Luke Sebastian Pineda

13.1K 167 7
                                    

Today is just a typical day sa North University as a medical student. Mag aaral, magbabasa, mag eexperiment, mag babasa ng mga case and what so ever. It's my 3rd year term here at North and next year is my clerkship. Kailangan kong doblehin yung pag aaral at pagbabasa ko dahil malapit na kami mag apply sa ibang teaching hospital.

Break time namin ngayon at gusto namin na kahit break time namin ay nag aaral at nagbabasa kami kaya naisipan nilang pumunta sa Open Lib para doon mag aral at kumain narin.

Yung Open Lib kasi para syang library pero walang mga libro ha. May mga table doon na kung saan pwede ka mag aral, may socket doon kung saan pwede kang mag charge ng laptop or tablet mo. Pwede karin kumain doon. May bayad nga lang yung pag stay mo kasi maraming student ang tumatambay doon dahil libre ang coffee.

Umalis si Max dahil may lalapitan daw sya na kakilala nya kaya naupo nalang kami at binuklat ko naman na yung libro na babasahin ko para sa next class namin. Habang nagbabasa ako ay pakiramdam ko may nakatingin sa akin kaya inangat ko yung tingin ko at nahuli ko yung isang babae na nag iwas ng tingin at napalunok.

Kumunot ang noo ko dahil doon. Napataas din ang kilay ko dahil may itsura naman sya. May iilang bangs sa noo nya at medium length yung buhok nya. Bilugan yung mga mata at pink yung labi nya. Not bad for a girl. Napatingin naman ako sa kamay ko kasi parang sakop ng palad ko yung mukha nya sa sobrang liit. Natawa ako sa loob ko dahil doon.


"Kapal mo naman. Tinignan lang naman kita kasi naupo ka bigla sa tabi ko. Wala man lang pasabi na, Excuse me miss ganda, can i sit here? Wala man lang ganon?"


Ang daldal pala nito. Ang dami pang sinasabi gusto nya lang masabihan ng maganda. Hindi koa na sya pinansin at nag aral nalang ulit at nagbasa pero hindi nya ako tinigilan sa pangalan ko.


"Okay sige, love nalang."

Napailing nalang ako dahil sakabaliwan ng isang yun. Umalis din naman agad sila dahil malapit na raw mag start n=ang class nila. Kababata pala ni Max yung kasama nung babaeng weird na yun kanina.

"Type mo si Miallie?" nakangiting tanong sa akin ni Max habang papunta na kami sa next class namin. Nag salubong lang ang kilay ko satanong nya.

"Pinag sasabi mo.." irap na sabi ko sa kanya.

Natawa naman sya at hindi na ako kinausap.


Pero kung minamalas ka nga naman, akala ko hindi na sila pupunta dito pero pag dating ko galing sa meeting nakita ko na kasama nila sa table yung kababata ni Max yung Miallie daw. Naupo naman na ako don at nag tanong lang ng walang kwentang tanong si Max.


"Hi, love.."


Nakita at narinig ko kung paano magulat sila Max dahil sa biglang bati sa akin nung Miallie. Napaiwas ako ng tingin at naiinis sa isang to. Hindi naman kami ganun ka close para tawagin nya akong love. At hindi ko sya girlfriend para tawagin nya ako na love. Hinayaan ko nalang at binuksan yung laptop ko at hindi na sya pinansin pa.

Pero dahil naubos nadin yung coffee na iniinom mo ay tumayo ako para mag refill. Napakamot ako sa ilong ko dahil nakita kong nakatayo doon si Miallie at n=may tinatype sa phone nya.

Dahil sa inis ko ay medyo nasigawan ko sya kasi bubwisit na ako sa kakatawag nya sa akin ng love. Nakakairita. Ngayong alam naman na nya yung pangalan ko dahil nakita na nya sa id ko ay sana tigilan na nya ang kakatawag sa akin ng love.

Shadow of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon