***ANNIVERSARY PARTY***

81 6 0
                                    

Time check: 4PM

Nakatayo ako sa harap ng salamin. Trying to see if bagay ko ba itong suot kong dark red semi formal dress. Ano ba naman kasi tong naisip ni Justin at HOLLYWOOD GLAMOUR pa yung theme. Naiilang ako sa suot ko.

I'm not used to wearing these types of clothes kasi more on ragged type ako eh. Mas komportable akong naka-shirt at jeans lang saka rubber shoes.

"Nasa baba na si Stell bilisan mo dyan..." - tawag ni Mama. "Opo Ma pababa na po" - sigaw ko naman. Nag-aalangan ako bumaba kasi iniisip ko ano magiging reaksyon ni Stell. Baka kasi asarin na naman niya ko mahiya lalo ako.

One last look at kinuha ko na pouch ko't binuksan ang pinto ng kwarto. Pababa ako nang parang makita ko si Stell... Parang sa movie, nag-slowmo lahat ng nasa paligid ko. Oh my... Si Stell ba talaga tong nakikita ko? He's wearing a beige coat and tie na parang silk na kumikinang na bumagay sa broad shoulders niya. Grabe I'm speechless.

STELL POV

Hindi ko na magawang kumurap. Napatulala ako habang naglalakad papalapit sakin si Addie. Ang ganda ganda niya...

"Kay gaganda't kay gu-gwapo naman ng mga anak kooooo!" - sabi ni Mama na tuwang tuwa nakatingin samin. Nailang ako sa titigan moments namin ni Stell... Grabe and gwapo talaga niya.

"Ano tara na..?" - aya ni Stell. Tumango naman ako't humawak sa braso niya. Nagpaalam na kami kay Mama at hinatid niya kami sa gate. May inarkilang service si Stell para di kami magcommute. "Mag-iingat kayo ha? Saka enjoy" - pahabol ni Mama. Umoo kami at sumenyas na aalis na.

Pagpasok namin sa kotse. Nag-hi kami ni Stell sa manong driver at sinabi kung san kami papahatid. "Ang ganda ganda naman ng best friend ko" - nakangiting sabi ni Stell. "Asus ... Ampogi naman talaga ng best friend ko ohhh" - ganti ko sa kanya.

Mabilis lang ang biyahe. Nakarating kaagad kami sa venue. Isa sa mga prestigious hotels in Manila.Grabe napaka elegant ng place. Red carpet pa... Galing talaga ni Jah.

Pumasok kami at medyo marami-rami na rin ang mga tao. Nagsama sama mga employees sa iba't ibang department. Kita ko ibang mga bosses. Kaagad naman kami nakita nila Melody at nilapitan nila kami. "Hi Stell... Ang gwapo naman ihhhh!" - kinikilig pag bati ni Melody. Ngumiti lang si Stell. "Grabe ka naman Addie masyado naman ginalingan" - sabi naman sakin ni Emma. Natawa lang ako. Nag-excuse muna sa'min si Stell kasi bigla siya tinawag ni Justin, I waved hi di naman sa kanya.

Sa may table no.8 kami nila Melody. 10 headcounts per table, kasama namin yung ibang mga co-workers. May extra 2 seats pa. Chinat ko si Stell, "Tey... Table no.8 pinang reserve kita, dito ka na lang maupo"

Inaantay ko siya magreply ng mahagip siya ng paningin ko sa malayo at sumenyas siya ng 👍 tumango naman ako. Di na napaupo nila Melody yung iba kase sabi ko naka-reserve na kay Stell ang upuan sa tabi ko.

Tamang scroll lang ako phone while nagmamasid-masid na rin sa paligid. Grabe ang ganda ng lugar. Ito na ata pinak bonggang anniversary party sa history ng company. Bigla naman lumapit sakin si Paulo, sumenyas siya ng Hi kina Melody at sa iba pang kasama ko then he bended over sa tabi ko."Ganda mo ngayon Addie ah dalaga ka na" - asar niya sakin. Tinampal ko naman ng very light ang braso niya.

"Kidding aside.. alam mo na pagkakasunod ng program? Bago matapos speech nung bagong President yung Mr. Cullen ba yun ung bata?" - sabi niya. Tumango ako at seryosong nakikinig. Si Paulo ang Lider saming lima. "oh yun.. so ayun nga. Bago siya matapos sa speech niya, kayo ni Stell punta na kayo kaagad sa backstage. May fitting room dun, dun na lang tayo magbihis yung costume mo na kay Stell na, memorized mo naman lines mo diba? Yung rap?" - sabi niya. Tuloy tuloy naman akong tumango sakto naman palapit na si Stell at inulit niya yung sinabi niya. Tumango lang din si Stell at bumalik na si Pau sa table niya.

"Ate chona niyo galit na" - pabiro namang banat ni Stell habang tinuturo si Paulo habang naglalakad palayo. "Bakit na naman?" - tanong ko. "Ayun as usual .. wala pa rin si Ken" - iiling iling na sagot ni Stell. Hala! Ano ba naman yan Ken ihhhhhh!!!!

Masaya lang kami nagku-kwentuhan sa table habang naghihintay na magstart ang program. Bida-bida na naman tong best friend ko... Tawang tawa sa kanya mga kasama namin sa table sa mga kwento niya, pambsansang mooter talaga tong si Stell, Habang nagtatawanan kami bigla naman tumawag si Melody "Sir Josh..! Sir! - pasigaw niyang tawag habang sumesenyas na pinapalapit si Sir Josh.

Naka-light blue semi formal si Sir Josh. Bumagay sa skin tone niya with his eyeglasses.

"Sir may isa pang bakante oh dito ka na lang" - aya ni Melody habang hawak-hawak ang sandalan ng upuan sa tabi niya. Ngumiti si Sir Josh at umupo. "Wow ah .. y'all look different, muntik ko na kayong di makilala" - pabolang sabi niya samin habang tiningnan niya kami ng isa-isa, kilig na kilig naman ang dalawa. "Ay Sir... Si Stell pala, sa 16th floor siya. Stell eto naman ang poging boss naming si Sir Josh Cullen" - pakilala ni Melody. Nagkatinginan sila. Then Sir Josh formally smiled while si Stell "nice to meet you Sir" - magalang niyang sabi.

Medyo awkward.Kasi biglang natigil yung mga banat ni Stell, nahiya siguro siya kasi may kasama kaming boss sa table. Sa malayo naman nahagip na ng paningin ko si Ken .. "yun si Ken oh .. KEN!" - sigaw ko at sinesenyasan kong lumapit samin. Pagkalapit niya e pinagtripan namin siya ni Stell at sinabing galit na galit na si Paulo. Hindi naman siya natinag at tumawa lang then nagpaalam na siyang pupunta sa table nila.

Picture lang kami ng picture ni Stell sa phone niya while waiting for the program to start. Mahilig din kasi mag-selfie tong isa. I couldn't help but to notice na nakatingin lang samin si Sir Josh habang dinadaldalan siya nila Melody at Emma. Natigil naman ang selfie ng biglang napa "oh my gaaaad" si Stell. Sinundan ko yung tingin niya at ... Wow! Mapapa-ohmygad ka nga talaga. Napaka sexy at ganda ng suot ni Stephanie.

Na-love at first sight ata tong best friend ko...

EndlesslyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon