Weeks passed and start na ng pasukan ulit namin sa North University. Sa bawat araw na lumipas ay mas naging maayos naman na ang sitwasyon namin ni Luke. Pupuntahan ko sya sa condo nya kapag malapit na matapos yung shift nya.
Hindi parin syempre maiwasan na maging busy sya at nawawalan sya ng oras, pero mas lalo ko lang syang naiintindihan dahil nakikita ko minsan na inuuwi nya pa sa condo nya yung iba nyang assignment.
"Boring talaga first day.." napatingin ako kay Mica na kumakain ng binili namin pizza sa labas ng university at kinain yun dito sa secret garden sa may building namin.
"Nakaka excite lang in a minute pero pag nag tagal nakaka boring na.." buntong hininga na sabi naman ni Jared na katabi ko.
Nakapag usap narin naman kami ni Jared about sa nangyari doon sa damit ko. Galit parin sya dahil hindi sya naniniwala sa sinabi ko. Pero in the end, naayos din naman namin iyon. At sinabi na kapag ginawa daw sa akin ulit ni Luke yon ay makakatikim na raw talaga si Luke.
"Gusto ko ng singkamas.." sabi ko sa kanila.
Kahapon ko pa gustong kumain nun pero hindi ko naman mahanap sila kuya kagabi para samahan akong bumili nun. Mga busy narin kasi sila. Si kuya Matt sa board exam nya at si kuya Kris naman ay graduating na. Naglalaway ako sa singkamas ugh!
"Singkamas? Hindi naman season ngayon nun girl.." sabi ni Mica kaya napanguso ako. Alam ko pero gusto ko ng singkamas e.
"Anong trip mo? Singkamas talaga?" takang tanong ni Jared sa akin.
"Kagabi ko pa gusto kumain nun. Isasawsaw mo sa patis na may sili tapos konting asin. Ahh fuck! Nag lalaway ako, samahan nyo ako hanap tayo.." aya ko sa kanila pero parehas silang napatingin dahil sa sinabi ko at hindi makapaniwala.
"Baka sa palengke merong ganun, sige na." pilit ko pa sa kanila.
Wala nadin naman silang nagawa at sinamahan na nila ako sa palengke. Ginamit namin yung sasakyan ni Jared at binaba nya agad kami sa palengke dito sa bayan.
Naghanap at nag tanong kami sa mga tindera kung saan pwedeng makabili o makakita ng singkamas.
"Nako iha. Singkamas na pang gulay lang yung meron dito. Hindi pa kasi kapanahunan ng singkamas ngayon.." sabi ng matanda sa amin ng dito kami ituro ng mga ibang tindera.
Napasimangot naman ako dahil doon. Bakit wala silang ganun? Naiiyak tuloy ako dahil hindi ko na naman makakain yung gusto ko.
"Ganun ho ba manang. Sige po salamat po.." magalang na sabi ni Jared doon sa matanda at tumalikod na kami para bumalik sa sasakyan ni Jared.
"Narinig mo? Sabi ko sayo hindi season nung singkamas ngayon e." sabi naman ng naka akbay sa akin na si Mica.
Hindi ko nalang ako sumagot at hinayaan na tangayin ako sa sasakyan ni Jared. Tahimik lang ako hanggang sa makabalik na kami sa school at pumasok na sa room namin.
Nalulungkot parin ako kasi hindi ako nakakain ng singkamas. Hindi ko alam bakit gusto kong maiyak, hindi lang naman ako nakakain ng singkamas. At saka sa dami kong pwedeng kainin bakit yung singkamas pa diba?
Pumasok nadin naman yung prof namin sa Oblicon at nag start na agad ng klase dahil marami daw coverage daw yung subject na yun.
Natapos din yung klase namin at nag umpisa na kaming umuwi. Naghiwa-hiwalay na kami at umuwi na. Pero dahil walang susundo sa akin ay nag aantay ako ng jeep. Hindi ko alam pero wala ako sa mood ngayong araw, gusto kong kumain ng singkamas pero apple nalang siguro ang kakainin ko dahil wala na nga talagang singkamas.
BINABASA MO ANG
Shadow of Love
Novela JuvenilFrancheska Miallie is a BS Accountancy student at North University. She is just a typical college girl who likes to read, enjoy college life. She is very manageable in her schedule and on her goals in life. But in an unexpected encounter with this g...