Sa sunday ay may date daw kami ni Luke. Kyaah! Finally may time na sya sa akin. I mean, its bebe time. And after din naman nun nag kwentuhan na kaming magka kapatid. Si kuya Kris ay girlfriend na nya si Aya and si kuya Matt naman ay may nililigawan na daw sya. AYaw nya sabihin sa amin kung sino or anong course dahil baka mabalis pa daw at hindi sya sagutin.
Well, may mga itsura naman ang mga kuya ko at matatalino din naman sila. Lalo na si kuya Matt, mas gwapo si kuya Matt kaysa kay kuya Kris hehe. Dumagdag pa sa kagwapuhan ni kuya Matt yung lagi syang seryoso at parang masungit. Hindi kasi sya madalas makipag usap sa mga babae dahil masyado daw maingay at maraming sinasabi. Si kuya Kris naman, halata naman. Masiyahin at mapang asar. Kahit si mommy inaasar nyan, wala yang pinapatawad kapag trip nya. Pero ang gusto ko talaga sa kanila is yung respeto nila sa babae. Siguro kasi may kapatid silang babae, which is ako yun.
"Lie, naka order kana ba nung libro na need natin sa Oblicon?" napatingin ako kay Mica na nagbabasa ng lesson namin mamaya sa Business Math
"Nag pre-order pa lang ako. Why?"
"Wala akala ko na scam ako nung pinag orderan ko e," sabi nya at ibinalik na nya ang tuon nya sa tablet nya.
Nasa may library kasi kami ngayong dalawa ni Mica at nag aaral nadin kami dahil sabi ko nga sa inyo, kahit minor yung subject ko ay focus ako. Hindi porkit minor ay dapat nalang maging easy. Minsan din naman kahit minor subject dinaig pa nila yung major subject mo. Gets nyo ba ako? Yung akala ata nila major subject din yung subject nila kung makapag requirements at quiz. My god!
"Hey wazzup."
Nilingon namin yung lalaking umupo sa tabi ko at nakitang si Jared yun. Mambubwisit na naman tong lalaki na to kaya hindi ko na sya pinansin at tinignan na yung tablet sa harapan ko at magbabasa na sana.
"Problema mo?" tanong ni Mica kay Jared.
"Aayain ko sana kayo sa birthday party ko.." sabi ni Jared.
Hinampas ko yung braso nya ng maalalang malapit na nga pala yung birthday nya. Walangya!
"Omg! Malapit na nga pala ang birthday mo." sabi ko sa kanya habang hinihilot yung nahampas kong braso nya.
"Sadista mo talaga. Kailan may pag hampas pa?" naka kunot noong sabi nya sa akin kaya tinawanan ko sya at nag sorry ako.
"Saan naman ba gaganapin birthday mo?" tanong naman ni Mica sa kanya at inaantay ko din ang sagot nya.
Last time kasi sa resort nila, night swimming yun. Kaso mahirap ngayon mag night swimming or overnight dahil full pack yung sched ng pasok namin. Pwede yun if imumove nya sa weekend kaso mukhang malabo din. Ewan ko?
"Sa bar ko nalang sana gaganapin. Alam nyo yun? Tamang chill lang kasi nakaka gago ngayon yung mga subject natin.." natatawang sabi naman nya habang nakatingin sa akin.
"Hmm.. pwede. Tagal ko nadin hindi naiinom e." sagot ko naman.
BINABASA MO ANG
Shadow of Love
Novela JuvenilFrancheska Miallie is a BS Accountancy student at North University. She is just a typical college girl who likes to read, enjoy college life. She is very manageable in her schedule and on her goals in life. But in an unexpected encounter with this g...