6AM pa lang ng ginising ako ni Sir Josh. Nahihiya daw siya nung una na gisingin ako pero natatakot daw siya na mapagalitan kay Mama kaya agad siya nagyaya na umuwi na.Medyo antok pa ko kasi madaling araw na rin kami nakatulog pero pinilit ko ng bumangon.
Mukhang kakatapos lang niya maligo after namin magbreakfast. Hindi ko alam kung natulog ba siya o sobrang aga lang talaga nagising kasi nung maliligo na sana ako may iniabot siyang paperbag, pagtingin ko sa loob may souvenir shirt ng Tagaytay tas may maliit na box na may lamang necklace.
"Thank you..." - nakangiti kong sabi. Ngumiti lang siya sabay kindat... yihhhh teka lang naman kese ...! Haha
Habang nasa loob ako ng CR at nakaharap sa salamin hindi pa rin mawala sa isip ko yung moment na magkayakap kami ng mahigpit. Hayyyyyyy ano bang ginagawa mo saken Sir Josh.
I shook my head at ginising gising ang diwa ko't nagsimula ng maligo. After few minutes natapos din and nakapag bihis, kasyang kasya ko naman yung bigay niya, di siya fitted at the same time di naman ganun ka-loose. Tamang tama lang. White shirt yun so I decided to pair it with my army green side pocket na short.
"Kasya lang pala sayo eh..." - salubong niya sakin habang nakatayo malapit sa may TV. "Oo nga e .. salamat ulit ha?" - sabi ko naman. Naayos na namin lahat ng gamit na dapat dalhin palabas ng room ng makita ko yung cap niya sa may sahig. Pinulot ko saka sumunod sa kanya palabas.
"Naiwan mo ung cap mo nakita ko sa sahig" - sabi ko. Humarap siya sakin, iniabot ko sa kanya. Binitawan niya mga bitbit niyang bag then humarap sakin at isinuot yung cap sa ulo, isinuot niya patalikod. "Pangumpleto ng porma mo" - sabi niya sabay ngiti. Tuloy kami sa paglakad until we reached the elevator.
"Sana di ako mapagalitan ng Mama mo" - bigla niyang sabi habang nakatingin sa ceiling ng elevator. "Oo nga no.. yare" - pabiro ko namang sabi sa kanya.
Palabas na kami ng hotel nagbabye samin mga staffs pati yung guard, nag thank you din kami sa pagiging accommodating nila. Bago ako sumakay tinanong ko siya "san mo pala nabili tong mga souvenirs?" He replied "dyan lang sa may malapit .. daan muna tayo dun?" Tumango ako. Balak ko bilhan ng pasalubong sina Mama at Stell. Bumabaa kami sa parang tiangge. Andaming magaganda souvenirs, nagtitingin tingin ako ng may bigla ko nakita na cute na strawberry pillow. Agad kong binili.
"Mahilig ka sa strawberries?" - tanong niya. "ah hindi ako... Si Stell, pasalubong ko sa kanya. Gusto nun maraming katabing unan pag natutulog eh" - sabi ko naman. Tahimik lang siya.
Namili din siya ng kung ano-ano, yung iba daw pasalubong kay Mama yung iba naman dadalhin niya. Nakabalik na kami kung san nakapark yung kotse at sumakay na. Mabilis lang ang naging biyahe. Wala masyadong traffic at di na rin umulan. Nakatulog ako ng very light. Ginising niya ko ng malapit na kami samin. Umayos naman na ko ng upo at inayos ang buhok then sinuot ko ulit patalikod yung cap niya.
"Pinaka da best to sa lahat ng road trips na na-experienced ko" - sabi niya. "Sana may next time pa" - dugtong niya. "Meron yan basta wala na lang ulit mangyareng aberya kundi bi-bingo ka na kay Mama" - takot ko sa kanya. Nagtawanan kami.
2PM na ata yun nung makarating kami sa bahay. Sinalubong kami ni Mama. Kahit medyo nag aalala, napaliwanag naman ni Sir Josh yung nangyari and naintindihan naman ni Mama. Excited si Mama sa mga pasalubong na dala namin. Di na rin gaano nagtagal si Sir Josh kasi sabi niya need niya pumunta ng office.
Hinatid ko siya sa may gate. "So pano? Tag na lang kita sa tiktok ah?" - sabi ko. Nanlaki naman mata niya.. tumawa ako "Joke lang! Hahahaha di ko ipo-post yun pramis" - with matching panunumpa sign. Haha "Ewan ko sayo ... Pero seriously, I had a great time with you. Sobrang nag-enjoy ako" - nakangiti niyang sabi then bigla niya kong niyakap. "See you tomorrow at work .. I love you Addie" - sabi niya.
BINABASA MO ANG
Endlessly
FanficIs long-term friendship worth the keep if you both know that you're feelings for each other is way beyond being "FRIENDS".Will you keep the friendship? Or are you willing to take the risk?