Kabanata 13

3K 62 1
                                        

R-18: Medyo lang naman, ata?

__________________

"Love, I don't think na maganda yung suot ko ngayon." hinihila ko yung kamay ni Luke pabalik sa sasakyan nya na natataranta dahil pangit yung suot ko.

Nandito kami ngayon sa harapan ng bahay nya kung nasaan yung mga magulang at mga kapatid nya. Isang linggo na yung nakakalipas nung pinakilala ko sya kila mommy at daddy. Tapos ngayon ako naman yung ipapakilala nya sa family nya dahil ngayon lang sya nagka time.

Nagsuot lang ako nung dress na niregalo sa akin ni Mica (click the picture above) kanina sa bahay hindi ako mapakali kung anong susuotin ko. Nailabas ko na ata lahat ng damit ko pero sabi nila kuya maganda daw yung suot ko.

Huminto si Luke at saglit pinasadahan yung suot ko, "Maganda at bagay sayo yung suot mo love. Let's go. Nag aantay na sa loob sila mommy.."

At hinila na ako, hanggang sa makarating na kami sa tapat ng pinto nila ay hinihila ko parin sya. Umayos lang ako ng tayo ng bumukas ang pinto nun at nakita ko ang isang matangkad na lalaki na sa tingin ko ay kasing edad ko lang.

"Love, my younger brother, Stephen." turo nya doon sa lalaking matangkad na nakasuot ng simpleng Gucci shirt at sweat shirt na black.

"Hi. Miallie.." sabi ko habang inilalahad yung kamay ko.

Saglit syang tumingin kay Luke at tumawa, agad naman akong nagtaka dahil anong nakakatawa sa sinabi ko?

"Gustuhin ko mang makipag kamay ate, pero baka pag bitaw ko sa kamay mo may black eye nako.." hindi ko maintindihan yung sinasabi nya. Ano daw?

"Tara na sa loob.."

Pinatong naman ni Luke yung kamay nya sa balikat ko para pumasok kami. Agad kong nilibot ang paningin ko sa bahay nila. Ang ganda! Para syang Japanese style na modern house na nakikita ko online. White and wooden light brown yung color. May mga ilan ding indoor plant na nasa loob.

"Hi. Are you my brother's girlfriend?" napatingin ako sa isang babae na nakangiti ng matamis sa akin at masasabi kong mas bata sa akin.

Bakit ang gwapo at ganda ng mga kapatid nya!? Tapos yung mga kapatid ko ganun itsura? Lord anak mo rin naman po ako. Bakit ang unfair naman po.

Ngumiti ako doon sa babae at tinignan si Luke na napairap lang dahil sa sinabi nung kapatid nya siguro? Kasi sabi nya sa akin. Tatlo lang din daw silang magkakapatid, dalawang lalaki at isang babae. Sya daw ang panganay at yung sumunod sa kanya ay lalaki, yun ay si Stephen and etong babae na nasa harapan ko for sure eto yung bunsong kapatid nya.

"Shut up, Lorraine.." suway nya doon sa babae

"Why? I'm just asking.."

"Love, this is Lorraine, my little sister.." ngumiti naman ako doon sa Lorraine. "Miallie, your ate."

Tumili naman yung babae at niyakap ako kaya napatingin ako kay Luke na nagkibit balikat lang.

"Tawagin ko lang sila mommy, dito ka muna kay Lorraine.." bumitaw sa akin si Lorraine at tumango ako Luke.

"Oh my god! You're so pretty, ate. Buti sinagot mo si kuya? He's so annoying kaya sometimes. I mean, always!" hinila nya ako paupo sa sofa. I know! Naiinis din kaya ako minsan sa kuya nya no?

"I know.." natatawang pag sang ayon ko sa kanya.

"Anyway, ate. I heard you're an accountancy student at North U. It is hard?" I sighed and look at her.

"Uh?.." natawa ko saglit at nag seryoso, "Lahat naman ng course sa college mahirap. Depende nalang sayo kung paano mo ihahandle yung time management mo. And discipline narin sa sarili pag nag college ka."

Shadow of LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon