Kabanata 8

4K 76 0
                                        

It's been three days since that night happened. Three days nadin akong umiiwas kila Max, well kay Mica hindi. Pero sobrang thankful ako kasi napaka understanding nya hindi man lang nya ako tinanong kung bakit ganoon ang ginawa ko kay Luke nung gabi nayun.

Nung umuwi din ako nung gabi na yun ay nahuli ako ni kuya Matt na umiiyak ng tahimik sa kwarto ko. Dahil sa gulat ay agad kong pinunasan ng suot ko sweater yung luha sa pisngi ko. Nakaupo lang sa tabi ko si kuya at hindi nag sasalita.

"Are you alright now?" he carefully asked that made me cried again. I don't know. Am i really okay? I don't know.

"Shhh.. it's okay. Just cry.." sabi nya habang nakaupo lang at nakatingin sa labas ng kwarto.

"I slapped someone.... i don't know? Naguguilty ako kuya.." iyak na sabi ko sa kanya.

Naguguilty ako kasi nasampal ko sya. Pwede ko naming sabihin diba? Na nasasaktan ako sa pag hablot nya sa braso ko? Sa braso ko ba talaga o sa ibang bagay? Naguguluhan na ako.

"May I know? Why did you slap that someone? Is that someone, he or she?" takang tanong nya na hindi parin nakatingin sa akin.

"He.." sagot ko sa huling tanong nya. Hindi ko na sinundan pa.

"Why did you slap him? What's his fault with you?"

"Nothing, i don't know kuya. Magulo utak ko ngayon. Hindi ko alam.." muli kong iyak sa kanya.

Hinayaan nalang nya ako hindi na pinilit pang mag kwento or ano. Kasi sabi nya magkukwento naman daw ako kapag kaya ko na or handa na ako.

Napa buntong hininga na lang ako bago tumayo at bumalik na sa room. Nasa roof top kasi ako ng building namin nagpapahangin lang. Bumaba na ako at pumunta na sa Cartwheel dahil doon daw kami mag lalunch ni Mica.

Sila nadin ni Max, nung nakaraan pa. Hindi naman na ako nagulat dahil alam ko naman na sasagutin nya si Max. Duh! Swerte nya kaya no?

Nag umpisa na akong maglakad papunta doon at ilang minute lang ay nakita ko na sila na nakaupo. Napa irap ako dahil hindi lang si Mica at Max andun. Pati si Luke at yung Bianca.

Bago lumapit ay inayos ko muna ang sarili ko.

Umupo ako katabi ni Mica at kaharap si Luke. No choice ako. Alangan namang dun ako kay Max tumabi wag ko lang maka tapat si Luke. Ang pangit naman non diba?

"Kanina pa kayo?" tanong ko kay Mica at pinipilit na wag tumingin sa harapan ko.

"Kararating rating lang din namin, mga 3 minutes ago" sagot naman nya kaya wala na akong choice kundi humarap pero hindi ko sila tinignan.

Pero dahil alam kong may nakatingin sa akin ay napa angat ang tingin ko kay Bianca na masama ang tingin sa akin. Kumunot ang noo ko dahil sa pag tingin nya sa akin, ginawa ko sa kanya? Hindi naman sya yung sinampal ko ha?

"Bi.." dahil narinig ko yung boses ni Luke na nagbabanta, napatingin ako sa kanya at nakayukong tinignan yung bestfriend nya. Napairap naman ako at tinuro na kila Max ang order ko.

Dahil wala pa naman ang order namin at wala akong makausap, at isa pa wala din ako sa mood. Kinuha ko nalang yung phone ko sa bulsa ng uniform ko at tumingin ng mga bagong new's feed sa facebook.

Matagal ko na pala friend si Luke, facebook at Instagram man.

"Lie, nag aaya na si Alexa mamayang gabi daw." napalingon ako kay Mica dahil sa sinabi nya at agad akong ngumiti.

"Seryoso? Omg! Finally, arat bago mag midterms." masayang sabi ko kay Mica. Shet! Makakainom na uli ako.

"Papaalam pa ako kay Max if papayagan nya ako.." bulong na sabi nya kaya inirapan ko sya

Shadow of LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon