Pagkadating sa bahay we happily announced the good news kay Mama. Tuwang tuwa naman at kilig na kilig silang dalawa ni Ate Rose. Pumayag na rin ako sumama sa party ni Boss Mel.
Naligo ulit ako ng mabilis then I choose to wear the Floral vintage long sleeves dress na V-neck. Above the knee ang haba niya then I paired it with my Korean leather boots. Hinayaan ko na lang nakalugay ang hair ko since mas feel ko siya today medyo wavy siya. Sinuot ko na yung black na sling bag then bumaba na.
"Oh mag-iingat kayo mga anak ha? Ayyy naku ang ganda ganda ng anak ko talaga" - pambobola ni Mama. "Sige Ma pang-sharon kita if ever" - sabi ko. Nagtawanan sila. Lumabas na kami ng gate at sumakay na ng kotse.
Along the way. Nakangiti lang nagda-drive si Josh pakanta-kanta sinasabayan ang Circles ni Post Malone. "Saya natin today ah" - pabirong sabi ko sa kanya. Ngumiti lang siya then hinawakan niya left hand ko. "Sobra..." - sabay niya. "Grabe ka no... I didn't see that coming" - dugtong niya. "Haha ako rin nabigla actually pero pinag isipan ko naman na siya" - sabi ko. Ayihhhh boyfriend ko na si Josh Cullen!
"Ano pala itatawag ko sayo?" - tanong niya. "ha? Addie... Diba yan naman na tawag mo sakin kahit nung una pa lang?" - sabi ko. "No I mean aren't we going to, you know have endearments like... Love, baby, mahal.. yung ganun" - sabi niya. A moment of silence then after 10seconds bigla kaming nagsabay.
"YUCKKKKKKK!!!!!!"
Nagtawanan kaming dalawa. "wag mo ulitin at nagki-cringe ako" - sabi ko habang hinahaplos ko mga braso ko't para ko kinilabutan. "Oo nga e ewan ko bat ko natanong yun ihh! Akala ko kasi gusto mo ng ganun eh" - sabi niya. Umiling iling ako. Hindi ako ang tipo ng babae na mahilig sa mga pabebe stuffs na ganyan .. ewan ko ba basta nagki-cringe ako.
We finally arrived sa bahay ni Boss Mel. Andaming nakapark na sasakyan. Parang napakalaking party naman ata ang ginawa ni Madam. Sabay kami pumasok sa loob, nakaakbay siya sa may bandang waist ko. Sinalubong kami ni Boss Mel na mukhang medyo nakainum na kasi namumula na ang pisngi. Binati namin siya ng Happy birthday at inabot ni Josh yung mga regalo. Tuwang tuwa si Mader Earth! Haha
"Grabe andaming tao" - sabi ko. "Oo nga parang year-end party" - pabirong sabi ni Josh. Anlaki ng bahay ni Boss Mel.Hinawakan ni Josh ang kamay ko at magkaholding hands kaming naglalakad sa may left side na garden ng may marinig akong tumatawag sakin "Addie...! Addie! Wooohoooo!"
Sina Paulo! Nasa iisang table sila nila Stell, Justin at Ken.. pati yung Stephanie. Niyaya ko si Josh. Pumayag naman siya. Yung mga upuan parang yung mga bench na nakikita mo sa park. Ang cute. Nagbatian muna kaming lahat and as usual binubully nila ko kase nakadress ako. Ahahaha
May sinesenyas si Justin kay Pablo pasimpleng tinuturo ang magkahawak naming kamay ni Josh. "hoy hoy hoy teka lang teka lang.. ano yan ? Kayo na?" - tanong samin nila Pablo. Ngumiti lang ako. "She said Yes pare" - sagot naman ni Josh. Sigawan naman ang boys pati si Stell nakikigulo. Lumapit si Stell samin dalawa na kanina nakaupo katabi si Steph at Ken. Bumitaw muna ko kay Josh at niyakap si Stell then nakipag apir naman siya kay Josh." Sa wakas di ka na hopia" - biro niya. Natawa naman si Josh. "Ingatan mo yang best friend ko ah?" - sabi niya. "I will pare.. thank you" - sincere na sabi naman ni Josh. Naupo na kami na nakisali sa kasiyahan.
After namin kumain nag-umpisa ng umulan ng drinks. Lady's drink ako, si Josh nag refused sa alcohol since siya nga yung magda drive pauwi. Napansin ko naman si Stell painom-inom ng konte.. "Uy Vester.. kalmahan mo lang allergic kayo dyan diba?" - sabi ko sa kanila ni Ken. Magkakatabi kami nila Pau at Jah, ako sa may dulo katabi ko si Josh. Nakasandal ako sa may braso niya tas siya katabi niya si Paulo then si Jah, habang nasa harap naman namin sila Stephanie na katabi si Stell then si Ken tas si Renz na makulit din.
Ang ingay namin.Tawanan dito, asaran doon. Nakikipag sabayan naman din si Josh sa biruan. Nakalimutan tuloy namin na isa siya sa mga Bosses ng kumpanya. Nagyaya maglaro ng truth or dare sila Ken. "Jusko heto na naman po tayo" - iiling iling kong sabi. Nilinis nila ang table at kumuha ng basyong bote.
"Ang gulo nila no?" - sabi ko kay Josh. "ayus lang ansaya nga nilang kasama eh" - sabi naman niya. "oy tama na muna yang kasweetan na yan magstart na tayo" - sabi ni Pau na feeling Pinuno na naman. Siya unang nagpa-ikot ng bote, tawang tawa kami kasi sa kanya naturo. "O ayan kasi" - sabi ko. "Sigi na sigi DARE!" - sabi niya. "wow antapang!" - asar namin sa kanya. "Kanta ka ng isa dun oh" - sabi ni Ken sabay turo. Ibang klase rin naman magpa Videoke si Boss Mel. May malaking TV na nasa gitna then may mga mics dun at DJ booth. Ang bongga.
Nung una umaayaw siya kasi napakarami nga namang tao kaso sabi namin pag di niya ginawa e iinom siya ng alak. Mabilis siyang tumayo't kumuha ng wireless mic at kinanta ang Eyes,Nose,Lips ni TaeYang. Pinalakpakan siya ng mga bisita. Grabe ang galing talaga ni Pinuno kuhang kuha niya hagod ni TaeYang. "Nice one pre" - sabi naman ni Josh sa kanya't nakipag apir. "Oh next!" - sagot naman ni Jah. Pinaikot ni Justin. Sakin tumuro. Sigawan na naman sila. "TRUTH!" - sabi ko naman. "Bukod kay Sir Josh. Sinong crush mo?" - biglang entry ni Stephanie. Wow close tayo girl? Hahaha umagree naman sila. "Tapos if nandito siya, lapitan mo" - dagdag pa niya.
Di ako kumibo at tumayo ako't lumapit kay Ken sa may likod niya at hinawakan siya sa magkabilang balikat. "Alam na nila to eh college days pa pero since di niyo pa alam.. FYI sa inyong dalawa" - sabi ko naman sabay tingin ko kay Steph at Josh. Ang ingay naman nila nagtatawanan "ahhh so siya pala yung sinasabi mong bias mo?" - sabi sakin ni Josh. "Oo bias.. bias talaga ko neto college pa lang kami dre gwapong gwapo na sakin to di ko lang type.. sorry dre wag ka magselos" - walang prenong sabi ni Ken. Tinampal ko siya sa balikat saka na bumalik sa upuan ko. Tawang tawa sila sa sinabi ni Ken. Maghanap ka ng taong madalang lang magsalita pero pag bumanat e literal na walang filter? Si Ken yun!
Pinaikot ko ang bote. Kay Justin tumuro. "Ano ba yan binalik mo sakin" - sita niya. Oo nga naman! Haha "TRUTH na lang din ayoku kumanta" - sabi niya. "Ikaw naman sino crush mo?" - biglang sabi ni Josh. Tawang tawang kami. Namula si Jah. "Lalapitan ko rin?" - tanong niya. "okay lang kahit wag na" - sabi naman ni Josh. Nahihiya siya pero dahil ayaw kumanta... "Si Addie" - nahihiya niyang sabi. Lalo naman kami nagtawanan. Medyo di nakakasunod yung dalawa. "Ano kwento ko na ba? Kwento ko na?" - sigaw ni Stell. "Ganito kasi yan, para sa kaalaman niyong dalawa Stephanie at Josh. Magkakasama kaming lima since college. Etong si Addie crush na crush si Ken, tas si Justin crush na crush naman niya si Addie. Akala nun ni Justin na nililigawan ni Ken si Addie sa sobrang sama ng loob niya hinamon ng suntukan si Ken... " - detalyadong kwento ni Stell. Nagtakip ng dalawang tenga si Justin sa sobrang hiya.
"Hala yung bunso natin nahihiya na naman siyaaaa" - asar ko sa kanya. Siya kasi pinakabata samin. "then what happened? Nagsuntukan kayo?" - tanong ni Josh na nakatingin kila Stell Ken at Jah. "Hinde... di ko naman type si Addie di ko nga alam san niya galing chismis na yun eh tas sila Paulo pala nagsabi pinagtripan si Justin" - tuloy naman ni Ken. Lalo silang natawa.
Tuloy tuloy lang ang laro kahit nung turn na rin ni Josh mas pinili niya yung DARE tas kinanta niya yung NEVERLAND ni Inigo Pascual. Ang ganda ng boses niya grabe. Nung kay Stell na tumuro ung bote medyo nanahimik ang boys, parang medyo lasing na rin ata si Stell kasi namumula na siya pero sabi niya kaya pa naman daw niya. "Oh ikaw naman sino crush mo" - sabi ni Ken.Bakit puro SINONG CRUSH MO na lang yung tanong. Pansin ko naman na parang pinandilatan siya ng mata ni Jah parang binabawalan. "Oh tapos?" - tanong ni Stell. "halikan mo!" - sabi ni Ken. Pinisil ni Jah ung hita ni Ken.
Hindi ko na magawang itanong kay Jah kung ano sinesenyas senyas niyang sa harap ko ay biglang na lang hinalikan sa labi ni Stell si Stephanie. Natahimik kaming lahat. Nanlaki mga mata ko... Best friend ko ba talaga to?
Then she kissed back. Ni hindi man lang siya nag-object. Then he stopped. Si girl parang gusto pa. Sigawan naman sila Ken at Paulo.
I was speechless.
BINABASA MO ANG
Endlessly
Hayran KurguIs long-term friendship worth the keep if you both know that you're feelings for each other is way beyond being "FRIENDS".Will you keep the friendship? Or are you willing to take the risk?