Pumasok ako sa bahay at laking pasasalamat ko na walang tao doon kaya kahit umiiyak ako ay walang nakakita sa akin. At nagdire-diretso ako paakyat pero hinabol pala ako ni Lorraine.
"Ate!"
Hawak nya sa kamay ko. Dinala nya ako sa kwarto nya at ng maisara na nya yung pintuan ng kwarto ay nilapitan na nya ako. Iyak lang ako ng iyak, habang sya ay nakayakap lang at hinahaplos yung likod para pakalmahin pero hindi parin ako kumakalma sa pag iyak.
Tumayo saglit si Lorraine at kumuha ng maiinom sa may side table nya at iniabot sa akin. Kinuha ko naman agad yun at ibinigay ulit sa kanya.
"N-n-naniniwala k-kaba na kaya k-kong gawin yun k-kay Bianca?" umiiyak na sabi ko sa kanya.
Dahil baka pati sya naniniwala dahil mas nauna nilang kilala si Bianca kaysa akin na ngayon lang nya nakilala at nakakasama.
"What!? Of course not!" sabi naman nya sa akin na nagpaiyak na naman sa akin.
Buti naman naniniwala sya sa akin pero yung kuya nya mas piniling paniwalaan yung bestfriend nya na hindi man lang pinakinggan yung side ko. Basta nalang sya namili ng paniniwalaan nya at si Bianca yun.
"Alam kong matagal ng may gusto si ate Bianca sa kuya ko dahil babae din ako no? Napapansin at nahahalata ko yun. Ewan ko ba kay kuya bakit hindi nya napapansin yun. Napaka manhid!"
Tinignan ko lang sya at pinapakalma na yung sarili ko dahil baka pag Nakita ng mga magulang to ni Luke ay magtaka sila bakit maga yung mga mata ko.
"Nakakainis naman si kuya kasi hindi man ang ikaw yung una nyang kinuha sa pool! Mas inuna pa nya si Bianca. Aaargh! Nakaka bwisit talaga yung babae na yun!!" naiinis na sabi nya
Hindi ko alam bakit lagging ganun si Luke kay Bianca, may tinatago ba sila or ganun lang talaga sya kasi sabi nga nya lumaki sila ng sabay ni Bianca. Pero paano naman ako?
"Lorraine pwede bang dito muna ako sa kwarto mo?" dito na muna ako sa kwarto nya ayoko na doon sa kwarto ni Luke.
Ang sakit! Ang sakit sakit!
"Oo naman ate! Kaya lang hindi ko alam kung kasya mga damit ko sa iyo.." sabi nya at tinignan yung suot kong damit na basa.
"Pwede bang ikaw nalang kumuha ng damit ko? Yung maleta sa kwarto ni Luke yung mga gamit ko." sabi ko naman at agad naman syang pumayag.
Lumabas naman na sya sa kwarto nya at pumasok ako sa isang pinto na nandon at nakitang bathroom nga iyon. Kumuha nadin ako ng malinis na tuwalya saka naligo sa ilalim ng shower habang umiiyak na naman.
Hindi ko alam a ganito pala kakumplikado ang pakikipag relasyon sa kaniya. Hindi ko alam kung sino yung epal sa amin ni Bianca. Ako ba o sya? Dahil sa nangyayari ngayon? Ako nga ang girlfriend pero bakit pakiramdam ko hindi ganun ang turing sa akin ni Luke? Bakit lagi nalang si Bianca. Lagi nalang yung bestfriend nya.
Mag girlfriend at boyfriend na nga kami pero bakit pakiramdam ko, ako lang ang mas nagmamahal sa relasyong to? Oo, sinasabihan nya ako na mahal nya ako. Pero hindi ko masyadong maramdaman yun lalo na pag andyan na si Bianca, kapag sumasali na sya sa eksena.
Umiyak lang ako ng umiyak sa loob ng bathroom ni Lorraine bago makarinig ng katok mula sa labas.
"Ate, ibaba ko nalang dito yung damit mo. Kinuha nadin kita ng undergarment mo.." hindi na ako sumagot at hinayaan nalang dumaloy sa katawan ko yung mainit na tubig na dumadaloy sa katawan ko.
Nakakapagod.
Nang nakaramdam na ako ng pagod sa pag iyak ay umahon na ako at kinuha yung damit ko sa labas ng bathroom at isinuot yun. Huminga muna ako ng malalim bago lumabas at nakita na wala si Lorraine.

BINABASA MO ANG
Shadow of Love
Teen FictionFrancheska Miallie is a BS Accountancy student at North University. She is just a typical college girl who likes to read, enjoy college life. She is very manageable in her schedule and on her goals in life. But in an unexpected encounter with this g...