Patapos na ang party. Halos nagsisiuwian na mga bisita, nagkayayaan na rin kami na umuwi. Sabay-sabay kaming naglalakad palabas, si Stell halos di na makalakad ng diretso sa dami ng nainom. Inaalalayan siya ni Pau at Justin. Nauuna silang maglakad. Sa may likuran kami ni Josh. Di ko naman mapigilan mapatingin kay Stephanie na nasa likod ni Stell hinahagod ang likod ng best friend ko.
"Is Stell really a drinker?" - tanong sakin ni Josh. Umiling ako. "Di ko nga alam anong meron at uminom siya e allergic sila nito sa alcohol eh" - sabi ko sabay turo ko kay Ken na nasa tabi ko sabay namin naglalakad.Patango naman umagree si Ken sa sinabi ko.
Josh offered na ihatid namin si Stell sa bahay kaso sabi niya dun daw siya kila Jah matutulog. Day off pa din naman kasi namin lahat kinaumagahan. Hindi pa rin mawala sa isip ko yung eksena kanina sa table.
Halos magkatabi lang sasakyan nila Josh at Justin. Inaalalayan nila ipasok si Stell sa may bandang likuran. Nagpaalam muna ko kay Josh na lalapitan ko muna sandali si Stell, pumayag naman siya habang pumasok na siya sa loob ng kotse.
Sumenyas muna ko sa kanila ng "wait". Nilapitan ko si Stell. Halos nakapikit na siya. Pulang pula na pisngi at nagsisimula ng lumitaw mga pantal sa balat niya. I'm so worried.
"Inom kang gamot ha? Kita mo balat mo oh mukha ng hundred islands" - alalang sabi ko. Dinilat naman niya mata niya nung marinig niya ko. "Addie?.. Addie ikaw yan?" - sabi niya sabay bitaw kina Paulo saka ako niyakap, sa bigat niya e napasandal ako sa kotse ni Jah. Nakaalalay naman ung dalawa. "Mag-iingat kayo pauwi ha? Tipsy lang ako pero di naman ako lasing. Wag ka mag alala bukas wala na tong mga pantal" - sabi niya. Lasing na nga siya, medyo nabubulol na siya magsalita.
"Tara na pre, sigi na Addie kaya na namin to. Lagot sakin to kinabukasan" - sabi ni Pau sabay alalay kay Stell. Nakaupo na siya sa likod isinandal niya ulo niya then pumikit na parang gusto na niyang matulog. "Wait.. last na lang" - sabi ko. Nasa driver's seat na kasi si Jah tas sa tabi niya si Ken. Si Pau di pa din makapasok kasi tumabi ako kay Stell.
"Tey..." - bulong ko. "May problema ka ba? Anong nangyayari sayo?" - dagdag ko. Dumilat siya ulit. Tinitigan ako. Walang emosyon ang mukha niya. Namumula na mata niya sa kalasingan. "Uminom lang may problema na? Diba pwede masaya lang ako kasi nakikita ko masaya ang best friend ko?" - sabi niya. Tahimik lang ako. Nag aalala talaga ko sa kanya.
Bigla siya humalik sa noo ko. "Stay happy ah? Para di ako mag-alala sayo, saka pakisabi kay Josh sa susunod na lang kami mag-bonding...iba-bash kita" - pabiro pa niyang sabi. Natawa ko ng very light. Sumandal na ulit siya then pumikit. Hinagod ko kamay ko sa may noo niya.
"Kayo na bahala dito ah? Ingat kayo" - sabi ko sa kanilang tatlo. Umoo naman sila.Naglakad na ko pabalik sa car ni Josh saka na pumasok. "How is he?" - sabi niya. "Ayun lasing.. dun muna daw siya kila Jah" - sabi ko naman. Kita naman ni Josh sa mukha ko pag-aalala. Hinawakan niya kamay ko. "He's going to be okay don't worry" - sabi niya. Tumango na lang ako.
I remain quiet the whole time na nasa sasakyan kami. "Okay ka lang Addie?" - tanong niya ulit. Umoo lang ako. Hindi lang talaga ma-process ng utak ko yung ginawang paghalik ni Stell kay Stephanie. "Ganyan ba talaga kayong mga lalaki?" - bigla kong tanong kay Josh.
"Ha???? Napano kami mga lalaki?" - nagtataka niyang sagot. "Ganun ba talaga epekto ng alak sa inyo at kung ano-anong mga kakaibang bagay naggawa niyo?" - sagot ko. Natawa siya. "Siguro? I dunno... it depends I think? I mean, nasa lalaki naman yun. Kumbaga yung alak parang pandagdag confidence lang...choice pa rin ng tao kung ano magiging action niya" - paliwanag niya. Di ako nakasagot. "Na-bother ka sa ginawa ni Stell no? Ngayon lang ba niya ginawa yun?" - tanong niya. Tumango lang ako. "actually ako rin eh I didn't expect na gagawin niya yung sinabi ni Ken pero, alam ni Stell yung ginawa niya.. nadala lang siguro siya, medyo tipsy na rin kasi siya kanina e" - sabi niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/286675698-288-k852891.jpg)
BINABASA MO ANG
Endlessly
FanfictionIs long-term friendship worth the keep if you both know that you're feelings for each other is way beyond being "FRIENDS".Will you keep the friendship? Or are you willing to take the risk?