Kabanata 25

2.4K 38 4
                                        

After din naming kumain ay umuwi din agad si Luke nun dahil masyado na syang gagabihin at sinabi ko na mag text nalang sya kila mommy na hindi na nya maantay sila dahil maaga pa ang pasok nya sa hospital kinabukasan.


Wala akong pasok today kaya napag pasyahan ko na lutuan ng pagkain si Luke at dalawin narin sya sa hospital. Gusto ko din kasi syang makita kung ano yung suot nya doon sa hospital.


"Mom, vegetable salad nalang po kaya ang gawin ko para healthy?"


Nandito kami ni mommy ngayon sa kusina at tinutulungan nya ako na mag luto.


"Lulutuan ko din sya ng ulam para may kanin yung kakainin nya. Baka hindi na masyadong kumakain iyon doon. Mahirap ang kalagayan ngayon ng boyfriend mo kaya dapat intindihin mo.." sabi naman ni mommy


"Hala! Wala naman akong ginagawa na kinakastress ni Luke mommy." sagot ko naman.


Hindi na nga kami masyadong nag aaway ngayon e. Paano pa kami mag aaway e wala na nga syang masyadong oras sa akin, imbis na ikatampo ko nalang ay itutulog nya ng kasama ako para kahit papaano ay makapag pahinga sya.


"Sinasabi ko lang, baka mamaya pinapasakit mo ulo ng boyfriend mo. Nako Miallie.." paalala naman sa akin ni mommy.


Bait bait ko kaya na girlfriend.


Natapos din naman agad yung ginagawa naming ni mommy at sya na ang nag pack dahil sabi nya ay maligo nadaw ako mag bihis. Para pagkatapos ko ay dadalhin ko nalang yung pagkain.


Nag suot lang ako ng white off shoulder na long sleeve na binili ko sa Uniqlo noon at blue fiited skirt at nagsuot lang din ako ng sling bag ko na regalo sa akin ni mommy para ilagay doon yung wallet at phone ko.


Bumaba nadin ako at inabot na sa akin ni mommy yung paper bag at sinabihan na mag ingat sa pag commute. Nag abang lang ako ng taxi at sumakay nadin ng may huminto sa harapan ko.


Ilang minute lang din ay nakarating na ako sa hospital kung nasaan si Luke at tinext sya na nasa hospital ako at dinalan ko sya ng pagkain nya. Pumasok ako sa loob at nagtanong sa isang nurse.


"Hello po nurse. Nandito po ba si Dr. Pineda?" magalang na tanong ko doon sa babae.


May tinignan lang sya sa isang libro bago humarap sa akin.


"Yes ma'am. Dr. Pineda is in operating room right now ma'am."


"Ganun po ba? Thank you po." sabi ko sa nurse bago tumalikod


Naglakad ako papasok pa sa loob para hanapin kung saan yung cafeteria nila. Habang naglalakad ay natatakot ako. Ewan ko kung dahil sobrang tahimik sa hallway or dahil may mga taong namatay na dito o kaya may biglang magpakita sa akin.


Ilang lakad ko lang din ay nakita ko na agad yung cafeteria nila at masasabi kong maganda yung lugar na ito dahil sobrang luwag nung lugar at puro glass yung nasa paligid mo. Nag hanap lang ako ng bakanteng table at naupo doon.

Shadow of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon