Kabanata 12

2.9K 66 2
                                    

Palabas palang ako sa isang room dahil finally! Natapos nadin yung exam naming ngayong araw. Kaya next week ay ibang lesson na ang aaralin namin. Pahirap na ng pahirap yung inilelesson namin sa major namin kaya doble tiyaga ako sa pag aaral ngayon. Mas Lalo na siguro ngayong may inspirasyon na ako. Duh! Finally may boyfriend na ako!

Yes!

Syempre pumayag ako sa sinabi sa akin ni Luke nung gabi na yun no? Mag iinarte pa ba ako? Syempre hindi na. Naghalikan na kami pero aarte pa ba ako? Virgin lang the? Hoy! Virgin pa ako no.

Naglalakad na ako papunta sa College of Medicine kasi sabi ni Luke doon nalang daw ako mag antay sa may tapat ng Laboratory sa 2nd floor, may mga upuan naman daw doon.

To: Love

Papunta na ako.

Text ko sa kanya bago umakyat pa 2nd floor. Hindi na ako gumamit ng elevator dahil maraming estyudanteng nakapila. Hindi na ako nakipag siksikan sa kanila

Agad ko naman Nakita yung sinabi nyang lab kaya naupo ako sa may bakanteng upuan. Nag cellphone nalang muna ako pamatay ng oras habang hinihintay sya. Pupunta kasi kami ngayon sa bahay. Papakilala ko sya sa family ko.

"Love!" napalingon ako sa pinanggalingan nung boses at Nakita ko si Luke na naka lab gown pa at may mask na suot.

Phew! Bakit ang gwapo nya? Boyfriend ko na ba talaga yan?

Tumayo ako ng makitang papalapit sya sa akin at kiniss lang yung noo ko, "Were not done with what were doing inside. Can you wait any longer?"

"E bakit lumabas ka na agad hindi pa pala tapos? Sige na bumalik kana don." tulak ko sa kanya pero bumabalik sya sa akin

"Aantayin kita hahaha ano kaba!" natatawang sabi ko.

"Okay.." sabi nya at kiniss ako sa labi bago tumalikod sa akin at umupo naman ako.

Napatingin naman ako sa mga nakaupo sa harapan ko kanina at nginitian sila. Mga naka white na uniform sila kaya I assume na mga med student din sila.

"Ate, kayo po ba yung girlfriend ni Luke?" napatingin ako sa babaeng nagtanong at ngumiti sa kanya.

"Yes, I'm his girlfriend" proud na sabi ko.

Ngumiti naman yung babae na tila kinikilig. Nag cellphone nalang uli pero bago ko pa maibalik yung atensyon ko sa phone ay narinig ko yung bulong ng isang babae.

"Akala ko yung palaging kasama ni Luke yung girlfriend nya.."

"Akala ko rin, pero mali pala akala natin.."

"Hwag nga kayong maingay. Marinig kayo nung girlfriend kita nyong nasa harapan lang natin, respeto naman.." rinig kong sabi nung nag tanong sa akin kanina.

Napailing nalang ako at ibinulsa na yung phone ko at kinuha nalang yung tablet ko para mag advance reading na sa taxation. May online books naman na available sa school pero limited lang, mas gusto parin kasi ng iba yung hard copy.

Sinubukan ko nang magbasa at hindi na pinansin yung mga babae kanina, tumahimik naman din sila at may binabasa sa makapal na libro. Naputol ang pagbabasa ko ng may tumakip sa mata ko, naoangiti naman ako at tinaggal yung pagkakahawak nya doon

"Tap--"

"ANong ginagawa mo rito ha? Layo ng nararating mo.."

Agad akong napairap ng hindi pala si Luke yung nagtakip sa mata ko, kundi si Jared.

"Inaantay ko kasi yung boyfriend ko.." mayabang na sabi ko sa kanya at pinagtaasan ko sya ng kilay.

Agad naman nag iba ang itsura ni Jared dahil sa sinabi ko. Hindi ko alam kung nagulat ba sya or ano? Hindi ko mabasa kung ano yung ekspresyon nya. Nang makabawi sya ay tumawa sya ng awkward kaya kumunot ang noo ko?

Shadow of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon