Hindi ko alam kung ano ang dapat kong ireact sa nakita. Dapat pa ba akong mag react? Pano bang react ang dapat kong gawin? Sampalin sila? Umalis nalang at iwan sila?
Tangina.
Hindi ko alam kung totoo ba itong nakikita ko o nanaginip ba ako? Kasi kung nanaginip ako, gusto ko ng magising. Hindi magandang panaginip itong nakikita ko ngayon.
Yung b-boyfriend ko, yung boyfriend ko may kahalikan na hubad na babae. Naka upo ng paharap sa hita nya habang hinahaplos yung dibdib at mga braso nya. At yung babae na yun ay yung sinasabi nya palagi na hindi importante sa kanya.
Yung babae na yun yung lagi nyang pinipili.
Yung babae na sinasabi nya kaibigan nya lang.
Yung babae na sinasabi nya na hindi nya magugutuhan dahil kapatid lang ang turing nya.
Yung babae na..
Yung bestfriend nya.
Tangina.
"W-what does this m-mean?" mahina ngunit punong puno ng hinanakit na sabi ko sa kanilang dalawa.
Dahil nagsalita ako ay lumingon sila saking dalawa at nakita ko kung paano nag iba yung mukha ni Luke na parang inaantok sa mukhang nagulat. At si Bianca naman ay nagulat nga pero saglitan lang at napalitan din ng mapang asar sa labi.
"W-what are you two doing?" medyo nanginginig na sabi ko sa kanila. Gusto ko silang suntukin, sabunutan pero hindi ko alam bakit hindi ako makalakad o maka hakbang man lang sa kinatatayuan ko.
Tangina.
Tama ba ang hinala ko?
Agad naman tumayo si Bianca at sinuot yung long sleeve na white ni Luke at isinara naman ni Luke yung zipper ng pants nya at lalapitan na sana ako pero tinaas ko yung isang kamay ko para pigilan sya. Para huminto sya habang umiiling ako.
"Wh-what the f-fuck! D-did you.." hindi ko maituloy yung sasabihin ko dahil nahihirapan ako sa pag hinga.
Tangina, hindi ko na napigilan yung iyak ko. Bakit? Ano 'to? Niloloko ba nya ako? Kailan pa? Eto ba yung dahilan bakit ayaw na nya ako papuntahin sa condo nya? Marumi dahil nagsesex sila dito ng sinasabi nyang bestfriend nya lang? Eto rin ba ang sinasabi nyang ginagawa nya sa hospital daw?
"Love.. i'm sorry. Fuck! I'm sorry.." napatingin ako kay Luke ng sabihin nya yan.
Ano daw? Sorry lang? Wala yung paliwanag? Wala yung reason bakit ganito yung naabutan ko? Wala man lang syang sasabihin na iba kundi sorry lang?
"A-anong g-ginagawa nyo?" tanong ko sa kanya habang humihikbi at nakita ko lang si Bianca na nakatayo doon at naka tingin sa amin. Habang si Luke ay nakatayo kung saan sya naabutan nung pinahinto ko sya.
Nakita kong namumula ang mukha at mata nya. Para syang maiiyak pero hindi ko iyon pinansin dahil namamanhid yung katawan ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ng makita sila sa ganung posisyon.
"It-its n-nothing love. It's nothing." sabi naman ni Luke habang nakatingin lang sa akin kaya mas lalao akong naiyak.
Wala lang iyon? Wala lang yung ginagawa nila? Tangina! Kung wala sa kanya yun, sakin hindi wala iyon.
"D-do y-you also having sex with *sobs* y-your bestfriend too?" tanong ko sa kanya at itinuro si Bianca sa likuran nya na nakatayo.
Dahil da tanong ko ay narinig kong umiyak na si Luke kaya napa pikit ako at nilapitan sya para itulak yung dibdib nya at mapatingin sya sa akin.

BINABASA MO ANG
Shadow of Love
Teen FictionFrancheska Miallie is a BS Accountancy student at North University. She is just a typical college girl who likes to read, enjoy college life. She is very manageable in her schedule and on her goals in life. But in an unexpected encounter with this g...