Tumalikod sakin si Stell at naupo sa gilid ng kama. Yare, nagtatampo nga...
"huy teyteyman! Sorry na..." - I said
Di pa rin siya kumikibo.
"Okay sige, una sa lahat SORRY kase di ko sinabi, wala talaga kong balak sabihin sayo kasi gaya ng sabi ko kanina di naman na siya worth na pag-usapan. Kaninang umaga after mag meeting ng team sa conference room pagkakita ko sa cubicle ko may isang box ng strawberry shortcake. I assumed na sayo galing since strawberry yung flavor tas nung sakto bubuksan ko na siya may narinig akong nagsalita sa may likuran ko sabe DO YOU LIKE IT? pagkaharap ko .. si Charles.
"Oh tapos?" - sagot naman ni Stell na ayaw pa rin humarap sakin.
"Syempre nabigla ako, sabi ko SAYO GALING TO?tas tumango lang siya..Bigla ko binitawan ung box, ganito naging convo namin Tey makinig ka ah" - sabi ko naman.
ME : Wala naman akong sakit ah bat mo ko binibigyan ng ganyan? Saka bat ka andito Charles???
CHARLES : Pag lang ba maysakit ang isang tao dun lang siya dapat bigyan ng gift? Saka I want to see you Addie.. I miss you
ME : You miss me?! Oh bakit ano na ba nangyari sa inyo ni Leslie? Di kayo okey kaya ngayon pupunta-punta ka rito? C'mon Charles!
CHARLES : Stop playing PAKIPOT games Addie alam ko naman na you miss me, Well I ended things na with Leslie kasi narealized ko ikaw talaga mahal ko so please wag ka na magpa-hard to get dyan.
Akma niya kong lalapitan at yayakapin sana pero umurong ako
ME : Stop! We're done Charles. I'm done with all of your stupid games. Alam mo, naaawa ako sa kaluluwa mo, its like you can't live kung wala kang babae sa tabi mo - I sarcastically answered
CHARLES : Tapang mo na ngayon ah... Bakit sino ba pinagmamalaki mo ha?! Si Stell?Bakit kayo na?! Siguro kaya pag inaaaya kita mag-s** e ayaw mo dahil gusto mo sa kanya no?!
Itutuloy ko pa sana ang kwento ng biglang nagreact si Stell, "Aba't napaka kapal naman talaga ng mukha ng lalaking yan!!!!!" - He said. First time ko siya makita ng ganun ka-galit
"See? Kaya ayaw ko na lng ikwento sayo Stell, Masisira lang ang mood natin at ayaw ko na rin naman siya alalahanin, tapus na tapos na ko sakanya" - I answered.
Nilapitan na ko ni Stell at bigla niya ko niyakap."Sorry, di ko alam. Akala ko kasi nagbalikan na naman kayo. Ang sabi lang kasi sakin ni Melody eh binisita ka niya di naman nila kinwento ano talaga nangyari" - he said while gently rubbing my hair.
"Kase ang sinabi ko sa kanila WAG na banggitin sayo, inisip ko rin kase baka pag nakita mo siya e magpang-abot kayo. Lagot talaga sakin tong si Melody" - sagot ko naman. Natawa si Stell sa sinabi ko, "yaan mo na alam mo naman si Melody chismosa talaga yun" - sabi naman niya. Nagtawanan kami ng very light! Hehe
"Ano nangyari after nun?" - Stell asked. Akala ko di na siya interesado pero gusto pa din talaga niya marinig ang ending hehe
"Ayun sinampal ko!Nabigla nga mga tao sa office e nagtinginan samen. Ewan ko, first time ko nagawa yun sa kanya. Para na rin kasi nagpanting ang tenga ko nung marinig ko sinabi niya pangalan mo" - I replied.
ME : Ang kapal ng mukha mong sabihin yan saken!!!! Samantalang ikaw ano?! Sa loob ng mahigit isang taon natin relasyon ilang besis mo ko niloko?!iLang besis kita pinatawad pero paulit-ulit na lang tayo! At WAG na WAG mong ikukumpara sa sarili mo kay Stell! Dahil kahit sa kalingkingan ng paa niya hinding hindi ka lalamang! Kapal ng mukha mo!Wag na wag ka ng magpapakita saken!
CHARLES : You slut!
Papalapit siya sakin na parang gusto niyang hablutin ang braso ko ng biglang humarang si Kuya Leo, security guard ng building na sobrang close ko.
Wala siya nagawa. Pagalit siyang nag-walkout sa office.Antagal natahimik ni Stell after nung kinwento ko sa kanya, nakatingin lang ako sa kanya habang siya nakatingin sa kawalan while still gently rubbing my hair.
"Sorry talaga Addie, di man lang kita naipagtanggol dun sa hayup na yun nagawa ko pang magtampo sayo" - bigla niyang sinabi."Okay lang, kinaya ko naman siyang harapin e saka sorry din if di ko binalak na sabihin sayo.. wag ka na magtampo ha? Dapat nga matuwa ka saken kasi di na ko marupok" - sagot ko. Bigla siyang natawa sa sinabi ko, hehe ilang besis ko na rin kasi bingyan Ng chance ang relationship namin ni Charles pero wala talaga. Di siya marunong makuntento.
"So dahil nagso-sorry ka saken dahil nagtampo ka ng wala naman dapat ikatampo .. ikaw ang bibili ng pizza!!!! WHAHAHAHAHA" - sabi ko sa kanya!haha as usual ngiti lang siya sabay gulo ng hair ko.
"Gutom na ko, tara kain na tayo kanina ko pa gusto tikman luto ni mama" - aya ko sa kanya. "H-haaa? Di ka pa kumain?" - sagot naman niya, "Oo eh diba sabi ko after ko maligo antayin kita matapos maligo para sabay tayo kumain e nakatulog ako di mo naman ako ginising kaya tara na I'm staaaaaarving!!!! - sabi ko sa kanya habang pinipilit ko hilain kamay niya patayo sa kama.
"Tara na Stellvester gutom na tayo dali" - I said, then he replied "ah e kasi ano eh... Di ako gutom"
"Ha?! Di ka gutom? Hapon tayo nakarating dito sa bahay ano ng oras alas-onse na ng gabi di ka pa gutom?" - nagtataka kong sabi. "hm... Nung tulog ka kasi kumain na kami nila mama saka ate Rose" - dahan dahan niyang sagot.
Mabilis ko nahablot ang unan sa tabi niya't akma siyang hahampsin ng bigla siyang nag-rap! Hahaha "Sorry na di ko naman alam na gusto mo pala sabay tayo kumain sabi mo lang maliligo ka tas nung pumasok ako dito nakita ko tulog ka na tinawag ako ni mama sabi "teyteyman kain na tayo" e diba ayaw mo naman ginigising pag nakuha mo na tulog mo? Kaya ayun kumain kaming tatlo" - rapperist Stell???
Di ko siya nagawang hampasin dahil pagkatapos niya mag-rap e patakbo siyang lumabas ng kwarto't sumisigaw ng "Mamaaaaa!"
"Yung tiniis ko ung gutom ko mula kanina tas ikaw kumain na pala, tampo-tampo ka pa dyan.. bumalik ka dito Mr. Ajero di pa tayo tapos... STELLLLLLLLL!!!!!!!!!
BINABASA MO ANG
Endlessly
FanfictionIs long-term friendship worth the keep if you both know that you're feelings for each other is way beyond being "FRIENDS".Will you keep the friendship? Or are you willing to take the risk?