"Bulaga!!!"
Pagulat kong bungad kay Stell na palabas na ng building. Di niya ko nakita kase galing ako ng Coffee Shop, nauna akong nag-out then I decided to buy coffee.
He seemed quiet, Weird.
Usually kasi pag ginugulat ko siya gumaganti siya by messing up my hair o kaya naman kukurutin ako sa pisngi. Pero ngayon, wala... No reaction. Anyare dito?
I touched his forehead sabay iwas naman niya, "Masama ba pakiramdam mo? Himala wala kang reaction ngayon, what's wrong? Are you okay?" I asked.
He replied, "Wala... Pagod lang sa work"
Kakapanibago.Si Stell ang tipo ng taong parang di nakakaramdam ng pagod, tawag nga sa kanya sa office eh "Pambansang Mooter(mood-setter)" kase he always lighting up the room with his humor and energy.
We continued walking. Tahimik lang talaga siya, di na ko nakatiis... "hoy sino ka?! Ilabas mo si Stellvester! Ilabas mo best friend ko!" Pasigaw kong sabi habang nakatayo sa harap niya. Still the same, tahimik siya at walang reaksyon then bigla niyang kinurot pisngi ko, "Ewan ko sayo...Tara na hatid na kita" Sabi niya habang naka-akbay.
I'm not used to seeing my best friend like this. Naba-bother ako, we've known each other since childhood, kaya alam na alam ko pag may something. Alam namin ang ugali ng isa't-isa.
Mula paglalakad, pagsakay ng bus at pagdating sa bahay napaka-tahimik niya. Nakakainis na!
"Oh Teytey Man!Ayus ka lang ba anak?Antahimik mo?" Salubong ni Mama. Kahit si Mama eh nanibago,
"Ewan ko dyan Ma, kanina pa yan ganyan parang wala ko kausap nakakainis" pasimangot kong sabi habang nakatingin kay Stell na tinutulungan si Mama pag-aayus ng mga plato sa mesa, it's almost dinner time na rin kase.
"Pagod lang po sa work Mama" - he answered
Yes. Mama ang tawag namin sa mga nanay namin. Stell and I became best of friends kase both of our Moms are best friends since highschool, di sila mapaghiwalay kaya until magsipag-asawa eh nanatili ang friendship which somehow na-adopt namin ni Stell.
"Ligo lang ako, Mama wag mo pauwiin yan hangga't di niya sinasabi kung napano siya" sabi ko sabay irap kay Stell.
"Anong di uuwi ka dyan hinatid lang kita no! Pala-desisyon" - sagot naman niya.
Saktong palabas ako ng pinto ng CR sa kwarto ko e nagulat ako't nakahiga si Stell sa kama ko. Buti na lang pala nag-damit na ko.
Nakahiga lang siya sa kama, nagse-cellphone. Something's off, nararamdaman ko. Nakakapagtaka lang kase ayaw niya magsabe.
"Di ako natutuwa sa mga pa-ganyan2 mo Vester ah. Mula kanina antahimik mo, which is napaka unusual! Dahil diyan, di ka uuwi!!" - sabi ko habang nakaupo sa harap ng salamin at nagsusuklay ng buhok.
Bigla naman siyang bumalikwas sa pagkakahiga at sinabing "anong di uuwi? Hahanapin ako nila Mama saka wala ko dalang damit Madam" sabi niya habang bumalik sa pagkakahiga.
"Hahanapin ka ni Mama mo dyan pinagsasabi mo, chinat ko na si Mama Mylene at pumayag siyang dito ka muna" - pangisi kong sinabi naman sa kanya.

BINABASA MO ANG
Endlessly
FanfictionIs long-term friendship worth the keep if you both know that you're feelings for each other is way beyond being "FRIENDS".Will you keep the friendship? Or are you willing to take the risk?