Kabanata 30

2.2K 43 0
                                    

Nag iwan nalang ako ng note sa may ref ni Luke para makita nya pag gising nya na nagluto ako. Para iinit nalang nya o kaya ay baunin nalang nya pag pumasok na sya sa hospital. Okay lang naman sa akin na matutulog na sya. Naiintindihan ko dahil nakakapagod nga naman talaga na 8am hanggang 10pm ka sa hospital.

Umuwi nalang din naman ako after nun at nag text kay daddy na sunduin na ako. Laking pagtataka ni daddy dahil akala nya ay doon ako matutulog. Sinabi ko nalang na birthday na ni Jared bukas kaya ayoko naman guluhin pa si Luke at pagod din naman kako yung tao.

Tahimik lang din si daddy habang pauwi na kami at hindi na nya ako tinanong pa ng iba. Ewan ko kung nahahalata naman na nya o napapansin na nya.

Madalas nadin kasing hindi nasasama sa amin si Luke lalo na pag inaaya sya ni mommy na sa amin na mag dinner. Dahil sa hectic schedule nya sa hospital at pagod narin minsan ay hindi na sya nakakapunta.


"What are you thinking?"


Napa angat ang tingin ko sa lalaking nag tanong nun sa akin ba or sa iba? Dinedma ko nalang dahil hindi ko naman sya kilala at hindi ko alam kung sa akin nya ba tinatanong yun. Mamaya sagutin ko yung tanong nya tapos hindi naman pala sa akin, mapahiya pa ako. Wag nalang uy!

Nandito kasi ako ngayon sa may parang mini park ng subdivision na tinitirhan namin. Nung mga bata pa kami nila kuya ay dito kami madalas mag laro ng kung ano ano at lalo na ng basketball.

"I'm Kurt, you?"

Napalingon na ako sa nagsalita kanina na Kurt daw pangalan na naupo sa katabi kong swing. Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nya. Nakikipag kilala ba sya sa akin or ano? Tumingin ulit ako sa paligid ko to double check narin at sa tenga nya kung may bluetooth devices doon. Nang makita ko na wala ay saka palang ako sumagot.

"Miallie. Francheska Miallie.."

Ngumiti naman sya at tumingin sa harapan nya kaya napatingin din ako sa harapan ko. Ayoko naman ng maging rude no? Sya hindi nakatingin sa akin tapos ako nakatingin sa kanya.

"What are you thinking? I mean, earlier.." tanong nya ng hindi nakatingin sa akin pero seryoso yung mukha nyang nakatingin sa harapan nya at umirap ako.

"You're interested because??" medyo masungit na tanong ko.

Ganito ba sya lagi sa mga nakikitang nag iisip? Itinatanong nya? Chismoso lang ang peg? Sayang mukha pa naman syang walking heartbreaker o di kaya bakla sya? May chance diba?

Natawa sya sa sinabi ko at umiling bago mag salita, "You don't want it to share?"

"Why would i? We're not even that close.." i asked back. Duh! Hindi porkit alam ko na name nya close na agad kami. Asa sya!

Natawa na sya this time, may halong tunog na. Hindi ko na sya nilingon hinayaan ko nalang sya. Hindi kaya baliw tong isang to? Nakikipag usap sa akin tapos itatanong kung ano daw yung iniisip ko tapos tatawa nalang bigla.

Tumayo naman sya at tumingin sa akin.

"Nice meeting you Mia.. and see you soon."

Kindat nya sa akin bago tumalikod at naglakad na doon sa motor bike na naka park sa gilid ng gate papasok sa playground.


Like wtf!? See you soon? Why? Dito rin ba sya nakatira? Stalker ko ba sya? Ay ganda lang teh. He's weird. Tss Hindi ko nalang pinansin yung sinabi nya at umuwi narin sa bahay namin na naglalakad. Medyo malapit lang naman yung bahay namin dito sa playground.


Pag karating ko sa bahay nakita ko si kuya Kris at may kasamang babae. Agad kumunot ang noo ko ng makita iyon pero agad ding nawala dahil si Aya lang pala yung kasama nya. Ipapakilala na ba nya sa amin si ate Aya?

Shadow of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon