8:30AM nang magising ako. Nasabi ko rin kay Mama yung biglaang approval ng leave ko kaninang tina-try niya kong gisingin ng 6Am. After ko magbreakfast at maghugas ng plato nasabi ko kay mama na nagpapasama si Melody sa mall.
"May gusto ka ba ipabili ma?" - tanong ko. "hm... Di ko alam e wala pa ko maisip chat na lang kita pag naalala ko na" - patawang sabi ni Mama. Hayyy nanay ko talaga! Haha
Umakyat ako papuntang kwarto at naligo na dahil nag message sakin si Melody na OTW na siya. Natapos ako maligo, makapagbihis at makapag ayos ng 9:45AM. Siguro mga 5mins before 10AM ng dumating si Melody. Kasama si Emma, nag-mano sila kay Mama then ako naman nag beso't nagpaalam ng umalis.
Mabilis kami nakarating sa mall. Lakad-lakad muna, chikahan, andaming alam na chismis ni Melody jusko! Haha habang naglalakad kami papalapit sa kainan ay may nahagip ako na parang pamilyar ang likod.Nakatayo sa counter at nag-oorder. Parang kilala ko to. Iniwan namin si Emma sa table at sumama ako kay Melody sa counter and confirmed! Kilala ko nga!!!
Si Angelica. Ex-girlfriend ni Stell.
"Angelica?" - mahinang sabi ko. "OMG! Addie?! Uy hi! Long time no see!" - excited niyang sagot sabay yakap sakin. Si Angelica ang pinaka mabait sa lahat ng naging girlfriend ni Stell. Siya din ang pinaka matagal. Akala ko nga sila na magkakatuluyan eh kaso ewan ko anong nangyari't biglang nagdecide na mag-abroad itong si Angelica at iniwan si Stell. Siya din ang pinaka naging ka-close ko. Sa lahat ng naging girlfriends niya siya lang ang hindi ako pinagselosan at inaway.
"Wow Addie akalain mo bang ikaw una kong makikita.. kumusta ka na? Lalo kang gumanda ah" - magiliw niyang sagot. "Hala siya .. eh ikaw nga tong lalong gumanda e saka amputi mo lalo ngayon ah, kelan kapa umuwi?" - excited kong tanong.Tatawag sana ulit siya ng waiter para ipang-order ako ng food kaso sabi ko may order na kami sabay turo ko kina Melody sa kabilang table. Nag-hi naman sila. Andami namin pinagkwentuhan pero antagal ko na rin gustong malaman kaya bigla ko tinanong.
"Nagka-problema ba kayo ni Stell noon? Until now kasi di ko pa rin maisip kung bakit kayo biglaang nagbreak... Sorry if na-brought up ko Angelica ha? Akala ko kasi talaga kayong dalawa ang magkakatuluyan" - sabi ko. Bigla lumungkot ang mukha niya but she managed to smile at me and say "Akala ko rin Addie eh..." - she answered. "Eh bat kayo naghiwalay? Feeling ko naman kaya niyo naman ang LDR and diba sabi ni Stell susundan ka raw niya abroad" - sagot ko naman. Nagulat siya. "So ibig mong sabihin di pa sinasabi sayo ni Stell kung bat kami naghiwalay?" - she replied. Umiling lang ako. "You should ask him. Dapat sa kanya manggaling" - seryoso niyang sagot.
"Hay nako kayong dalawa ah pinagpapasa-pasahan niyo ko, ayaw nga niya sabihin" - sagot ko naman. "Siguro naghahanap lang siya ng tamang tyempo Addie but believe me, siya dapat magsabi sayo. You should know" - nakangiti niyang sabi. Tumango na lang ako. Madami pa sana kami dapat pagkwentuhan kaso sumesenyas na si Melody. Oo nga pala sasamahan ko siya. Haha Nagpaalam na ko kay Angelica, mahigpit niya ko niyakap. "Sabihan mo ko pag nasabi na niya ha?" - malambing niyang sabi sa akin. Tumango ako at nagpaalam na sa kanya.
Palabas na kami ng resto. Sinita ako ni Melody! Haha Napasarap kasi kwentuhan namin ni Angelica. After ng napakaraming lakaran eh finally nakabili na rin ng ireregalo si Melody sa jowa niya. Sakit ng paa ko. Nag-aya na ko umuwi kasi naalala ko dadaan pala si Stell sa bahay. Paliko na kami ng biglang "Sir Josh?" - sabi ni Melody.
Si Sir Josh Cullen.
"Oh Melody..hi!" - bati naman niya. Lalung bumata ang itsura niya dahil di siya naka-formal attire. "Ampogi niyo lalo Sir sa ganyang pormahan" - direstsong sabi ni Melody. La talaga preno bibig ng babaeng to.Kinurot ko ng very light ang kamay niya. "San kayo galing kumain na ba kayo? Tara.. treat ko" - aya niya. Willing naman sumama ang dalawa kahit halos kakakain lang namin kanina. Nagpunta kami ng coffe shop. Di ko masabi gusto ko na umuwi nahihiya ako.
Nakaupo na kami. Table for 4, katabi ko si Melody. Kaharap ko naman si Mr. Cullen katabi niya si Emma. Tong dalawang to talaga pag nagsama ayyy naku. Ako na lang nahihiya e. Feeling close! Hahaha "bat mag-isa lang kayo nagmo-mall Sir?" - tanong ni Melody habang hinihigop ang coffee na inordee niya. "Wala eh ako lang mag-isa dito, nagpa iwan family ko sa US... Pag sa labas okay lang naman kahit wag niyo na ko tawaging Sir.. nakakatanda e" - pangiti niyang sabi. "Kahit Josh na lang" - dugtong niya. "Sige Josh, sabi mo yan e" - sagot ni Emma sabay apir kay Melody. Natatawang napapailing na lang ako sa kanila.
Tahimik lang ako the whole time. Wala rin naman ako alam ikwento, sakto naman nagchat si Stell... "Baka di na ko makakadaan sa inyo andito pa ko sa office eh may tinatapos pa ko"
"Sigi lang andito pa rin naman kmi sa mall kasama ko pa sina Melody. Basta chat mo ko pag asa bahay ka na ha? Tawagan kita may kwento ako" - reply ko. Seryoso akong nagcha-chat ng bigla ako gulatin ni Melody .. "huy! Babae! Are you with us?" - sabi niya sabay tawa nila Emma. Kita ko naman na panay ang tingin sakin ni Sir Josh. "Nagreply lang ako" - sagot ko naman.
"Naku hulaan ko .. si Stell yan no?" - sabat ni Emma. Natatawa kong nakatingin kina Emma at Melody pero kitang kita ko sa peripheral view ko na nakatingin sakin si Sir Cullen.
"Stell?Yan ba yung nakita kong naghihintay sayo nung mag-goodbye ako sa inyo ni Melody?" - tanong niya. Di ko na nakuhang sumagot e inunahan ako nila Melody "ay opo Sir! Este Josh pala... Crush ko nga yun e kung wala akong jowa ako na manliligaw dun" - saka kami nagtawanan. Nakakahiya ka talaga Melody.
Sumasabay lang sa tawanan si Sir Josh. Cool din pala siya outside work. Parang di siya yung boss namin na nakikita sa work araw-araw. Nag-initiate na mag-ayang umuwi si Emma, hayyy salamat naman. "Where are you guys headed ba sabay na kayo sakin. Di ko nagawang tumanggi, dali-dali ako hinila nila Emma. Grabe talaga mga babaeng to.
Nagpunta kami sa parking lot. Montero sport. Wow!Nag-prisintang umupo sa may harapan si Melody habang kami ni Emma sa likuran.
