Kabanata 33

2.4K 46 1
                                        

Kakatapos lang maligo ni Luke at inaya na nya ako sa parking lot dahil papunta kami ngayon sa bahay namin dahil magpapalit ako ng damit at inaya ako ni Luke na mag date daw kami. Day off nya ngayon sa hospital and i'm free kasi bakasyon naman na namin at hindi pa naman start ng class for my 2nd year.

After namin mag usap sa kwarto nya ay tumayo nadin sya at nag luto para sa agahan namin. Ramdam at alam ko na kahit sabihin kong hindi ganun ang naramdaman ko sa ginawa nya sa akin kagabi. Nararamdaman kong hindi parin maalis sa isip nya yung mga sinabi ni Jared. Hindi ko nalang muna pinansin dahil ayokong sirain yung araw na ito at alalahanin yung nangyari kagabi.

Gamit namin yung BMW na sasakyan nya kung saan ang sabi nya ay ako palang ang naisasakay nya doon. Hindi ko na pinansin dahil alam ko naman na hindi na nya isasakay si Bianca dito, kung isakay man ay hindi dito sa pwesto.

Speaking of Bianca, hindi ko na sya masyadong nakikita na padikit dikit kay Luke.

"How's Bianca?" tanong ko sa kanya habang nag dadrive sya at naka tingin lang sa harapan.

"I don't know.." kibit balikat na sabi nya kaya napatingin ako sa kanya.

"Really? I thought she's close to you--"

"Let's not talk about her.."

Napa taas ang kilay ko dahil sa sinabi nya. Meron ba akong hindi alam? Meron ba syang hindi sinasabi sa akin?

"I'm your girlfriend right?" sabi ko at nag iwas na ng tingin sa kanya. Tumingin nalang ako sa labas ng bintana.


I'm his girlfriend i should know what happened to him or whatever. I feel like nung nag start na syang pumasok sa hospital mas lalo syang lumayo sa akin. I mean mas lalo syang naging tahimik at hindi pala kwento. Kahit noon pa man hindi na sya pala kwento pero pag nag tanong ako sasagutin naman nya agad yung tanong ko. What happened?


Narinig ko naman syang bumuntong hininga, "Love, i do not know okay? I have no news about her and I was too busy in the hospital."

"Okay.." bulong ko naman.

Baka nga wala syang balita or hindi na sila madalas magkita dahil busy sila parehas. If i'm not mistaken parehas sila ng year. Luke is 4 or 3 years older than me. Kasing edad nya si kuya Matt o kaya mas matanda si kuya Matt ng isang taon.

Ilang oras lang din ay nakarating na kami sa bahay namin at nag suot lang ako ng simpleng long sleeves crop top at skirt na maong dahil simple lang din naman yung suot ni Luke (check the picture above..)

Lumabas naman na ako sa bathroom namin at pumasok sa kwarto ko kung nasaan si Luke na nakahiga sa kama ko. Napadilat naman sya agad ng maramdaman nyang may tao kaya napatingin sya sa akin.

"Bakit ganyan yung damit mo?" nakakunot yung noo nya habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa kaya napatingin naman ako sa suot ko. Pangit ba yung suot ko?

"Kita ko na yung black mong bra.." sabi nya at inirapan ako. " Hayaan mo na nga may jacket naman ako sa sasakyan, tara na.."

Tumayo naman sya habang ako ay napa nguso. Pangit ba yung suot kog damit? Hindi nya ba nagustuhan? Kinuha ko lang yung maliit na bag dadalhin ko at sumunod nadin sa kanya sa labas. Nagpaalam lang kami kila mommy at kila kuya.

"Gusto mo ba na lumabas talaga tayo? Ayaw mo sa condo mo? I mean para makapag pahinga ka pa.." sabi ko sa kanya habang papunta kami sa mall. Doon nalang daw kami mag date dahil umuulan pa.

"May bibilhin lang ako sa mall, then if you want sa condo nalang tayo. Bili nadin ako ng mga stock na foods.." sabi nya habang nakahawak sa manibela at hindi ako nilingon dahil nagda drive sya.

Shadow of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon