***ONE MAGICAL NIGHT***

81 6 0
                                    

At exactly 8PM nagstart ang program. Sina Boss Mel at Boss Vicky ang hosts. Maaga din na-serve ang napaka sarap na food, enjoy na enjoy ang bawat isa.

After few speeches galing sa mga Bosses at board of directors, tinawag na on stage si Sir Josh. "And now.. last but definitely not the least, let us all welcome and give a big round of applause. Our new ang youngest President ... Mr. Josh Cullen.

Nagpalakpakan ang madla. Habang nakangiti namang tumayo sa kinauupan si Sir Josh. He looks so elegant. Pag-akyat niya ng stage to say his speech I couldn't help but to stare at him. Hindi ko alam pero pag siya na nagsasalita it's like everyone is really paying attention talaga. Yung kahit ayaw mo makinig eh mahahatak ka.

Bigla naman ako kinalabit ni Stell at binulungan na nagchat na sila Pau. Dahan-dahan kami tumayo at magkahawak kamay na naglakad papuntang backstage. Nasa likod na nga yung tatlo, si Paulo halos nakabihis na. Nagmadali na rin kami. Nagpalit ako from casual dress to blouse and pants. Para babagay sa gagawin naming act. Matching outfits kaming Lima.

After few minutes natapos na ang speech ni Sir Josh at sumenyas na sila Boss na kami na ang next. Kinabahan ako bigla. Parang ngayon na lang kasi ulit kami magsasama sama para magperform. Nag-group hug kami't nagpray. Then ayun na na nga tinawag nila kami on stage.

"Here to perform "Bakit ba ikaw" let's welcome on stage Stell, Addie, Ken, Justin and Paulo" - pa announce na sabi ni Boss Mel. Nagpalakpakan ang mga tao. Sabay sabay kami umakyat. Nakikita ko sina Melody at Emma na sumesenyas ng cheer sakin. Ngumiti ako sa kanila. Tumunog na ang instrumental...inumpisahan ni Ken.

Mula nang akong masilayan,
Tinataglay mong kagandahan
Di na maawat ang puso sayo ay magmahal ....

Seryoso nakikinig mga audience.. Sunod sunod na kami. Grabe na-miss ko tong jamming namin. Habang tumatagal naging komportable na ulit ako on stage.

Nag-chorus si Stell, sumunod si Pau tas si Justin then ako...

Ayaw ng paawat ng aking damdamin
Tunay na mahal ka na
Sana'y hayaan mong ibigin kita....

While singing those lines bigla ako napadilat the I saw Sir Josh staring at me. Na-intimidate naman ako.

Sigawan naman mga tao ng batuhan kami ng Rap lines ni Pau sa 2nd verse. Kinanta kasi namin ung version ng SB19. Yung pinerform nila sa MYX live.

Natapos ang kanta. Palakpakan. Biglang namatay ang ilaw on stage. Para di makita na nagtanggal sila na suot na long sleeves. Kasunod kasi Bazinga, may costume din kami para dun. Patakbo ako bumaba on sa backstage. Sa second chorus pa kasi pasok ko. Sigawan ang mga tao ng umpisahan na ni Stell with his high notes. Galing mo talaga Vester!

Gulat silang lahat ng bago mag 2nd chorus lumitaw ako from behind then kinanta yung chorus ng Bazinga. Kitang kita ko sina Melody at Emma na napapasayaw at sumisigaw ng "woooohoo gooooo Addie!" Kaya lalo kami ginanahan. Batuhan ulit kami ng rap ni Pau then sinundan ng deep voice ni Ken. Lalong lumakas ang sigawan. Iba talaga appeal ni Ken. Natapos ang performance ng hingal na hingal kami. Standing ovation. Palakpakan. Ang saya lang.

Tuwang tuwa kami nagkwentuhan backstage at nag asaran kasi muntik na naman matanggal sapatos ni Pau nung nagsasayaw. Back to being semi-formal. Sinuot ulit namin ung mga glamour theme naming mga outfits. While the hosts are making important announcements nagbalik kami sa table no.8 ni Stell. Di pa man kami nakakaupo "Grabe talaga kayo! Di ka namin kinaya Stell, power belter ka talaga! At ikaw namang babae ka! Sumosobra ka na! Apakagaling mo pa rin.. di kami prepared dun sa rap niyo ni Pau ah masyado mo na naman ginalingan" - sunod sunod na sabi nila Emma't Melody. Ngumiti lang kami ni Stell.

EndlesslyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon