"Bakit naka maleta kapa!?"
Natawa ako dahil sa itsura ni Luke ng Makita nya yung maliit na maleta ko na laman ay mga damit na dadalhin ko sa Quezon kasama ang pamilya nya. Maaga akong nagising dahil nag alarm din ako kaya nung nagbibihis na ako ay nasagot ko agad yung tawag nya.
"Maliit lang naman yan. Ayoko mag buhat no!" ayoko kasi ilagay yung mga damit na dadalhin ko sa travel bag. ANg bigat nun saka pangit sa awra yon the!
"Para saan pa itong muscles ko?" sabi nya at finlex yung muscles nya sa braso kaya inirapan ko sya.
Bumaba na kami at nagpaalam na kila mommy at kila kuya.
"Ingat sa pagmamaneho iho." paalala ni daddy kay Luke
"Yes po tito. Ihahatid ko din po ditto si Miallie.."
Sumakay na kami sa sasakyan nya. Saka ko lang napansin ang suot ni Luke naka naka beach color green and white polo at nakabukas ang dalawang butones sa itaas at white maong short naman para sa ibaba nya. Samantala ako ay (check the picture above).
Babalik muna kami sa bahay nila dahil sa amin daw sasabay si Lorraine, nagbibihis pa daw kasi ito kanina kaya inuna na akong puntahan dahil baka mainip daw ako. Duh hahaha kala mo talaga.
"Ate!"
Sinalubong kaagad ako ni Lorraine para yakapin. Muntikan pa akong mabuhal buti nalang ay hindi pa ako nakakalayo sa sasakyan ni Luke kaya napasandal ako.
"Lorraine! Mag ingat ka nga." suway naman agad ni Luke ng makita nya na muntikan na nga akong mabuhal. Binelatan lang sya ni Lorraine at humarap sa akin.
"Kyaah! Buti pinayagan ka ng parents mo ate. Ililibot kita doon sa Quezon. Tap--"
"Shut up, Lorraine. Ang sakit mo sa tenga." suway naman sa kanya ni Stephen at tinakpan pa yung butas ng tenga nya at humarap sa akin "Hello, ate."
Ngiti lang naisagot ko kay Stephen dahil inaya na ako ni Luke para ipakita sa parents nya na nasundo na nya ako. Lumapit lang ako at nag mano sa parents nya.
"Okay na ba kayong dalawa ha?"
Agad na tanong ng mommy nya sa akin pagkatpos kong magmano sa kanya. Napatingin ako kay Luke at ngumiti lang si Luke sa mommy nya bago sumagot.
"Yes, mom."
Inilagay na ni Luke yung gamit ni Lorraine sa sasakyan nya at nauna na syang sumakay doon. Sabay naman kami ni Lorraine na sumakay. Sa back seat sya at sa passenger seat ako, katabi syempre ni Luke.
Isasara ko na sana yung pinto sa gawi ko ng biglang may pumigil at nakita ko na si Bianca yun.
"Seb, sabi ni tita dito na daw ako sumakay sa sasakyan mo.." agad naman ako napasandal sa upuan at tumingin sa harapan kung saan nakita ko na nakalabas na ng gate yung sinasakyan ng magulang ni Luke at ni Stephen.
Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na tumango si Luke at ngumiti si Bianca bago tumingin sa akin at tumingin ulit kay Luke.
"Seb.. pwede bang dito nalang ako sa harapan maupo? Nahihilo ako pag sa likod ako nauupo e, diba?"
Napatingin ako kay Bianca ng sabihin nya yan. Ano daw? Napatitig ako sa kanya. tama ba yung narinig ko? Gusto nya na dito sya umupo dahil nahihilo daw sya sa likod? Pota halatain masyado tong babae nato na may gusto sya sa boyfriend ko. At aagawan pa ako ng pwesto dito sa sasakyan ng sarili kong boyfriend?!
"Sige na Seb. Ayos lang ba Miallie?"
Potangina! Gusto ko syang sapakin dahil sa sinabi nya. Syempre hindi ayos sa akin yon. Pero hindi ako sumagot at nilingon ko lang si Luke na seryoso lang din na nakatingin. Hahayaan ko na sya ang mag desisyon, yung bestfriend nya o ako na girlfriend nya.

BINABASA MO ANG
Shadow of Love
Teen FictionFrancheska Miallie is a BS Accountancy student at North University. She is just a typical college girl who likes to read, enjoy college life. She is very manageable in her schedule and on her goals in life. But in an unexpected encounter with this g...