***WHAT IF?***

90 5 0
                                    

Pumasok na ko ng bahay. Paakyat na sana ko ng kwarto ng biglang magtanong si Mama."Ayaw mo ba talaga kay Stell nak?"

"Ha? Syempre gusto Mama, best friend ko yun eh" - sagot ko. Si mama talaga nadaan na naman sa cake! Haha "Hindi I mean, gusto na higit pa sa mag best friends... Alam mo nak bagay na bagay kayo saka sa nakikita ko gusto ka ni Stell" - pangiti ngiting sabi ni Mama. Lumapit ako at tinikman ko cake na kinakain niya, "Nakuha ka na naman sa cake eh mo Ma? Tulog na lang natin yan" - sabi ko sabay akyat sa kwarto.

Done with my skincare routine, dumiretso akong higa sa kama. Napaisip ako sa sinabi ni Mama. What if gusto nga ako ni Stell. Napapalayo na imagination ko ng maalala ko bigla friendship namin. Ay hinde! Hindi pwedeng maging kami. Sayang naman ung pinagsamahan namin since childhood. Papikit na sana ako ng biglang tumunog ang phone ko.

"Addie ng buhay ko, sa bahay na po ako. Wag ka na magreply matulog ng maaga may pasok pa bukas. Salamat ulit. Goodnight! See you tomorrow!" - Stell.Di na ko nagreply, hayyyy Stell ... Pa-fall kang masyado! tsk!

I set my phone's alarm ng bigla na naman may message na nag-pop sa notification bar. "Friend !!! Tumawag si Boss Mel.. pinapasabi niya na-approved daw yung Leave na finile natin for tomorrow!!! Yihhhh ansaya! Samahan mo ko bukas sa mall ha?" - Melody.Nagulat ako. Leave? Parang di naman ako nag-file this month ah.

I decided to call Melody. "oh friend?" - sagot niya. "anong leave? Wala naman ako natatandaan na nagfile ako this month eh" - sabi ko. "Gaga! Sabay tayo nag-file! Remember nung nasira mga PC natin e dun tayo sa PC ni Emma nag login? Parang sira to, samahan mo ko ... Sunduin kita dyan mga 10AM samahan mo ko sa mall bibili ko gift para kay Jowa" - sabi niya. Umoo na lang ako. Bigla ko naaala si Stell. Kailangan ko siya sabihan. Para di na niya ko sunduin dito bukas.

"Oh? Diba sabi ko matulog maaga?" - bungad ni Stell na halatang nagising lang sa tawag ko. "Sorry nagising kita, kausap ko kanina si Melody, sabi na inapproved daw ni Boss Mel ung leave ni finile namin, kaya tinawagan kita..para di mo na ko sunduin bukas" - paliwanag ko. "Leave? Akala ko di ka nag-file this month?" - tanong niya. "Yun nga din ang alam ko kaso nung tinawagan ko si Melody ayun oo nga pala sabay kami nagfile. Sorry ngayon lang ako sinabihan eh sana pala di na muna ko umuwi" - sagot ko. "Ayus lang ngayon mo lang naman nalaman eh. O sige pahinga ka na lang bukas daanan kita dyan pagtapos ng shift" - he said. " Sige.o siya matulog ka na ulit sorry sa istorbo.. goodnight teyteyman" - sabi ko. He responded goodnight naman. Balik sa pagkakahiga. My eyes getting heavy until I fell asleep na.

EndlesslyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon