***BESTIES DAY PART 2***

132 5 3
                                        

1:30pm na ko nagising. Halos mag-aalas kwatro na rin kasi ng madaling araw yun nung makatulog kami ni Stell. Matapos ko mag-toothbrush at maghilamos lumabas na ko ng kwarto at hinanap si Stell.

I'm still on my pajamas ng lumabas. Nadatnan ko sila sa terrace ni mama nagku-kwentuhan. "Oh gising na pala ang Boss Madam" - bungad ni Stell. Tinapik ko siya at nagbeso kay Mama.

"Gutom ka niyan no?Mama gutom yan pustahan" - sabi niya sabay tingin kay Mama. Tumawa naman si Mama ko. Tinapik ko sa balikat si Stell "kagigising ko lang ah wag mo ko umpisahan" sabi ko. "Ay opo naman Boss Madam eto nga't tatayo na ipaghahanda ko kayo ng brunch, nagluto po ako ng paborito niyong chicken curry" - sabi ni Stell. Tawang tawa si Mama.

Sinamahan niya ko sa kusina. Siya nga naghanda ng makakain ko! Haha Sarap ng may best friend na cookerist!

"Natulog ka ba? Bat ang aga mo yata nagising? Eh umaga na tayo matapos manuod ng movie eh" - sabi ko habang nakaupo't pinagmamasdan siyang iprepare ang food."Alas onse ata yun ng magising ako nakita ko kasi si Mama paalis papunta ng palengke daw ayun sinamahan ko tas sabi ko ako na lang magluto ng ulam, oh kain ka po mahal na prinsesa" - he said.

"Sweet talaga ng best friend ko, pogi na cookerist pa!" - sagot ko naman sabay kurot sa pisngi. "Nakakadami ka na ah! Pinagti-tripan mo pisngi ko" - reklamo naman niya.

Kwentuhan, tawanan while eating brunch. Masaya talaga pag BESTIES DAY. Nagpaalam si Stell na uuwi na ng mga 7PM kasi maaga pa pasok namin kinabukasan, I insist na wag na muna siya umuwi since may mga damit naman siya kaso sabi niya nasabi na niya kay Mama Mylene na uuwi siya't hinihintay daw siya ni Tatay Jun.

"Mama uwi na po ako, salamat po sa masarap na food at kwentuhan" - sabi ni Stell kay mama sabay yakap. "Naku kami nga dapat mag-thank you at napaka sarap ng Chicken Curry na niluto mo" - sagot naman ni Mama.

Hinatid ko siya hanggang gate. "Oh pano see you tomorrow na lang?Di ka na nagtatampo ah..." - I said. Then he replied "Oo wala na yun, basta sana magtuloy-tuloy na pagmu-move on mo't di ka na magiging marupok. Maaga ka pumasok balita ko papakilala ata yung bagong President ng department niyo".

Tumango ako. Buti na lang pinaalala niya, oo nga pala may bukas darating ang papalit kay Mr.Gomez.Niyakap ko si Stell bago siya lumabas ng gate and then he kissed me sa forehead.

"Ingat ka teyteyman..."

EndlesslyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon