Kabanata 9

3.4K 77 0
                                    

Hindi ko na ulit sya pinansin at hinayaan ko na sya sa gusto nyang gawin. Ano ba naman ang pakielam ko diba?

Uminom nalang ulit ako at hindi na nagsalita pa. Ayoko naman kausapin si Mica dahil kasama nya si Max, sanay naman ako lumayo pag alam kong bebe time. Respeto din minsan.

Tahimik lang akong umiinom ganun din si Luke sa tabi ko, hindi ako kinakausap at pinapansin. Oo nga naman bakit nya ako papansinin e sinampal ko sya? Pero sabi nya kanina hintayin ko daw sya mag uusap daw kami. Hindi ko nga lang ginawa dahil naiinis ako na mas inuna nya si Bianca kaysa sakin.

Ewan ko ba bat nag iinarte ako. Akala mong girlfriend, tangina. Natawa ako ng mapakla dahil sa naisip ko. Napaka komplikado naman.

Oo hulog na ako, nung kausap palang nya si Bianca sa library non. Alam ko na sa sarili ko na nagseselos na ako nung mga panahon na yun. Hindi ko lang pinapansin dahil ayokong lumala. Pero kahit anong iwas ko, hindi ko talaga maiiwasan. Dahil mas lumalala lang yung nararamdaman ko para kay Luke.

Hindi ko naman masabi kay Luke dahil baka mamaya hindi naman pala kami parehas ng nararamdaman.

"Tara sa condo nila Max.." napalingon ako kay Mica.

Tumingin ako sa phone ko para tignan kung anong oras na, nang makita ko na 12 na ay agad akong umiling sa kanya.

"Kayo nalang, mauuna na akong umuwi" sagot ko sa kanya habang tinetext na si kuya Matt na sunduin na ako.

Baka nag aalala narin sila daddy dahil anong oras pa wala pa ako sa bahay. Strict sila pero may limitations lahat ng bagay na pwede naming gawin. Basta pag nagkamali kami alam naming kung bakit at kaya naming tanggapin yung mga pwedeng consequences.

"Hatid na naming kayo." volunteer naman na sabi ni Max

Umiling ulit ako, "No, thanks. Susunduin ako ng mga kapatid ko." ngumiti ako sa kanya "Thanks, by the way."

Tumayo na ako at tumayo nadin sila Mica, hindi ko na tinapunan ng tingin ko si Luke. Napapagod na ako. Napapagod na ako kakaisip sa mga bagay na alam ko naman na walang kwenta.

Umupo ako sa may waiting area para antayin sila kuya. Sumandal lang ako at pumikit. Pinapakiramdaman ko yung sarili ko kung magkakaroon ba ako ng hang over kinabukasan o hindi.

"Pre, hatid ko na si Mica. Ikaw?" rinig kong tanong ni Max kay Luke.

"Dito muna ako." napadilat ako sa sagot nya at tinignan sya.

Pero hindi sya nakatingin kay Max, kundi sa akin sya nakatingin. Nasa harapan ko kasi sya. Pinag krus ko naman yung hita ko dahil baka nakikita nya yung suot ko sa loob. I laughed in disbelief, tigilan mo na ako Luke. Utang na loob.

Nag iwas ako ng tingin at naiinis. Tangina!

"Lie, una na kami ha? Text mo ako pag nasundo kana nila kuya Matt" tumango ako Mica at tumalikod na sila para umalis na.

Naiwan naman kaming dalawa ni Luke dito. Hindi ko na sya tinignan pa uli at sumandal na at ipinikit ko na ang mga mata. Hindi ko alam bakit nag paiwan pa sya. May iba pa ba silang kasama?

"Pwede na ba kitang makausap?" hindi ako dumilat. Pero narinig ko naman na para sa akin yun. Dahil kami lang naman ang tao dito.

"Kung hindi tungkol sa acads ko yan, di bale nalang.." nakapikit kong sagot sa kanya.

Kahit nakapikit ako alam kong nakatingin sya sa akin dahil nararamdaman kong may nakatingin sa akin. At sya yun!

Narinig ko ang pag malalim na paghinga nya, tila pinapakalma ang sarili. Dumilat ako at nakitang hinawakan nya yung gilid ng noo nya hinihilot.

Shadow of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon