Days passed and nalalapit na naman ang exam naming. Isang linggo nalang ay finals na namin. And as the day went on, Luke became busier with his studies. Sometimes I go to his condo so we can study together. And yes! Naayos na yung condo nya.
Maliit lang naman sya compare doon kay Max. Pag pasok mo makikita mo agad yung sink ni Luke at pintuan ng bathroom, katabi naman nun ay ang kwarto nya. Sink, sa kanan non ay may maliit na dining table sya tapat nung bedroom door nya at ang receiving area.
Kasama nya akong naglinis at nagayos nung condo nya. Namili narin kami nung isang araw ng mga stock na pagkain nya doon. Tinapat nya na wala kaming gagawin parehas para hindi nya daw ako maabala kung mag aaral man ako.
"Love.."
Inangat ko yung tingin ko at nakita ko si Luke na may hawak na sandwiches, isang banana milk at yung grapes drink nya.
"Bakit naka kunot ang noo mo? Is there a problem?"
Nandito kasi ako ngayon sa library, nag aaral. Kanina ko pa inaaral tong mga computations na'to sa taxation pero hindi ko parin talaga maintindihan. Kumpleto naman ako, notes and everything. Sadyang hindi ko lang maintindihan.
"I don't understand this computation, love.." turo ko doon sa inaaral ko "Sumasakit na ulo ko.."
Para akong batang nagsusumbong sa kanya. Umupo naman sya sa tabi ko at tinanggal yung libro ko doon at inilagay nya yung isang sandwich na hawak nya at yung banana milk, na para sa akin.
"Eat that first, I'll see if I can understand this.."
Binuksan na muna nya yung sandwich at nilagay yung straw sa banana milk ko at tinignan yung libro na tinuro ko sa kanya kanina.
Kinain ko naman yung pagkain na dinala nya at hinayaan na syang basahin yung libro ko. Hindi ko nadin masyadong nakakasama si Mica dahil katulad ko din sya sinusulit nya din yung natitirang araw na nakakasama pa namin ang mga jowa namin habang hindi pa clerkship nila.
Kaya wala ako minsan kasama mag aral sa café or sa open lib dahil dun sila sa condo ni Luke nag aaral. Ewan ko kung nag aaral ba talaga hahaha. Si Luke minsan ko lang sya nakakasama sa pag aaral, pag medyo maluwag yung time nya dahil ihahatid pa nya ako after ng study session namin. Ayaw naman nya pumayag na commute nalang ako. Nagagalit sya pag pinipilit ko pa, kaya kaysa mag away lang kami, pumapayag nalang ako.
Hindi ko naman mahagilap si Jared lately para mag tanong about dito. Marami din kasi syang ginagawa, kasama si Denver. Yung president ng JPIA ng North. Kaya wala akong choice kundi intindihin ko yung lesson ng sarili ko lang. Sa prof ko naman is medyo malabo, full pack yung sched nya. 7am to 7pm may class sya, nakakahiya naman na after 7pm ako magtanong. Imbis na pahinga nalang nya itinuro pa sa akin.
"Love, look.. list--"
I heard him chuckled kaya napatingin ako sa kanya. Pinunasan nya yung gilid ng bibig ko gamit yung thumb nya at sinipsip nya iyon.
"Kalat mo kumain" nakangiti nyang sabi.
"So, here love." pinalapit nya ako at itinuro nya ang libro kaya napatingin ako doon.
Itinuro nya sakin kung paano ko makukuha yung sagot at saan nanggaling yung ibang amount ng pera doon.
"Ang unfair naman! Bakit pag ikaw nagsasabi naiintindihan ko agad? Ikaw nalang kaya prof ko?" pinitik naman nya yung noo ko.
"Chill ka lang kasi. Masyado mong pinepressure yung sarili mo. Walang mangyayari pag pinepressure mo yung sarili mo, Lalo lang gugulo lahat ng gusto mong gawin." tinamaan naman ako sa sinabi nya.
Pinepressure ko nga ang sarili ko lalo na pag acads, kasi ayokong nakakaiwanan ako. Ayoko yung wala akong maintindihan, kaya minsan kahit pagod na ako pipilitin ko na aralin ulit para maintindihan ko lang

BINABASA MO ANG
Shadow of Love
Teen FictionFrancheska Miallie is a BS Accountancy student at North University. She is just a typical college girl who likes to read, enjoy college life. She is very manageable in her schedule and on her goals in life. But in an unexpected encounter with this g...