoy nya.

"Nung hinila ka ni Luke sa kwarto nya. Mag kasama pala sila ditto ni Max, kanina ko lang nalaman." dugtong nya ng Makita yung itsura ko.

Naalala ko tuloy ulit yung nangyari dun sa kwarto nayon at napangiti ako dahil sa intense ng halik namin. Shocks!!! Ang landi ko na

"Hmm, mukhang maganda yung nangyari. Nangingiti kapa e. Alam mo bang hindi ako mapakali dahil narinig kong may humapas nga ba yun sa pinto? Mamaya ikaw yung hinagis nya sa payat mo nayan e. Ayaw naman ako papasukin ni Max, hayaan daw namin kayo mag usap hmp!!" irap na sabi nya.

Yun siguro yung hinampas nya yung pinto nung mag sosorry ako. Sabagay napatili nga ako impoosible na hindi nga nila marinig yung ingay nayun.

"Ano na ang real score nyo ni Max?" pag iiba ko sa usapan namin.

Agad naman syang umayos ng upo na tila hindi alam ang gagawin kaya pinang singkitan ko sya ng mata. Late na ba ako sa chika nya at ganyan sya, o nahihiya lang?

"Uhh.. nanliligaw na s-sya.." nahihiyang sabi nya habang yung mga mata nya ay nasa harapan parin nakatingin.

"Gaga hindi bagay sayo ang pa demure effect mo na yan" natatawang sabi ko naman sa kanya kaya hinampas nya naman yung braso ko at napahawak ako doon dahil napalakas yung palo nya.

"Gago kaba? Ang sakit ng palo mo.." sabi ko at sinamaan sya ng tingin.

"E sa inyo ni Luke? Ano na real score sa inyo? Sana all may endearment" bigla akong napaisip at tinignan ang direksyon kung nasaan ang kusina.

Napabuntong hininga ako dahil hindi ko alam kung ano kami. Well? Hindi ko pa sya ganong kakilala pero nakipag halikan na ako sa kanya.

"Hindi ko alam.." seryosong sabi ko.

Tinignan lang ako ni Mica pero hindi ko na sya magawang tignan dahil nawalan na ako sa mood. Hindi ko alam pero parang nasaktan ako sa sinabi ko na hindi ko alam kung ano yung real score naming dalawa. E totoo naman talaga na hindi ko alam. Pano gagawin ko diba?

"Ay taray, wala pa man din. It's complicated na" natatawang sabi nya kaya inirapan ko sya.

Yeah, wala pa man din. Ang kumplikado na. Ewan ko kung magkakaraoon ba talaga o hindi na.

Lumabas na sila Max at inilagay na sa dining table yung mga niluto nila. Inaya na nila kami para makabalik agad kami sa readings namin. Marami din daw kasi silang babasahin. Naupo ako sa harap ni Mica at tinignan yung mga nakahain na pagkain.

Gustuhin ko mang mag comment hindi ko magawa, dahil nawalan nako sa mood. Ano bang nangyayari sakin!!

Nilagyan ni Luke yung pinggan ko ng kanin at humarap sya sakin para itanong kung anong gusto kong ulamin. Hindi ako tumingin sa kanya at sinabi na kahit ano. Saglit syang natigil dahil sa sagot at inasta ko. Hindi ko nalang pinansin. Potek naman oh.

Parang gusto ko na umuwi.

Nang mailagay na nya yung ulam sa pinggan ko Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na tumingin uli sya sa akin. Hindi ko na uli pinansin at inumpisahan ng kumain. Naramdaman ko naman na may sumipa sa binti ko kaya napatingin ako sa katapat ko na si Mica.

Shadow of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon