Nakasakay na kami ng bus ni Stell. Uuwi muna kami sa bahay para kunin yung mga gamit na dadalhin ko para sa sleepover tas diretsu alis na kami nun papuntang Ajero's residence.
Nakatingin lang ako sa bintana habang nakasandal ako sa balikat ni Stell. "May itsura pala yung bagong Boss niyo eh..." - bigla niyang sabi. "Si Mr. Cullen?hm... Ayus lang naman" - sagot ko.
"Bakit Ms. Addie tawag sayo? E diba last name basis?" - sumunod niyang tanong. "Hindi ko alam.. e kahit ako nga nabigla ng tinawag niya kong ganun eh" - I replied. "Anong meron?" - follow up question ko. "Wala.. baka nga crush ka nun" - sabi niya. "Crush?! Pano mo nasabe? Feeling ko nga turn off yun sa ginawa kong pag-aate chona sa kanya eh" - sagot ko naman.
STELL POV
Heto na naman ako sa pakiramdam na ganito. Una ko pa lang makita yung Josh Cullen na yun iba na kutob ko. Sa elevator pa lang hanggang kaninang tinawag niyang "Ms. Addie" ang best friend ko. Heto na naman ako sa pakiramdam na parang aagawin na naman siya sakin.
"Huy!!! Tulaley ka na naman!" - bulyaw ko kay Stell na kanina pang tahimik at tulala. Nagulat siya. "Okay ka lang?" - I asked.Tumango naman siya.
Nakarating na kami ng bahay at sinalubong kami ni Mama. Nagbeso ako at si Stell naman ay nag-mano at nagbeso. "Ma, kunin lang namin gamit ko tas alis na kami ha?" - paalam ko kay Mama. "di na kayo kakain?" - tanong niya.
"Dun na lang siguro Ma, baka nagluto si Mama Mylene magtampo yun" - sabi ko habang inaayos mga dadalhin kong gamit. Si Stell nakaupo lang sa gilid ng kama tahimik pa rin. "Napanu ka na naman?" - tanong ko. "Wala nga. Di ba pwede tumahimik muna ko kahit ngayun lang Addie?" - pilosopong sagot ni Stell. Nagulat naman ako't biglang tumawa si Mama, naririnig pala niya.
Natapos ako mag ayos. Nagpambahay na lang din ako. Nagpaalam na kami kay Mama. "Sabihin niyo kay My bisitahin ko siya one of these days ha?" Tumango naman kami. Nagbeso na kami kay Mama, lumabas ng gate at naglakad na.
Nakatayo kami sa bus stop. Nag-aantay. Napansin ko nakatingin lang sakin si Stell, "bakit?" - tanong ko. Mukha pa siyang nagulat "Wala" - sagot niya. Lumapit ako sa kanya at humawak sa braso niya "akala ko ba di mo ko type bakit mo ko tinititigan? Nagagandahan ka sakin no?" - pang asar kong sabi sa kanya. "Feelingera, assumera.." - pigil tawa niyang sinabi saka niya ko inirapan.
Bago pa kami tuluyang mag asaran e dumating na ang bus. Sumakay kami sa dulo.
Few minutes later...
Nakarating na kami sa bahay ni Stell. Nasa gate pa lang kami e dinig na dinig ko na tahol ni Gimo. Pagbukas ng gate e mabilis humarurot ng takbo si Gimo at sumalubong samin. Kinarga ko naman siya habang si Stell inalalayan ako sa mga gamit na dala ko. Papasok ng pinto binitawan ko si Gimo at sinalubong ko ng yakap si Mama My, "Mamaaaaaa!" - sabi ko. Niyakap din niya konng mahigpit. "Naku na-miss ka namin Addie parang antagal mo ng di bumibisita dito ah" sabi niya. Nagmano naman ako kay Tatay Jun.
Pinasok ni Stell mga gamit ko sa loob ng kwarto niya. Tinulungan ko naman magprepare si Mama para sa dinner. Tama hinala ko, nagluto siya at hinintay nila kami ni Stell.
