Ansakit ng ulo ko pagka gising. Umiyak kasi ako nung gabing mag away kami ni Stell. Anyways... Today's another day. Need magwork. After ko mag-almusal, nagtoothbrush ako't naligo na rin. Paglabas ko ng CR, I checked my phone. Wala pa din message galing kay Stell. Nakakalungkot naman.
Natapos ako magbihis at inayos ko buhok ko. I decided to do side braids then binaba ko bangs ko. Di ko feel maglugay, wala na rin naman na gugulo sa buhok ko.
Pababa na ko habang hinahanap ko si Mama.
"Mama? San ka? Alis na po ako" - tawag ko sa kanya. Nagpunta ako kusina wala siya. Naglakad ako papuntang sala at paglabas nakita ko si Mama.. kausap si Stell. Sinundo pa rin niya ko.
"Oh ayan na pala siya.. napaka tagal mo na naman kanina pa dito si Stell" - sabi ni Mama. Nakayuko lang si Stell habang nakatayo't nasa loob ng magkabilang bulsa mga kamay niya.
"Hinanap kita Ma e asa kusina ako. Alis na kami Ma," - paalam ko kay Mama sabay beso. "Alis na kami Mama" - matamlay na sagot din ni Stell pagtapos niyakap si Mama. Iiling iling lang si Mama. "Mag-iingat kayo" - pahabol niyang sigaw.
Antahimik habang sabay kami naglalakad papuntang bus stop. Di ko magawang humawak sa braso niya. Nahihiya ako, baka galit pa siya sakin. Di ko alam pano siya i-aaproach.
Dire-diretso lang lakad namin ng matapilok ako't bigla-bigla ay may tricycle na napakabilis magpatakbo, bigla niya ko hinila palapit sa kanya para di ako matamaan. Muntik na ko dun ah.
"Tumitingin ka nga sa dinadaanan mo" - irita niyang sabi habang diretsong nakatingin lang sa daan. Di na lang ako kumibo. Baka kasi ano na naman masabi ko. Wala pa rin kibuan hanggang makasakay ng bus. Nakakanibago. Lalo ako tumamlay at nawalan ng ganang pumasok.
"Tey... Sorry na" - I tried telling him. Diretso lang siya ng tingin. Di siya kumikibo. Nanahimik na lang din ako't tumingin sa bintana. Naiiyak ako.
Hanggang makarating sa office e di pa rin niya ko kinakausap. Grabe Stell. Kaya mo na ko tiisin ngayon ganun ba?! Di rin ako kumikibo kase feeling ko pag nagsalita ako tuluyan na ko maiiyak. Nasa loob na kami ng elevator at ganun pa rin. Walang kibuan. Hayyyy ....
16th floor.
Pagbukas ng pinto dire-diretso lumabas si Stell. Walang babye, walang see you later, walang kiss sa forehead. Kakapanibago. Di ako sanay ng ganito kami ni Stell. Ayoko...Hahabulin ko sana siya ng biglang nagsara ang pinto ng elevator. Nakarating ako ng floor namin. Dire-diretso ako ng upo sabay bukas ng PC. "Hi friend kumu---- wait... Umiyak ka ba?" Salubong sakin ni Melody. "Friend wag ngayon pls..." - pakiusap kong sabi sa kanya. Wala ako sa mood makipag kwentuhan at makipag chismisan.
Habang nagtatrabaho eh panay tingin ko sa phone. Walang text or chat galing kay Stell. Hayyyyy ano ba yan di tuloy ako makapag focus. Nagpunta ko ng CR pumasok sa isa mga cubicle at dun ko na binuhos emosyon ko. Naiiyak talaga ako. Hindi ko maintindihan pero nasasaktan talaga ko sa di pagkibo sakin ni Stell. Dati isang sorry ko lang pinapatawad niya kaagad ako. Ngayon e parang di niya ko nakikita, parang wala siyang naririnig.
"Friend...? Are you okay? Ano nangyari sayo?" - pagaalalang tanong ni Melody. Lumabas ako at niyakap ko siya. "hala girl ano nangyari sayo?" - tarantang tanong niya. Di ko na kwinento basta sabi ko lang "I'm not feeling well I want to go home"
Tumango lang siya at sinamahan niya ko magpaalam kay Boss Mel. Pumayag naman si Boss Mel pero inutusan niya ko ipapirma kay Josh yung consent form. Parang approval slip na nagpapatunay na pinapayagan nila ko mag-undertime.
Nag-thank you ako kay Melody at sumenyas ako na pwede na siya bumalik sa station niya. Nahihiya ako pumasok sa loob ng office ni Josh kaso wala .. kailangan ko ng pirma niya. Kumatok muna ko sabay bukas ng pinto.
Busy siya. Parang andami niyang tinatype na kung ano sa laptop niya. "Excuse me Sir" - sabi ko sabay lapit at abot ng form. Nakayuko ako. Binasa niya. "Are you okay? Kaya mo ba umuwing mag-isa Addie?" - he asked. Tumango lang ako.
Napansin niyang namumula mata ko. "Umiyak ka?" - tanong niya. "I'm just not feeling well today Sir" - I formally answered. Nanginginig na boses ko, feeling ko isa pang tanong niya eh iiyak na ko ng tulayan. Di na siya kumibo at pinirmahan yung form. Need ko ipasa yun sa baba sa may lobby para pauwiin ako.
Inabot niya sakin yung papel. "Thank you Sir" - sabi ko sabay talikod. "Addie... It's okay to cry, mag-iingat ka sa daan ha?" - sabi niya. "I will.. thank you" - sagot ko naman sa kanya.
Nagpaalam ako kina Melody at saka nagpaalam ng uuwi na. Sumenyas din ako kay Boss Mel. Tumango lang siya.
After ko maipasa yung form sa may reception area mabilis ako lumabas at nag-antay ng bus. Gustong gusto ko ng umuwi't walang ibang gawin kundi magkulong sa kwarto.
BINABASA MO ANG
Endlessly
FanfictionIs long-term friendship worth the keep if you both know that you're feelings for each other is way beyond being "FRIENDS".Will you keep the friendship? Or are you willing to take the risk?