***WHAT A SURPRISE***

99 5 0
                                    

Time check : 7AM

Maaga ako nagising. I'm feeling productive today! Bukod sa wala akong pasok e parang gusto kong maglinis ng kwarto. Nagtoothbrush, hilamos, nagsuklay then bumaba na para kumain ng almusal.

"Ganda ng gising natin ngayon Addie ah" - bati sakin ni Ate Rose. "Good morning ate! Oo e feeling ko magiging productive ako today" - pabiro kong sabi.

Nakita ko si Mama sa kusina. Nag beso ako sa kanya. "Mag-almusal ka na dyan. Ang aga mo nagising?" - tanong niya. "Maglilinis po ako ng kwarto Mama" - sabi ko habang ngumunguya ng pandesal. Bigla naman lumapit si Mama't hinawakan ang noo ko "hindi ka naman nilalagnat" - asar ni Mama. "Yihhhhh Mamaaaaa!" - sabi ko naman habang tumatawa siya. Di kasi talaga ko mahilig maglinis ng kwarto, madalas si Stell o kaya si Ate Rose lang palagi katulong ni Mama na maglinis.

Natapos ako mag almusal at naghugas ng plato nagpaalam sakin si Mama na siya na muna daw mamalengki at naglalaba si Ate Rose. Tumango lang ako't nag-beso sa kanya. Umakyat na ko ng kwarto at tumingin tingin paligid.

Ano kaya uunahin ko?🤔

Napaka-gulo ng kwarto ko. Minsan nasasabi ni Mama parang di daw kwarto ng babae. Sanay naman na sila sakin eh kaya di na ko masyado naba-bother. Mga ilang oras din ang ginawa kong paglilinis at ako'y pagod na pagod.. pawis na pawis! Iniisip ko ano pa pwede gawin ng maalala ko yung upcoming anniversary. Oo nga pala kasali kami sa special number.

Ganun din lang at pawis na pawis na ko. Binuksan ko ang speaker then I connected it dun sa isang phone ko. Pinatugtog ko yung BAZINGA ng SB19. Isa kasi yun sa ipe-perform namin. Pinapakinggan ko habang nakaharap sa salamin at vini-visualized kung pano steps nun. Ang alam ko lang is yung chorus so tnry ko siya sayawin. Medyo naninibago ako kasi mahigit isang taon din akong di nakasayaw kasi pinagbabawalan ako ni Charles nun. Sinasabayan ko ang kanta since memorized ko naman.

Naka-full volume ang speaker. Feel na feel ko talaga pag SB19 na ang tugtugan! Natigil lang ako nung makita kong nagko call si Mama dun sa isang phone na nasa kama.Pinatay ko muna yung music at sinagot ang call. "Juskong bata ka kanina pa ko tumatawag sayo dito sa baba..." - salubong sakin ni Mama. "Ay sorry ma nagpa-praktis kasi ako di ko naririnig" - sabi ko naman. "bumaba ka rito't may naghahanap sayo bilisan mo andito siya sa sala" - sabi ni Mama.

Luh. Sino kaya yun?

Nagpunas ako ng pawis at inayos ang magulo kong buhok. Nagsuklay ako't nag-ponytails na lang since pawis na pawis ako sa ginawa ko paglilinis at sayaw. Pagbukas ko ng pinto pababa pa lang ako e naaninag ko na sino nasa sala...

Si Josh.

Di ko na magawang umukyat pabalik kasi nakita na ko ni Mama, "heto na pala.. naku ikaw bata ka yung patugtog mo e dinig na dinig hanggang sa may kanto" - sermon niya sakin.Bat di man lang nagsabing pupunta siya... Pawis na pawis pa man din ako.

'Sorry po Ma..." - sabi ko "Kanina pa pala sa labas ang bisita mo eh kundi ko lang siya nakita nabilad na siya sa labas" - sagot ni Mama. "Ay hinde okay lang po yun di naman alam ni Addie na pupunta ako" - sagot naman niya. "Ma... Si Sir Josh po, siya yung pumalit kay Mr. Gomez. Josh, si Mama ko" - pakilala kong sabi sa kanila. Naiilang ako.

Nagulat si Mama. Alam ko na iniisip nito, na gurang ang papalit kay Mr. Gomez. Sakto pa lang niyang ibubulong sakin yun e pinara ko siya't sinabi kong oo alam ko na sasabihin niya.

"Aba'y ilang taon ka na iho? Napakabata mong naging Presidente ng kumpanya ah" - sabi ni mama. Nakaupo silang magkatabi sa sofa, dun naman ako sa kabila. "hindi naman po... 27 years old na po ako" - nahihiya naman sagot ni Josh.

"Wow... Ang galing. Sana bago rin mag-27 si Addie ko ay maabut din niya ang posisyun gaya ng sayo" - sabi ni Mama. "Maaaa" - saway ko naman. Si Mama ko talaga ihhh! "Osya maiwan ko na muna kayo ha? Magluluto ako ng sinigang na hipon, dito ka na maglunch iho" - magiliw na sabi ni Mama. Pangiti naman tumango si Josh.

EndlesslyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon