Kabanata 11

3.5K 65 0
                                        

Naalimpungatan ako ng marinig ko yung phone ko na tumutunog. Lumayo ako sa yakap ni Luke sa akin kaya narinig ko yung pag tutol nya pero dinedma ko lang. Inabot ko yung phone ko sa side table at nakapikit na sinagot yung tawag kung sino man yun.

"Hello?" yumakap si Luke sa bewang ko at isiniksik ang katawan nya sa akin.

[Who the fuck are you?!"]

Napadilat ako dahil sa galit na boses nung babae sa kabilang linya. At tinignan ko narin kung sino yung tumatawag. Saka ko lang napag tanto na hindi ko pala phone yung maingay kundi yung kay Luke. At si Bianca yung tumatawag.

Dahil bumalik na naman yung inis ko sa kanila ni Luke ay padabog kong inalis yung nakadantay na mga kamay at binti sa akin ni Luke. Tumayo ako at ihagis sa mukha nya yung phone nya. Nagulat sya sa ginawa ko at tinignan kung bakit ko binalibag yung phone nya sa kanya.

Bumaba ang tingin nya doon at kumunot ang noo nya bago itapat sa tenga nya yung phone.

"Hello, bi. Napatawag ka?" wow! Bi parin pala tawag nya.

Dahil sa inis ko ay kinuha ko yung sweater ko, tote bag at phone ko na nasa side table. Tatalikod na sana ako pero agad din napatigil dahil hinawakan ni Luke yung wrist ko at kunot noong tumingin sa akin kung bakit naiinis na naman ako.

"Oo kasama ko sya, nandito sila ng girlfriend ni Max"

Pilit kong tinatanggal yung hawak nya sa akin pero hindi sya pumayag kaya inihiga nya ako sa kama at umibabaw sya para hindi ako makatakas.

"Ano ba! Umalis ka nga dyan!" inis na sabi ko at itinutulak ko sya gamit ang mga kamay ko.

Ang awkward kaya ng posisyon namin. Mamaya pumasok sila Max sa kwaro ni Luke tapos ganito itsura namin. Hindi nya pinansin yung ayaw ko sa posisyon namin at kinausap parin si Bianca sa phone nya. Kumunot ang noo nya at pumikit,

"Bakit?..okay lang, sige na... bukas na lang.." sabi nya bago tumingin sa akin at pinalik sa side table nya yung phone.

Kiniss naman nya yung labi ko at humarap na ulit sa akin, tumingin ako sa gilid ko para iwasan yung tingin nya.

"Bakit ba ang sungit mo na naman sa akin?" malambing na sabi sa akin ni Luke.

Pinatili kong matigas yung mukha ko at hindi sya pinansin. Alam naman nyang gusto ko sya dahil sinabi ko sa kaniya yun kagabi lang. At alam nya na kaya din hindi ko sya pinapansin nitong mga nakaraang araw dahil kay Bianca yun. Yung pag tawag nya ng Bi. Oo kami alam namin kung ano ibig sabihin nun pero yung ibang tao?

"Love.." may pag babanta sa boses nya kaya bumuntong hininga ako at hinarap sya

Nakita kong mataman nya akong tinitigan na tila binabasa kung bakit na naman ako nainis sa kanya.

"Wala." sabi ko at hinawi sya nang aakma na akong gumilid para makatayo ay hinawakan nya yung balikat ko at ibinalik kung ano yung pwesto ko kanina.

"Love, pagod ako. Bakit ka na naman ba aalis?" itutulak ko na sana sya kaya lang ay hinula nya yung kamay ko at inilagay sa ulunan ko at hinigpitan ang hawak doon.

"Pagod ka pala e, uuwi na ako kung ganon" irap na sabi ko sa kanya.

Napayuko ako at gagamitin ko sana yung mga paa ko para makawala pero naramdaman nya ata kaya inipit nya iyon gamit ang binti nya.

"Ano ba!! Uuwi na ako!" kawala ko parin na sigaw sa kanya pero masyado syang malakas kaya hindi ako nag tagumpay.

Saglit syang tumingin sa gilid nya para pakalmahin yung sarili nya at humarap sa akin na naiinis na.

Shadow of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon