Tinawag nya akong love nung gabing iyon, hindi ko na magawang habulin sya dahil sa itsura nila Max at Mica. Oo, narinig nila. Pagka sabi na pagka sabi nya sakin non tumalikod na sya. Dahil sa gulat ko ay hindi na ako naka react.
Tinawanan pa ako ni Max sa itsura ko ng maka get over na sya sa gulat at pinaandar na ang sasakyan nya. Tuloy buong gabi ko iniisip yung pag sabi nya ng love sakin. Hindi ko alam kung matutuwa ako or ano.Pero kinilig ako nung nag ingat love sya sakin. Boyfriend lang? Hahahaha. Landi ko!!
Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa library ng university dahil may hahanapin akong libro na need ko para sa lesson naming mamaya. Hindi pa kasi dumadating yung libro na inoder ko para sana dagdag sa mga babasahin at idea ko.
Tinap ko yung id ko at pumasok na loob, iniwan ko lang saglit yung bag ko at dumiretso na section kung saan ko hahanapin yung specific book na pakay ko. Napatingin ako sa paligid ko ata Nakita na konti lang ang tao ngayon sa library. Siguro dahil yung mga klase pa or nasa bridge sila.
Pinagtuonan ko na ng pansin ang pag hahanap sa libro ko ng makita na nasa taas sya. Sinubukan kong abutin pero mataas talaga. Matangkad naman ako dahil 5'6 ang height ko pero nasa pinaka ituktok yung libro na kukunin ko.
Saglit akong umayaw at nilinga ko ang mga mata ko para makita ko kung nasaan ba ang ladder at aakyatin ko na. Ayun!! Nasa may gilid lang pala
Akmang lalapitan ko na sana ng mapansin ko ang familiar na likod sa bandang kaliwa ko sa di kalayuan. Sumingkit ang mata ko para aninagin kung tama ba ang hinala ko. Nang masigurado kong tama ang hinala ko, lumapit ako sa kanya at umupos sa tabi nya
"Good morning, love.." nakangiting sabi ko sa kanya habang yung isang kamay ko ay nasa baba ko at tinignan ang binabasa nya. Napa o ako ng makita na lungs yung nasa chart, I mean sa libro. Tumingin lang sya sakin saglit pero binalik narin nya ang tingin nya sa libro
"Anong inaaral mo?" tanong ko sa kanya kasi di ko maintindihan yung mga nakasulat. Puro lungs lang nakikita ko na drawing doon.
"Wala ka bang klase?" tanong nya sa akin ng hindi nakatingin. Napanguso ako ng wala sa oras. Hindi man lang nag good morning.
"Mamaya pang 11am yung class ko. May kukunin lang akong libro, kaya lang nasa pinaka tuktok hindi ko maabot. Kukunin ko nasa yung ladder kaso napansin kita kaya mas inuna kita. Sabi kasi ni mommy sundin ang tinitibok ng puso, kaya ayon" pasweet na ngiti ko sa kanya.
Napatingin sya sakin na parang hindi makapaniwala. Hahahah bakit? Wala naman mali sa sinabi ko ha? Nakita kong umiling sya pero hindi nanaman nya ako kinausap. Dinedma nanaman ako. Hmp!!
Inismiran ko sya kasi wala man lang syang sinabi. Haba haba ng sinabi ko iling lang sagot nya. Tse! Tumayo na ako at nilapitan ko na yung ladder para akyatin na yung libro. Bubuhatin ko na sana yung ladder ng may humawak sa braso ko para pigilan akong kunin yung hagdan.
"Ako na kukuha, nasaan ba yung libro" tanong ni Luke ng bitawan nya ang braso ko dahil napatingin na ako sa kanya.
Dahil sa sinabi nya ay ngumiti nanaman ako ng ubos ng kay tamis. Sana naman mahawa sya sa ngiti ko diba? Lagi nalang syang naka busangot. Nakakabusangot ba ang course nya? Grabe naman kung ganon.
"Ayon oh.. yung color green na may 2" turo ko sa kanya sa libro na kukunin at kailangan ko. Inabot nya naman dahilan para mapasandal ako sa mga libro dahil walang sabi sabi ay inabot nya at naramdaman ko pa yung katawan nya sa likod ko.
Napatingin tuloy ako sa braso nya papunta sa leeg at sa mukha nya. Ang gwapo talaga ng isang ito. Ang unfair naman nya. Tapos agaw pansin din yung nunal sa baba nya di naman ganon kalakihan. Makikita mo lang pag malapit ka sa kanya.
BINABASA MO ANG
Shadow of Love
Teen FictionFrancheska Miallie is a BS Accountancy student at North University. She is just a typical college girl who likes to read, enjoy college life. She is very manageable in her schedule and on her goals in life. But in an unexpected encounter with this g...
