Isinara ko lang yung pintuan ng condo ni Luke at dumiretso na sa elevator para umuwi dahil walang kwenta. Nawalan ng halaga yung effort ko sa pag surprise sa kanya. May plano pala sya bakit hindi nya ako tinext diba? Kahit hindi nya alam na may plano ako sana nag text sya sa akin na aalis sila na kasama yung mga kasamahan nya sa hospital.
At ang nakakainis pa don kasama din doon si Bianca. Hindi ko pa nakakausap si Luke tungkol doon dahil alam kong umiiwas sya doon at nawawala din minsan sa isip ko dahil madalas na akong mapagod at antukin ngayon.
Malapit na ako sa elevator ng may humawak sa kamay ko at pinaharap ako sa kanya. Nakita ko si Luke na nakatingin sa psingi ko at tila kinakabahan na namumutla.
"I'm sorry love. Please stop crying.." sabi nya at hinawakan yung pisngi ko at sya na ang nag punas non.
Hinawi ko din naman agad yung kamay nya at ako na yung nag punas sa mukha ko. Fuck! Umiiyak na pala ako hindi ko man lang alam. Anong nangyayari sa akin? Bakit ang bilis kong umiyak sa ganun lang?
"Love, please. Let's talk.." tinignan ko lang sya ng sabihin nya yun at nagmamakaawa sa akin na mag usap daw kami.
"No. You should rest." sabi ko sa kanya at nararamdaman ko parin na may tumutulong luha sa mga mata ko kaya apura ang pigil ko doon.
Fuck! Bakit ba apura tulo ng luha sa mata ko. Am i hurting? Fuck fuck!
Hinawakan nya ulit yung kamay ko at nakita ko na parang nawala sa sistema nya yung alak nung makita nya tumutulo yung mga luha sa mga mata ko.
"Love.. please. I'm sorry.." nahihirapan sabi nya bago ako yakapin kaya napahikbi na ako.
Oo na! Nagtatampo lang ako dahil palpak yung plano ko. Ang mas nakakainis pa don parang nakalimutan ni Luke na may girlfriend syang dapat iupdate kung saan sya pupunta. Heto na naman yung nararamdaman ko noon na lumalayo yung loob nya sa akin, yung parang nauubusan na naman sya ng oras sa akin. Parang hindi na naman ako nag eexist.
"I'm sorry love. Please stop.. crying.." bulong na sabi nya sa akin habang nakapatong yung ulo nya sa ulo ko.
Tumango naman ako kaya bumitaw na sya sa akin at hinila na ako pabalik sa condo nya. Naupo naman ako sa sofa at tinignan sya. Pumunta sya sa dining table kung nasaan yung mga kakainin sana namin na dinner. Napapikit sya doon at napahawak sa lamesa. Siguro dahil hindi nya alam na gagawin ko iyon.
Nag iwas nalang ako ng tingin dahil mas nasasaktan lang ako dahil nawalan ng halaga yung effort namin ni mommy at ni Mica sa pag ayos at pag handa para dito.
Pumasok ako sa kwarto nya at iniwanan na sya doon sa kusina. Dumiretso lang ako sa closet nya at kumuha ng isa nyang shirt bago lumabas at nakita ko pa sya na tinitignan yung regalo ko sa kanya. Napatinging sya sa gawi ko na tila nagsosorry. Hindi ko nalang sya pinansin at dumiretso sa bathroom at mag bihis doon.
Nag babad narin ako sa bath tub doon at umiyak na naman. Hindi ko alam bakit naiiyak na naman ako. Lately, napapansin ko na masyado na akong emosyonal at madali na akong paiyakin. Hindi ko alam kung bakit.
"Anong nangyayari sa akin.." bulong na sabi ko at humikbi na.
Napalingon naman ako kay Luke na nakatapis sa bewang nya yung tuwalya. Nag iwas ako ng tingin dahil hindi ko alam. Galit ako sa kanya na naiinis pero at the same time gusto ko syang amoyin. Pero amoy alak naman sya. Gusto ko syang halikan. Gusto ko syang katabi. Ewan ko!

BINABASA MO ANG
Shadow of Love
Teen FictionFrancheska Miallie is a BS Accountancy student at North University. She is just a typical college girl who likes to read, enjoy college life. She is very manageable in her schedule and on her goals in life. But in an unexpected encounter with this g...