Kabanata 10

3.3K 66 3
                                    

Kasalukyan akong nakaupo sa may garden malapit sa building kasama ko si Jared at Gladys dahil may inayos kami. Pag katapos naming gawin yung pinapagawa ni Denver ay kumain kami ng ice cream dito. Wala si Mica dahil mag aaral daw silang dalawa ni Max.

After ng encounter ko kay Bianca kanina ay gumanda na ang mood ko dahil nag tagumpay ako sa pag iinis sa kanya. Anong akala nya sa akin? Hindi lumalaban? Saka wala akong ginagawang masama sa kanya kaya wala syang karapatang tarayan ako. Baka sipain ko sya.

Nag cecellphone lang ako ng Makita ko na may tinag sa akin si Jared kaya inopen sya at ganon ang gulat ko sa caption na nakalagay at ako yung photo na andun. Kumakain ako ng ice cream at napatingin ako sa kanya. Tanda ko ito kanina, akala ko may tinetext lang sya, nag pivture pala ampota!

Pa dila naman sa ice cream. Rawr!

256 likes 74 comments 50 shares

Agad kong hinablot yung buhok ni Jared dahil sa pag caption nya ng ganun, nagulat naman sya.

"Aray ko! Bakit!!?"

"Gago ka! Bakit ganito caption mo?!" sabi ko at pinakita sa kanya yung picture na pinost nya at tinag sa akin.

Agad naman sya tumawa dahil sa reaksyon ko, tinignan nadin ni Gladys yung pinakita ko at pati sya natawa. Gago talagang Jared to.

"Oh bakit? Ganda kaya ng caption ko. Hahahaha 5 minutes palang ang dami ng likes oh?" pinakita pa nya sa akin yung phone nya. Umirap na lang ako dahil sa katarantaduhan nya

Nag kwentuhan nalang ulit kami tungkol sa magaganap na exam naming, kung ano mga posibleng lumabas na tanong. Every exam kasi, pinopost sa bulletin board yung top 20 na nakapasa or higher score sa exam bawat subject. Yung iba kong kaklase ay hindi na nilang gustong maipost pangalan nila doon basta pasa sila okay na.

Ganun naman ata talaga yung ibang college student, okay na sa kanila basta pasado sila.

"Trip mo siguro si Daniella kaya asar na asar ka.." natatawang sabi ni Gladys kay Jared dahil napag usapan naming bigla si Daniella.

Ewan ko ba kay Jared bakit ang init ng ulo kay Daniella, wala naming ginagawa sa kanya.

"Hindi tulad ni Daniella ang type ko no! Mandiri ka nga" natawa ako ng Makita yung itsura ni Jared na nandidiri.

"Saka may iba na akong gusto.." sabi nya at tumingin sa akin.

"Weh?" sabay na sabi naming ni Gladys.

"Manahimik nga kayong dal--"

"Love, kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala"

Hindi naituloy ni Jared ang sasabihin nya ng umupo sa tabi ko si Luke at tinignan ako. Nilagay nya yung braso nya sa ibabaw ng upuan ko. Nagulat ako dahil ano daw sabi nya?

"What are you doing?" iritadong tanong ko sa kanya at medyo lumayo dahil masyado syang malapit sa akin.

Ngumiti naman sya sa akin bago dumukwang at bigyan ako ng smack kiss. Narinig kong suminghap si Gladys, "Sinusundo ka." sabi nya habang nakatingin sa akin at nakakagat sa ibabang parte ng labi nya

Napairap ako at humarap kila Gladys. Kumunot ang noo ko ng makitang may kung ano sa itsura ngayon ni Jared.

"Mauna na kami ni Jared..." nagmamadaling nag aayos si Gladys at hinila ang braso ni Jared, "Tara na Jared.." tumingin muna sa akin si Jared.

Napamura ako ng wala sa oras dahil potek! Hinalikan nya ako sa harap ni Gladys at Jared. Lalo na sa harap ni Glayds e, dakilang chismosa yun. Baka ipagkalat nya yung ginawa sa akin ni Luke.

Shadow of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon