I walked out of his office ng walang lingon-lingon, kahit gustuhin ko man di ko na mababawi yung mga nasabi ko... Hayyyy Addie!!!!!
Naglalakad ako pabalik sa cubicle ko at pagkaupo ay antagal kong tulala, iniisip kung ano na ba mangyayari sakin, baka tama nga si Melody.. bukas wala na kong trabaho. Dali-dali kong binuksan ang PC at akmang gagawa ng resignation letter ng bigla ako nagulat kay Melody.
"Huy! Okay ka lang Addie? Ano nangyari sa'yo dun sa loob?" - tanong niya habang nakaupo sa kanyang station. "Tama ka nga yata Melody, baka bukas wala na ko trabaho" - kinakabahan kong sagot. "Ano na naman ginawa mong babae ka?! Tsk! Ano gawan na kita resignation letter?" - pang aasar pa niya. "Salamat ah.. kaibigan talaga kita" - I answered. Tumawa lang siya.
Humarap ako pabalik sa PC at iniisip kung gagawa na ba ko ng resignation letter o hindi. Iniisip ko rin kasi pag nalaman to ni Boss Mel sigurado sermon galore aabutin ko. Habang inaayos mga paperworks na kailangan ko tapusin bigla umilaw ang phone ko.
"SLR may meeting din kami kanina, anong malas? Anong nangyari sayo? Lunchtime na... Kain ka na ha? Wag papagutom. See you later!" - Stell
Somehow nawala stress ko pagkabasa ko sa chat niya. Nangiti ako. Buti na lang talaga andyan si Stell. I replied "Okay lang, basta mamaya ko na lang kwento sabay naman tayo uuwi.. ikaw din kain ka na".
It's lunchtime na nga. Niyaya ako mag lunch ni Melody sa canteen. After kumain eh tinuloy ko mga paperworks na dapat ko tapusin iwas sermon kay Madam Mel. Need ko tapusin mga deliverables ko dahil bukas baka wala na kong trabaho dahil sa ginawa kong pagtataray sa bagong boss namin🤦
5PM. Thank God its end of shift na, kanina ko pa gustong umuwi. Inayos ko mga gamit ko and niligpit ang table ko. "Friend, una na ko ha? Inaantay na ko ni jowa sa baba. Wag ka na pa-stress ha? Malaya mo naman mabait yang si Sir Josh e di ka niya patalsikin sa trabaho" - sabi niya sabay kindat at beso. "Ewan ko sayo pinaalala mo na naman!sige na .. ingat friend" - I answered.
Kinuha ko rin ung damit ko na natapunan ng kape sa locker. Naalala ko na naman ang nangyari. Hay kainis!
Checked my phone and as expected nagchat na si Stell. "Nasa ground floor na ko antayin na lang kita dito sa lobby" - sabi ng chat niya. I replied naman "Sigi pababa na rin ako." After ko mag reply binulsa ko na phone at pumasok na sa elevator.
Medyo siksikan sa loob ng elevator, napunta ko sa pinakalikod. Habang inaantay magsara ang pinto eh may humabol. Boss Mel and kasama niya si Sir Josh. Hayyyyy jusmiyo! Yumuko ako ng very light para di nila ko mapansin pero wala rin nahagip ako ni Boss Mel.
"Oh Ms. Dela Cruz" - approach niya. "Hi Sir" - sagot ko naman. Umiiwas ako ng tingin pero kita ko pa rin sa peripheral view ko na nakatingin si Sir Josh. Naku sana wag niya ko isumbong kay Boss Mel!
Pagbukas ng pinto dali-dali ako lumabas di niya ko lumingon at mabilis pumuntang lobby, sakto naman nakita ko na si Stell na nakatayo. Tumabi ako sa kanya, "tara na.." - matamlay na sabi ko sa kanya. Halata sa mukha niyang nagtaka siya kasi I usually hug him from behind pero nung time na yun wala na talaga ko sa mood.
Inakbayan niya ko palabas ng building, "ayus ka lang Addie?" - he asked. Tumango lang ako. "Ano pala yung sinasabi mong malas ka? Saka bat ganyan suot mo? Asan yung white? Ang ganda mo kaya dun" - sunod sunod niyang sabi
Habang nasa loob ng bus kinwento ko kay Stell lahat ng nangyari and as expected... Tawang tawa siya. Ang galing diba?
"Sabi na e... Napaka comforting mo talaga" - sabi ko kanya sabay irap."Sorry! Sorry di ko talaga mapigilan matawa... Ate Chona ka rin kasi minsan e, sorry na..." - paglalambing niya sakin. "Anong sabi ng boss mo sayo?" - his follow up question."Yun nga ung nakakainis e, pangiti-ngiti lang napaka sarcastic. Uunahan ko na sermon ni Boss Mel magpa pass na ko ng resignation letter bukas" - sabi ko naman. "Ha?!!! Resign agad? Seryoso ka Addie?! Antagal na natin dun ano ba yan naman" - dismaya niyang sagot. Di na lang ako kumibo. I just lean my head sa balikat niya. Naramdaman din siguro ni Stell na I'm really not that okay. Kaya tumahimik na lang din siya at hinawakan niya kamay ko. Kahit papano gumagaan pakiramdam whenever I'm with him.

BINABASA MO ANG
Endlessly
Fiksi PenggemarIs long-term friendship worth the keep if you both know that you're feelings for each other is way beyond being "FRIENDS".Will you keep the friendship? Or are you willing to take the risk?