"Si Bianca ba yun?!" medyo naiinis na tanong ko.
Hindi ako naiinis dahil hindi natuloy, okay lang sa akin na hindi natuloy. Naiinis ako kasi parang si Bianca yun, at sya lang naman ang alam kong tumatawag ng Seb sa boyfriend ko.
Tumayo ako habang hawak ko yung kumot nya na nakatakip parin sa katawan para kuhanin yung shirt nya at yung panty ko. Kinuha nya naman yung cycling short ko na kasama pa nung panty ko. Pinatayo lang nya ako at sya na mismo nag suot nun sa akin pati yung bra ko at pinagpag nya lang yung damit nya na hinuhubad ko kanina at yun yung pinasuot nya sa akin.
"Hindi ko alam anong ginagawa nya dito.." maingat na sabi nya sakin habang sinusuot yung boxer bried at sweat short nya hindi na nag abala na magsuot ng damit dahil ipinasuot nya sa akin.
"Lagi ba syang pumupunta dito!?" kunot noo na tanong ko na kaupo sa kama nya at pinag krus ko yung mga braso ko sa dibdib.
Lagi nalang epal yang babae nayan. Panira lagi! Sabi sa akin ni Luke, sinabi nya daw kay Bianca na girlfriend na nya ako. Hindi ko alam yung reaksyon nya dahil sabi ni Luke, masaya daw si Bianca para samin. Di lang nya sigurado yun.
"Love, I can't tell her not to come here because she's close to my family. Her dad's is my dad's bestfriend.." nakaluhod na sabi nya at tininatantya yung magiging reaksyon ko.
"Seb, open the door.."
Napairap ako at tumango sa kanya para tumayo sya at pagbuksan na yung manananggal na kumakatok don. Humiga ako at tinuon ang pansin sa tv para manuod.
"Bakit matagal ka magbukas ng pinto? May ginagawa ka ba?" napatingin ako dahil sa nakaka irita na boses nya.
Hindi naman ganun yung boses nya nung kausap nya ako sa fast food malapit sa North nun ah? Bakit ganyan boses nya kay Luke? Nakakairita.
"Kasama ko si Miallie. Anong ginagawa mo dito?" nakatayo lang doon si Luke sa bukas na pinto.
Tumayo ako para lapitan sya at ipakita kay Bianca na kasama ako ng bestfriend nya.
"Ehhh diba sabi mo sasamahan m--" napatingin sa akin si Bianca at tinignan yung suot ko kaya ngumiti ako sa kanya at humarap kay Luke.
Inabot ko yung mukha nya para mahalikan ko sya sa harapan mismo ng bestfriend nya. Nagulat si Luke sa ginawa ko, bumitaw ako at binalik ko ang tingin ko kay Bianca na nakatanga doon at naiinis dahil sa ginawa ko.
"Hi, Bianca.." nakangiting sabi ko sa kanya naramdaman ko naman na hinawakan ni Luke yung bewang ko at inilapit sa kanya.
Napatingin naman doon si Bianca at tinignan ako,
"Hello, Miallie.." she faked a smile at me so I smirked.
Humawak din ako sa bewang ni Luke at tinignan si Bianca, umirap lang sya.
"Ngayon ba yon? I forgot, sorry. Mom and dad wants to meet Miallie today that's why.."
Tumango si Bianca.
"Sa baba nalang muna ako." sabi ni Bianca bago kami talikuran.
Sinara naman ni Luke yung pintuan ng kwarto nya at nilock ulit yon bago humarap sa ikaw.
"Selosa mo no?" natatawang sabi nya at binuhat ako sa kili kili ko kaya napa kapit ako sa kanya. Pinulupot ko yung legs ko sa bewang nya at yung mga braso ko sa leeg nya.
Hinampas ko sya dahil sa ginawang nyang yun.
"Bakit ako magseselos? Duh!" sabi ko sa kanya at ibinaba ako sa kama nya at kiniss yung lips ko.
"Okay hahaha sabi mo e," sabi nya at ipinaunan sa akin yung braso nya at pinanuod na naming yung pinapanuod ko kanina.
Hindi ko namalayan na nakatulog ako habang nanunuod kami ni Luke, naramdaman ko nalang ng may kumikiss sa mukha ko kaya napadilat ako at nakita ko si Luke. Nang nakitang dumilat na ako ay agad syang ngumiti at binigyan ako ng kiss sa kiss.
![](https://img.wattpad.com/cover/98287482-288-k608639.jpg)
BINABASA MO ANG
Shadow of Love
Teen FictionFrancheska Miallie is a BS Accountancy student at North University. She is just a typical college girl who likes to read, enjoy college life. She is very manageable in her schedule and on her goals in life. But in an unexpected encounter with this g...