Ilang araw na yung nakakalipas simula nung nasigawan ko si Luke sa harap ng bahay namin. At ilang araw nadin hindi ko kinakausap o nirereplyan si Luke. Hindi naman na ako galit pero ewan ko. Wala pa ako sa mood para kausapin pa sya. Hindi ko pa ata kaya.
From: Love
Good morning love. May patient ako 3 yrs old ang cute nya
From: Love
Nasa condo na ako love. Good night
From: Love
I love you.
From: Love
I miss you, love :(
Lahat ng text nya ay hindi ko muna nireplyan dahil hindi ko din alam kung bakit. Naiinis padin ako at baka ano lang ang masabi ko. Mag rereply din naman ako pero hindi na muna sa ngayon. Nahihiya ako. Saka ko lang din narelize na mali din pala yung ginawa ko.
Nalaman din nila kuya Matt at Kris yung nangyari sa akin kasi nakita ni kuya Matt na namamaga yung mga mata ko pag gising ko nung hapon at tinanong nya ako kung bakit at anong problema. Umiling lang ako dahil ayoko ng pag usapan pa. Hindi naman na nangulit si kuya Matt at inasar nalang ako siguro para pagaanin yung nararamdaman.
After kong mailabas kay Luke yung mga hinanakit ko ay medyo gumaan yung loob ko. Napapagod na akong umintindi at mag antay sa kanya. Pero hindi ibig sabihin nun ay susuko na ako. Mag papahinga lang ako dahil baka bumigay ako pag hindi ako nag pahinga.
Exam namin ngayon at malapit na matapos ang summer class namin kaya nandito na ako sa room para hintayin yung prof na mag babantay sa amin habang nag eexam kami. Wala parin si Mica kaya nag rereview nalang muna ako.
Gustuhin ko man pumunta sa condo ni Luke pero hindi ko kasi alam kung anong oras sya nauuwi.
Ilang minuto lang ay dumating na din yung prof at nag umpisa na kaming mag exam habang si Mica ay nalate ng dating.
"Bakit ka na late? Gaga ka." tanong ko kay Mica
Nandito na kami ngayon sa secret garden at kumakain. Tapos na kasi yung exam namin at napag pasyahan muna namin na kumain na muna bago umuwi.
"Galing ako kila Max kagabi, dun na ako nakatulog hehe.." natatawa nyang sabi sa akin.
Sana all.
"Nag sex na naman kayo no?" biro ko pero sinagot ako ni Mica.
"Yes. I missed him so much." sabi nya kaya napa nganga ako. The fuck!
Dahil nakita ni Mica yung itsura ko agad naningkit yung mata nya at tinuro ang mukha ko. Agad naman kumunot ang noo ko sa ginawa nya.
"Problema mo?" mataray na tanong ko habang kumakain nung fries na nabili namin sa labas.
"Umamin ka nga sa akin, wala pa talagang nangyayari sa inyo ni Luke? Sasapakin kita pag nag sinungaling ka sa akin.." dahil sa tanong nya ay muli akong nabulunan at napaiwas ng tingin sa kanya.

BINABASA MO ANG
Shadow of Love
Teen FictionFrancheska Miallie is a BS Accountancy student at North University. She is just a typical college girl who likes to read, enjoy college life. She is very manageable in her schedule and on her goals in life. But in an unexpected encounter with this g...