Nag suot lang ako ng simpleng white crop top t-shirt at high waist na maong shirt at pinusod ko lang yung buhok ko ng bun. Nailagay ko narin yung swim suit na susuotin ko mamaya sa beach sa bag ko at bumaba na ako sa sala. Nasa likod ko naman si Luke dahil inantay nya pala akong matapos maligo at magbihis kanina.
At nakatingin lang sya sa akin habang nag aayos ako ng sarili ko at yung bag ko. Hindi naman sya nag sasalita kaya hindi nalang din ako sumasagot. Bahala sya. Patatagan kami kung sino unang kakausap sa amin.
Naabutan naman naming silang lahat sa dining table at tumabi ako sa katabing upuan ni Lorraine at doon naupo. At dahil dulo na yung kinauupuan ay apanganga si Luke dahil hindi dapat ako doon naupo kundi dapat sa tabi nya at wala na syang mauupuan pa doon.
Naupo sya sa harapan ko at naupo naman sa tabi nya si Bianca. Napairap ako dahil alam kong doon talaga sya uupo.
Nag umpisa nalang din kaming kumain at kahit malayo si Luke sa akin ay sya yung nag lagay ng kanin sa pinggan ko at nilagyan din ng hotdog, bacon at itlog yon. Nagkibit balikat nalang ako dahil nakakahiya sa parents ni Luke at sa parents nadin ng daddy nya.
Natapos din naman kaagad kami kumain at nasa labas lang ako inaantay na bumalik na si Lorraine dahil naiwan daw nya yung powerbank nya sa kwarto nya.
"Iha.." napalingon ako dahil nilapitan ako ng mommy ni Luke kaya ngumiti ako.
"Alam ko na hindi kayo okay ng anak ko. At hindi ko din alam kung ano yung dahilan ng pinag awayan nyo. Sasabihin ko lang sayo na, pag usapan nyo yung gulo nyo. Wag nyo na patagalin, baka lalo lang lumaki.." sabi nya habang hawak ang dalawa kong kamay at nakangiti sa akin.
"Sorry po, tita. Pero wala ho akong kasalanan.."
"Wala na kung sino ang may kasalanan o yung walang kasalanan iha. Pag usapan nyo kasi kayo lang ang makakatapos ng away nyo hindi ako, hindi yung daddy nyo.." sabi nya kaya tumango nalang ako bago ako yakapin.
"Pag pasensyahan mo na yung anak ko.." bulong nya sa akin at ngumiti bago ako talikuran dahil tinawag sya ni tito.
Sakto naman na lumapit sa akin si Lorraine at inaya na ako sa sasakyan ni Luke. Wala akong choice kundi tiisin na naman na kasama ko si Bianca sa loob ng sasakyan na yun. Pupunta na sana ako sa likurang bahagi ng sasakyan para buksan yung pintuan ng hawakan ni Luke yung kamay ko at maiharap sa kanya.
"Sa unahan kana maupo love.."
Tinignan ko lang sya at ngumiti sabay iling.
"No thanks. Baka sumuka yung bestfriend mo nakakahiya naman sayo.." sabi ko at binawi yung kamay ko para pumasok na sa loob ng sasakyan nya. Nasa harapan ko sya at sa likod ako ng driver seat.
Nakita ko na nag iwas sya ng tingin at may binulong bago pumasok sa loob. Maya maya lang ay pumasok nadin si Lorraine at nagulat pa dahil katabi na naman nya ako
"What the! Dito ka parin pina upo ni kuya?" bulong nya sa akin.
Umiling naman ako at sinabi ko yung sinabi ko kay Luke kanina. Napatawa namandaw sya kasi talagang wala daw akong balak makipag ayos sa kuya nya. Hindi naman sa ganoon syempre. Makikipag ayos naman ako pero hintayin ko muna na malaman nya yung totoo.
Nang pumasok na si Bianca ay agad itong ngumiti ng matamis kay Luke at pinaandar nadin ni Luke yung sasakyan nya. Paimportante masyado, hindi naman maganda!
Habang nasa byahe kami ay apura tingin parin sa akin ni Luke doon sa rear view ng sasakyan nya pero dinedema ko lang. Ayokong tumingin sa kanya dahil nasasaktan parin ako sa ginawa nya kagabi sa akin. Napahiya ako sa harapan ng kapatid nya lalong lalo na sa harapan ni Bianca.

BINABASA MO ANG
Shadow of Love
Novela JuvenilFrancheska Miallie is a BS Accountancy student at North University. She is just a typical college girl who likes to read, enjoy college life. She is very manageable in her schedule and on her goals in life. But in an unexpected encounter with this g...