Umilaw ang phone ko. "Pauwi ka na?" - Stell. Mabilis ako nagreply "Yup. Tawagan kita pag asa bahay na ko ha? Ikaw din ingat ka pauwi" - I replied. "Ano hinahanap ka na ni Stell mo noh?" - asar ni Melody. "Naku ginabi na kayo dahil sakin, sorry Addie ha? Sana di magalit ang boyfriend mo sayo" - biglang sabi ni Sir Josh. "Naku wag po kayo mag-alala Sir ay este Josh, wala pong magagalit dahil single na single po itong kaibigan namin. Mag-bestfriends lang po sila ni Stell" - sagot naman Melody. Apaka-chismosa talaga ng babaeng to.
Habang umaandar ang sasakyan biglang pumara si Melody at sabi eh biglang nagchat sa kanya ang jowa niya't magmi meet daw sila, bigla siya bumaba ng kotse at sumama naman si Emma. Pababa na rin sana ako ng bigla kinontra nila Melody. "Sumabay ka na kay Boss mahirap ang bus dito" - sabi niya. "oh bat ikaw Emma?" - tanong ko naman. "Susunduin ako dzai!" Sumakay ka na't naghihintay si Boss" - pilit niya sakin. Binababa ni Sir Josh ang bintana "everything okay? Dito na lang ba kayo?" - he asked
"Ay opo salamat sa pa-merienda Sir ay este Josh pala. Si Addie medyo alanganin siya dito e pwede sabay na lang siya sayo?" - sabi ni Melody. Sumesenyas ako na wag na kaso wala.. tama si Melody alanganin nga tong lugar na to. No choice. Sumakay ako ulit sa sasakyan ni Sir Josh. Sumakay ako sa harap. Nag-babye naman ang dalawa at pangisi-ngisi pa eh .. pang-asar talaga.
"Ahm ... San banda yung sainyo Addie? Okay lang ba na tawagin di kitang Addie?" - he asked. Tumango lang ako. "Kahit dun lang ako sa may bus stop boss okay na ko dun" - sagot ko.
He smiled. "You can call me Josh, wala naman na tayo sa office" - he said. Nginitian ko lang siya saka tumango. While driving bigla siya nagplay ng music... Dancing in the kitchen by Lany. Wow! Favorite ko yan eh.
Kasama sa playlist ko yan kasi isa sa mga favorite group ko ang Lany. Di ko mapigilan di mapasabay sa chorus. Nagtinginan kami ng bigla kami magsabay. "Wow!iilan lang nakakaalam ng kantang to eh.." - sabi niya. "Isa sa mga favorites ko ang Lany eh" - sagot ko naman. Medyo dumaldal na rin ako habang tunatagal kasi narealize ko halos pareho kami ng music na gusto. Di ko namalayan na lumagpas na ko sa bus stop.
"Ay Sir! Sorry .. Josh, lumagpas na sa bus stop, dun na lang sana ako kase para lalakarin na lang ppuntang bahay. " - sabi ko. "Ha? Lalakad? Hatid na lang kita gabi na oh .. san ba banda?" - tanong niya. Tinuro ko ang daan at isinakto niya sa harap ng bahay namin. Gusto ko siya ayain sa loob kaso nahiya na ko. "Thank you sa paghatid. Ingat" - sabi ko. Binaba niya ang window "Bye Addie! See you tomorrow!" - sagot naman niya. Nagbabye ako then pinaandar na niya ang sasakyan. Tiningan ko sya hanggang makalabas ng kanto namin. Napabalikwas naman ako't pagharap ko sa gate eh nakatayo si Stell nakapamewang.
Shit! Oo nga pala sabi niya dadaan siya dito sa bahay. tsk!
BINABASA MO ANG
Endlessly
Fiksi PenggemarIs long-term friendship worth the keep if you both know that you're feelings for each other is way beyond being "FRIENDS".Will you keep the friendship? Or are you willing to take the risk?