After ko tulungan si Mama, sinundan ko si Stell sa kwarto. Inaayos ang higaan. Same pa rin naman ang itsura ng kwarto niya. Natuwa ko ng makita mga old pictures namin na nakadikit pa din sa wall. "Kain ka na dun, ligo lang ako saglit" - sabi niya. "sabay-sabay daw tayo kakain sabi ni mama" - sagot ko.
Matapos siyang makaligo lumabas siya ng kwarto suot ang favorite niyang muscle shirt at shorts, nakaupo na kami sa may kusina. "Teyteyman tara na't kumain" - aya ni mama. Umupo siya sa tabi ko. Habang kumakain kinumusta ako ni Mama Mylene, nagkwentuhan kami about sa work then bigla niya nabanggit si Charles. "Di naman sa ano ha nak? Pero di talaga kayu bagay nung Charles na yun" - sabi niya. "Maaaa..!" - saway ni Stell. "Okay lang, oo nga po Mama e buti na lang nagising ako sa katotohanan" saka kami nagtawanan dalawa.
Naupo muna kami sa sala. Tamang nuod lang with kwentuhan. Nakipag-harutan pa samin si Gimo, tuwang tuwa siyang magkakasama kaming tatlo. Past 11PM na, nagpaalam ng matutulog sina mama at tatay Jun. Pumasok na rin kami sa kwarto ni Stell. Dumiretso ako ng CR. May CR din sa loob ng kwarto niya.
"Ano papanuorin natin movie ngayon Tey? Tuloy ba muna natin yung Modern Family?" - tanong ko habang kumukuha ng bihisan sa bag. "Sigi lang. Pili tayo pagkatapos mo maligo, dun na rin ako oorder ng food ano gusto mo?" - sabi niya while checking his phone. "Korean! Parang gusto ko ng Kimchi" - sagot ko. Tumango lang siya tas humiga sa kama ako naman pumasok na ng CR.
Pagtapos ko maligo pagbukas ko pinto habang pinupunasan ang buhok ko e nakita ko si Stell... TULOG! Wow! Patanung tanong pa ng anong gusto kong food. Nagsuklay ako, naglagay ng night cream at dahan-dahan gumapang sa kama. Lumapit ako sa kanya para titigang mabuti kung tulog ba talaga siya o nang-aasar lang nang bigla siyang gumalaw at inakbayan ako. Napasubsob ako sa may chest niya.
"Aray ko naman!" - reklamo ko. Di ako makagalaw ang higpit ng pagkakayakap niya. "Ganito muna tayo Addie..." - bulong niya habang nakapikit padin. Umayos ako ng higa, niyakap ko rin siya sa may bewang habang nakapatong pa rin ulo ko sa chest niya.
Pumikit ako while listening to his heartbeat. Ambilis. Ganito ba talaga kabilis ang tibok ng puso mo pag kasama mo ko Stell?Andami pumapasok na kung ano2 sa isip ko habang nakayakap kay Stell. Tumingala ako at pinagmasdan ang mukha niya. Ang amo ng mukha niya pag tulog, napapangiti ako. "Pano kaya kung di tayo naging mag-bestfriends no? Ikaw siguro gugustuhin ko maging boyfriend" - pangiti kong bulong. Napangiti ako sa sinabi ko.
Kaiinggitan ko ang babaeng makakatuluyan ni Stell. Buti na lang at tulog na tulog siya't di niya narinig sinabi ko kundi aasarin na naman ako sigurado. Bumibigat na rin ng unti-unti ang mga mata ko. Hayyyy di man kami nakapag movie marathon. Inantok na din ako. Hinigpitan ko ang pagkakayap sa kanya at bumulong ng "Goodnight Stellvester ng buhay ko" then I kissed his cheek. Gumalaw siya ng bahagya pero di naman niya inalis pagkakayakap sakin. Then I fell asleep.
BINABASA MO ANG
Endlessly
FanficIs long-term friendship worth the keep if you both know that you're feelings for each other is way beyond being "FRIENDS".Will you keep the friendship? Or are you willing to take the risk?